Chapter 18

101 6 5
                                    

Sebastian POV

"Daddy, first baby niyo po ba?" Tanong ng pediatrician habang hinihele ko si Matt.

"Yes Doc." simple kong sagot. Pero babahala ako sa mga susunod niyang tanong

"Ahh nasaan si Mommy, bakit hindi siya kasama? Kailangan nandito siya para alam niya ang mga gagawin." Hindi ko alam kung anong isasagot ko, para akong napako sa kinatatayuan ko.

"I'm a single Dad,"  Mahina kong tugon. Pakiramdam ko may namumuong luha sa mata ko peeo pinipilit kong itago. Naaawa ako sa sarili ko, hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang kailangan niya na nanay lang ang makapagbibigay.

"Sorry for that. Anyways madali lang naman ang ituturo ko, kaya kayang kaya mo 'yun. So, where's the immunization booklet?" I handed her the booklet at medyo kinkabahan sa mangyayari.

"So, this was his 3rd  immunization. Come here just hold your baby, okay? Saglit lang 'to." Hinawakan kong mabuti si Matt at hindi ko tiningnan kung paano ituturok ang gamot baka masapak ko lang ang Doctor dahil ayokong umiiyak ang anak ko.

"Okay na buddy. Daddy is here." Hindi tumitigil sa pag-iyak si Matt. Gusto ko na siyang ipasa sa doctor para tumigil siya sa pag iyak. Natatakot ako baka hindi na siya nakakahinga o kaya baka kung anong mangyari sa kanya.

"Daddy, pag uwi niyo maglagay po kayo ng mga cotton balls sa maligamgam na tubig at pagkatapos idampi niyo po sa part na ininjectionan para hindi mamaga okay? Sige po doon na lang po sa counter." Pakiramdam ko namumutla na ako sa sobrang kaba dahil iyak pa rin nang iyak si Matt.

Pagkatapos kong magbayad, agad kaming umalis para magawan ng paraan ang hapdi ng turok sa kanya.

"Nak, shhhhhh h'wag ka nang umiyak Daddy is here." Halos mangilid na ang luha ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya patatahimikin. Natataranta na ako, walang patid ang pag-iyak niya.

Bigla akong napalingon nang may tumawag sa'kin habang naglalakad ako sa lobby ng Hospital. Nakangiti siya akin habang ikinakaway ang kamay niya. Tiningnan ko siyang maigi habang papalapit ako sa kanya. Have we met before?

"Kuya! Akin na ang bata." Concern niyang kinuha ang anak ko at hinele. Hindi na rin ako nag alinlangang ibigay dahil hindi ko na alam kung paano siya patatahimikin sa pag iyak.

"Hey little chaba. Where is your mommy? mukhang gutom ka na." Umupo siya sa kanina niyang inuupuan at pinadede ang anak ko. Kahit medyo natatakot ako baka mamaya may kung anong sakit ang makuha ng anak ko mula sa babae pero wala akong choice kundi ibigay ang nararapat para sa anak ko.

Napahilamos na lang ako ng mukha sa mga nangyayari. Gusto ko mang ibigay lahat sa anak ko, hindi ko magawa dahil tanging ina lang ang kayang magbigay.

"So, okay na siya. Nagugutom lang. Mukhang kakapainject niya lang dahil medyo namamaga pa ang right leg niya. Dampian mo na lang ng maligamgam na tubig. Kanina ko pa kasi kayo tinitingnan naaawa ako sa anak mo dahil iyak nang iyak." dahan dahan niya sa'king inabot ang anak ko na tulog na tulog.

"Thank you for helping me. Ang hirap pa lang maging magulang." She tapped my shoulder as if she was saying that everything will be okay.

"Ganun talaga. Kami nga ng husband ko hirap dahil parehas kaming may trabaho at nagpapa breast feed pa ako. Pero kinakaya naman. Nasa loob sila dahil mag papa inject ng immunization ang anak ko." I envy her, dahil dalawa silang nagtutulungan for their child.

"You're luckier than me. Buti nga ikaw may kasama ka to watch your child, samantalang ako mag isa. I'm a single Dad kaya lalaban akong mag isa para sa anak ko." napatingin siya sa'kin na parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Talaga single Dad ka? Nako mahirap nga yan pero alam kong kakayanin mo lahat. Sorry for asking nasaan na ang nanay ng anak mo?" maintriga niyang tanong.

"Hindi ko rin alam, and I am not interested to know where she is." Tumango lang siya at hindi na nasundan ang tanong.

"By the way thank you ulit, Ma'am?" I offer her a shake hand. Hindi naman siya tumanggi at nginitian niya lang ulit ako sa huling pagkakataon at kinurot nang bahagya ang braso ng anak ko.

"Don't call me Ma'am. Just call me ate Liza. Sige na umuwi na kayo para madampian mo na ng maligamgam ang sugat ng baby mo. Good luck." nginitian ko siya bago ako umalis.

Habang naghihintay ako ng taxi dahil hindi ko kayang magdrive na may dalang bata, nakita ko si Sheena kasama si Angelo na kalalabas lang sa Starbucks na katapat ng pinag hihintayan ko.

They looked very much happy na parang walang iniisip na problema. Tumawid silang parehas papunta sa kinatatayuan ko. Hindi siguro nila ako nahalata dahil sobra nilang saya.

Hindi ako kumikibo ng tumabi sila sa'kin. I don't want to disturb them with my presence, kaya ng may nakita akong taxi pinara ko agad kaso nilagpasan ako.

I saw them looking at me in my peripheral vision. Humarap ako sa kanila na parang wala lang.

"Sebastian? Why are you here?" Himala nagtanong siya na akala mo interesadong malaman kung anong ginagawa ko rito.

"Nothing. Besides, its none of your business." I said in a serious tone.

"Ahh.... Okay. Angelo lets go?" Umalis sila na akala mong may utang na tinataguan. Balang araw malalaman mo rin kung anong halaga ng sanggol na hawak ko ngayon. At kung dumating ang araw na yun ipapamukha kong hindi ka namin kailangan para maramdaman mo ang pakiramdam nang nanlilimos ng pagmamahal at oras.

Tinawagan ko na lang si Dad para ipasundo kami sa driver niya dito sa may tapat ng Hospital. Ayoko ng tumagal dito at baka lumabas pa ang sungay ko at masubukan nila ang pagka demonyo ko.

Maya maya lang, dumating na ang sasakyan na susundo sa'min. Pagpasok ko sa loob si Dad pala ang nagdadrive.

"Oh bakit ikaw ang nagdrive? Marami ka pa yatang ginagawa sa office."

"Son, basta para sa apo ko I am willing to give up everything." Napatingin ako ng seryoso sa kanya at hindi makapaniwala na sasabihin niya yun.

Tumahimik ako ng sandali para makaisip ng sasabihin.

"Thank you. Hmmmm..... Thank you for that Daddy." Hindi na siya sumagot at nag drive na lang hanggang sa nakarating kami sa bahay.

To be continued.......

UnwantedWhere stories live. Discover now