Part 2

2.7K 94 5
                                    


I slowly opened the door at maingat ko rin iyong isinara. I don't know why I'm doing it. Para akong magnanakaw na mahuhuli kahit anong oras sa sarili naming bahay. Naghubad ako ng sapatos at dahan dahan uling naglakad. Maingat na di makagawa ng ingay o makasagi ng kung anong vase. Puro kasi vase ang bahay namin dahil iyon ang hilig ni Mommy. Buti nalang at may dim light sa sala, ayaw kasi ng parents kong totally patay ang ilaw.

Kalalagpas ko lang ng sala ng may tumikham. My body went rigid. Why is he still up?

"At saan ka galing?" seryso ang tono ng boses nito.

Pumihit ako paharap. Nasa may sulok pala ito ng sala naka upo.

"You pala brother dear! Aren't you supposed to be sleeping na?" kunwaring masigla kong bati.

"Sinilip kita sa kwarto mo, wala ka kaya hinintay na kita dito." lumapit ito sa akin, pinaikot ang braso sa leeg ko saka pabirong sinakal. "Anong oras na. Uwi ba to ng matinong babae?"

"Ouch! Kuya Cyrus! That hurts kaya! And will you stop treating me like a child?" reklamo ko. Di ko rin naman kasi maintindihan itong si kuya kung bantayan niya ako akala mo paslit parin ako. Kuya Cyrus is my older brother. My only brother. He is also a doctor like Pablo. Kaya nga sila naging friends dahil sa med school sila nagkakilala.

Binitawan ako nito. "Fine. Nag-aalala lang naman ako sayo. Di kasi kita ma contact. Bakit ba ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?"

"Kumain at uminom lang ako sa labas."

"Mag-isa?"

"Oo, bakit? Kailangan ba laging may kasama?"

"Hay Jade, mag boyfriend ka na kasi para naman may nagbabantay sayo at para di na ako masyadong nag aalala." tila nakukunsuming wika nito.

"Wow kuya! Sayo pa talaga nanggaling yan? Eh kung takutin mo nga yung mga nagtatangkang manligaw sa akin!"

Tinawanan lang ako nito at ginulo pa ang buhok ko. "Heto na nga niluluwagan na kita."

"Thanks ha!" I sarcastically said. Though okay lang sa akin ang ginagawa ni kuya dahil wala naman akong gusto sa mga lalakeng iyon.

"Basta ba yung matinong lalake ang ipapakilala mo, stick to one at yung sigurado kang mahal ka ay hindi ako mangengealam. Binabantayan lang naman kita dahil may palagay akong kabaliktaran non ang pipiliin mo."

Korek ka dyan brother! Kabaliktaran talaga si Pablo! Bakit pa kasi ganon ang naging bestfriend mo? Naturingang doktor ng mga bata pero mukhang mas busy siya sa mga nanay ng bata!

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina. Pagkatapos kasing ihatid ako ay pinagmamadali na akong pababain. May lakad pa ata, o baka susundan ang kasama niyang babae kanina.

Napanguso ako "I agree with you, you're right most of the time."

"You mean all the time?" pagtatama nito.

"Fine." Kumapit ako sa braso nito. "Let's sleep na kuya, it's late."

Magkasabay kaming umakyat sa second floor. Magkatabi lang ang kwarto namin. Tulog na siguro ang asawa at anak nito.

Bago ito magsara ng pinto ay naalala ko ang sasakyan ko. "Oh and kuya, can you like ask manong Andoy to get my car tomorrow?"

"Hindi mo gamit ang sasakyan mo? Pano ka nakauwi? Nag taxi ka ba o may naghatid sayo?"

"Secret!" dinilaan ko ito saka isinara ang pinto.

🌸🌸

BALAK ko ngayong dalawin si Mira, matagal tagal narin kasi kaming hindi nagkikita. Namimiss ko rin ang inaanak kong si Charlie. Sakto dahil sabado kaya siguradong nasa bahay ang mga ito.

Insta HeartBreakWhere stories live. Discover now