Chapter 3

2.5K 108 10
                                    


I'm driving to Mira's place. Nasa loob na ako ng village nila. Pag liko ko sa isang kanto ay nakilala ko na ang nakatalikod na pigura ni Teo... na may tinutulak? Nang makalapit ako at tumapat sa kanya ay dun ko nakita kung sino ang tinutulak nito gamit ang wheelchair. Walang iba kundi si Grasya.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse.

"Hi lovers!" bati ko.

"Uy Jade ikaw pala! Hello!" as always magiliw na sagot sakin ni Grasya habang si Teo ay tinanguan lang ako. Buti nalang sanay na ako sa kanya kundi iisipin ko talagang ayaw niya sakin.

"Anong trip niyong dalawa?" usisa ko pero kay Grasya lang ang tingin.

"Itong wheelchair ba? Gusto ko kasing mamasyal pero ayokong sumakay sa kotse nitong ni Teo dahil nahihilo ako. Ayaw din naman niya akong napapagod sa malayong lakaran dahil katatapos ko palang daw sa first trimester ko. Kaya dito kami nagkasundo. Ang cute diba color pink pa pinagawa pa to Teo ganyan niya ako kamahal!" mahabang paliwanag nito saka humagikhik.

"Ang weird niyo talagang dalawa. Bagay na bagay kayo." natatawang wika ko.

"We know right? Ikaw pala saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko lang si Mira, matagal na din kasi kaming di nagkikita kaya dadalawin ko muna."

"Ganun ba? Sabagay, nabanggit nga niyang nami-miss ka daw niya pero di ka naman daw niya mahagilap." natawa narin ako dahil naalala ko bigla ang tadtad na text mula kay Mira. "Huli ata tayong nagkita kita nung kasal namin."

"Kinain kasi ako ng trabaho. Paano una na ako para mahaba haba ang chikahan namin ni Mira. May pupuntahan pa ba kayo o mag iikot lang kayo dito?"

Nilingon ni Grasya si Teo at hinawakan ang kamay niyong nakahawak sa handle ng wheelchair.

"Teoooooo punta tayo dun sa pastry shop ni Mira. Gusto ko nung cupcakes niya dun. Pleaseeeee."

Pinigil ko ang tawa ko. Balak niya bang pagtulakin si Teo papunta dun? Ang layo kaya non! Haha loka loka talaga ang babaeng to.

Lumakad si Teo at pumwesto sa harapan ni Grasya. Nag squat ito para makausap ng mabuti ang asawa. "The shop is too far from here. Bago pa tayo makarating dun ay madami ka ng nalanghap na usok mula sa mga sasakyan. At isa pa madalas ka ng kumakain ng matatamis which is not really good for you."

Agad na nalungkot ang mukha ni Grasya at parang maiiyak na. "Eh gusto ko nga pano yan baka magalit sakin si baby kasi yon din ang gusto niya."

Napabungtong hininga ang isa saka hinawakan ang kanang pisngi ni Grasya. "Fine. But not now. Maybe I'll ask Mira to make you a special cupcakes na hindi masyadong matamis."

"Talaga? Mag promise ka muna samin ni baby!"

"I promise mommy." Inilipat nito ang kamay sa tyan ni Grasya. "And I promise you too baby."

My heart clinch. What a sight. Mangyayari din kaya yan sakin? Nakakinggit naman ang dalawang to hay, makaalis na nga!

"Ako nalang ang magsasabi kay Mira na gawan niya ng cupcakes si Grasya." I volunteered.

Lumingon si Teo at tipid na ngumiti. "Thanks Jade. I'll just pick it up then."

"Okay. Bye!" Paalam ko. Kumaway si Grasya.

Nagtuloy na ako sa pagmamaneho.

🌸🌸🌸

Pagkatapos kong iparada ang sasakyan ko ay nagtuloy na ako sa loob ng bahay nila Mira. "Anybody home?!" sigaw ko.

May narinig ako na mabibilis na yabag. Charlie came into view.

"Tita Jade you're here!"

"Charlie pogi I missed you!" tumakbo ito at yumakap sa akin. "How are you? Where's your mom?"

Insta HeartBreakWhere stories live. Discover now