Chapter 4

451 21 6
                                    

PAGPASOK SA BAHAY, basta na lang niya nilatagan ng manipis na sapin ang sahig, at hinagisan ito ng kumot at unan.

"Oh, dyan ka na muna matulog, kung di ka pa tulog nang lagay na yan ha. Walang electric fan dyan, malamok din pag gabi. Magtalukbong ka na lang, hehehe." Pumasok na sya ng kwarto at inayos ang sariling higaan. Baka matukso pa syang tabihan ang gwapo!

Maliit lang ang bahay na inuupahan ni Paul. Mula sa pinto ay salang kusina na agad ang mabubungaran. Sa gilid nakalagay ang kanyang lamesa at dalawang upuang kahoy. May eskaparate na patungan ng TV. Wag ka, flat screen! Napitik nya dati sa inakyat-bahay nya. May mga kasama pa iyong ibang gamit pero dinispatsa na nya para magkapera. Ang pinakakusina naman ay mahabang lababo lang talaga na patungan ng de kuryenteng kalan, lagayan ng mga plato at kubyertos, dalawang kawali at isang kaldero. Sa dakong kanan ay magkatabi ang pinto ng kwarto at ang banyo. Kung may kakaiba man sa bahay nya, yun ay dahil napakalinis nito.

Walang mga damit na nakakalat, walang gamit na nakatambak, at lahat ng makikita sa bahay ay may silbi. Hindi sya bumibili ng hindi nya kailangan. Karaniwan ay ibinebenta nya rin ang mga gamit na napipitik.

Noon iyon, noong baguhan pa lang sya. Ngayon ay pawang mamahalin na lang ang tinitira nila, hindi na mga pipitsuging aplayans.

Lumabas sya ng kwarto para i-check ang lalaking tulala kung nakahiga na ba ito. Baka tumakas na! Pagkakita nya ay nakatayo pa rin ito sa pinag-iwanan nyang pwesto.

"Bakit nakatayo ka pa rin dyan? Tulog na oy!"
Nang hilahin nya ito palapit sa lugar na pwedeng maglatag, napansin nya na paika ito kung humakbang.

Ang tinamaan ng magaling na tulalang bathala ng kagwapuhan, puro dugo na pala ang paa! "Hala ka! Napano yang paa mo?! Kundi ba naman kasi saksakan ng boplaks, susunod ka na lang sa kin, di ka pa nagsuot ng tsinelas!" Iniupo nya ito sa kahoy na silya, at saka ineksamin ang paa.

"Oh my gas!" May dalawang bubog pang naiwan sa talampakan! "Ano ka ba naman?! Di ka man lang umiwas sa basag na bote!" Nang tingnan nya ang mukha ng lalaki, nakatitig ito sa palad nyang nababalutan din ng tela.

Bigla nyang naalala na meron nga rin pala syang sugat sa palad.

"Ay! Pareho pala tayo. Ikaw nabubog, ako sumabit sa BUDWIRE dun sa pader nyo."

Tumayo sya para kumuha ng malinis na basahan, plangganita at alkohol. Dahil hindi talaga maiwasang masangkot siya sa mga aksidenteng tulad niyon ay handa na sya. Tinungo ang kwarto at kinuha na rin ang bulak, agua sinada, ban-eyd at betaday.

Una nyang nilinis ang kanyang palad. Hinugasan ito, nilinisan at saka binendahan.

Sumunod nyang tingnan ang talampakan ng lalaki. Pinisil-pisil nya ang parteng may sugat. Tiningala muna nya ang mukha nito kung ngingiwi sa sakit. Wala talaga. Parang robot. Amazing! Super saiyan ata! Tingnan ko nga kung di ka mapangiwi sa sakit.

Tinanggal nya isa-isa ang mga bubog na nakakapit. May isang bubog na sadyang malalim ang pagkakabaon kaya inuna nya ito. Sunod nyang tinanggal ang isa pa. Sinadya nyang hindi magdahan-dahan para makakita ng kahit katiting naman na reaksyon mula dito. Wala.

Nga-nga!

"Di mo lang alam dahil sayo, ako'y di makakain. Di rin makatulog buhat nang iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo. Tulad mo na may pusong batooooo!" Kumanta na lang si Paul. Wala nga lang odyens impak.

Nilinis nya ang paa nito gamit ang tubig sa planggana at pinunasan ng malinis na basahan. Ganoon din ang ginawa nya sa isa pang paa. Wala namang bubog dito, pero may maliit na hiwa sa parteng sakong. Sakong na kahit madumi ay halatang pang-mayaman.

CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling CrookWhere stories live. Discover now