Chapter 12

348 13 0
                                    

Kinaumagahan, almusal. Tahimik ang lahat maliban kay Antonio na walang alam sa nangyari nang nagdaang gabi.

"Pucha, wala akong kamalay-malay, nag-jombagan na pala kayong dalawa. Bat naman umabot kayo sa ganyan?" Lumingon muna ito kung nasa paligid si Fatima. "Tol tinototoo nyo na ata. Tsaka wala sa script yang love triangle, bakit ganyan ang naging eksena nyo?!"

Walang sumasagot sa tatlo, ni hindi ginagalaw ni Kevin ang pagkain sa plato nito.

"Sino ang iibigin ko, ikaw ba na pangarap ko, o sya bang kumakatok sa puso kooo..." Lumapit si Fatima na may dalang pitsel ng juice. Literal na nakasuot na ito ng rollerblades! "Ohh! Anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko. Nalilitong litong litooo.." Sinalinan nito ng juice ang mga baso nila habang gumugulong na paikot sa lamesa. Kundi ba naman talagang nang-aasar!

"Parang ang saya mo, Miss Fatz." makahulugang sabi dito ni Antonio. Sa di nila malamang dahilan, biglang sumimangot ang longkatu.

"May kuweba daw dun sa may burol, lawa ang nasa ilalim. Tagusan daw iyon sa kabilang parte ng dagat. Puntahan natin mamaya!" Si Antonio pa rin. Kunot-noong napatingin sya dito. Bakasyunista ang asta!

"Kaso malamang hindi makasama tong si Gelo. Kaya mo pa bang maglakad brad? Parang nabalian ka ng gulugod ah! Ano ba kasing ginawa mo at ginulpi ka ni Hulk Hogan?!" Pati tawa nito, parang masayang-masaya pero hindi naman dahil sa kanila. Parang iba ang dahilan kung bakit ito masaya.

"Bakit ba ang saya mo dyan?! Ginapang mo si Fatima kagabi no?!" hula lang naman ang kanya. Pang-asar lang para manahimik ito.

Biglang namula ang lalaki. Nanlaki ang mata nya at napatingin sa noon ay papalapit sanang si Fatima. Nang marinig nito ang sinabi nya, bigla itong tumalikod at bumalik sa kusina. "Syete! Ginapang mo nga?!" Napadukwang pa sya sa lamesa, mahina ang boses at di makapaniwala.

"Ssshhh! Ako ang in-charge sa kanya di ba?! I'm just doing my part!" madiing depensa nito. Pati si Kevin ay nakitaan nya ng konting ngiti na agad ding napawi.

"Mamaya, puntahan natin yung kweba. Maiwan kayong dalawa, alagaan mo yang jowa mo. At gawin nyo na din ang dapat nyong gawin." Pag-iiba nito sa usapan. "Ikaw brad," tukoy nito kay Kevin, "Sumama ka sa amin para may third wheel. Tutal sanay ka naman."

Pinukol ni Kevin ng masamang tingin si Antonio na ginaya lang ang palaging sagot ng higante. Kibit-balikat.

Sa lahat ng iyon, nakamasid lang si Gelo na nasa kaliwa nya. Panaka-naka ay hinahawakan ang kamay nyang nasa ilalim ng lamesa, na agad din naman nyang binabawi.

"Kung gustong mag-holding hands, gawin na lang." Si Fatima ang nagsalita. Sino pa ba? E parang may mata ang likod ng ulo nito. Naisipan niyang gumanti dito.

"Sang saglit ng ubod-tagal, unang halik ng 'yong mahal. Isang saglit lang nang matikman, isang saglit lang parang walang hanggan. Yan ang iyong unang halik..." Siya naman ang bumira ng kanta. "Talikod, rap!" Sabi pa nya nang ang kawawang Fatima, animo'y sundalong biglang tumalikod pabalik ng kusina. "Wala ka pala eh!"

"Wag mo nang asarin si Miss Fatima." Saway sa kanya ni Antonio. The CCTVs in the house have been running on a loop simula nang dumating tayo. Kahit gumala kayo sa buong bahay ay hindi kayo makikita. Binura ko na rin yung unang araw na dumating tayo. Ginagawa ko kasi ang trabaho ko habang kayo eh yang love triangle nyo ang inuuna. Kumilos na kayo. Gawin nyo ang dapat nyong gawin."

MATAPOS nga ang agahan ay naiwan sina Paul at Gelo sa bahay. Napilitang sumama si Fatima kay Antonio. Hula nya ay gusto rin naman nitong sumama kay Antonio. Aba nga naman, epektib talaga kumilos ang hunyango! Ultimo impakta napapaamo!

CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling CrookWhere stories live. Discover now