Ikaw, Ako, Kayo

187 83 26
                                    


Sa gitna ng ikaw at ako,
Meron namang "kayo".

Madalas kong sinisisi ang tadhana,
Bakit kailangang pagtagpuin kung hindi naman para sa isa't-isa?
Paulit-ulit na itatambal sa taong hindi naman pwedeng makasama,
At minsan pang ilalayo ka sa dapat naman talaga.

Parang tayo,
Yung dalawa tayong pinagtagpo,
Pero ako lang yung nahulog sayo,
Kasi may iba kang gusto.

Kumbaga ikaw lang yung nagparamdam sakin na hindi ako nag-iisa,
Yung taong masasandalan sa mga problema,
Yung taong nagbigay motibo kahit wala talaga,
At masasabi kong nagbigay ng maling pagasa.

Pag-asa na akala ko magiging tayo,
Pag-asa na akala ko magugustuhan mo din ako,
Pero lahat yun naglaho,
Dahil sa gitna ng "ikaw at ako" meron namang "kayo".

Yung "kayo" na bumasag sa mga alaala ko,
Mga alaalang masaya lang tayo,
Mga alaalang di pa ko nasasaktan ng todo,
Mga alaalang sa atin lang nakasentro.

Alam kong masyado akong natagalan,
Pero gising na ko sa katotohanan,
Na di ko na maibabalik ang dating samahan,
At dapat ko ng bigyan ng katapusan ang relasyong kahit kailan hindi naman nasimulan.

Once I Had A Pen Where stories live. Discover now