Wag Ka Mag-alala

35 6 0
                                    

Wag ka magalala pagod na ako,
Wala nang mangungulit sayo.
Wag kang magalala,
Pagiging tanga ko ay tapos na.

Malayang malaya ka na.
Kailan man di ka na hahabulin pa.
Malaya ka nang maglakad papalayo,
Hinding hindi ka na hahabulin ng mga paa ko.

Pero isa lang ang tandaan mo,
Lumayo ka man sa piling ko,
Di ka man pigilan gamit ang aking mga kamay,
Patuloy kang mamahalin ng puso ko kahit parang sa sakit mahihimatay.

Once I Had A Pen Where stories live. Discover now