Untitled

112 63 15
                                    

Ilang eksena ang nakuhanan ng mata,
Na tayong dalawa ang magkasama,
Na may kasamang ngiti sa mga mukha,
Na para bang sobrang saya.

Sa bawat pagsasama,
Para bang nasa pelikula,
Na tayo ang mga bida,
At nasa kalagitnaan ng magandang eksena.

Ngunit ang pag-aakala,
Na tayong dalawa ang mga bida,
Ay maling-mali pala,
Dahil ako lang pala ang singit sa istorya niyong dalawa.

Ang mga eksena natin,
Na parang makatotohanan sa paningin,
Dagdag lamang sa mga kabanatang dapat pahabain,
At dagdag sa pag-asa na ako ay iibigin.

Once I Had A Pen Where stories live. Discover now