Nine

1K 46 0
                                    

Handa ka na ba?

Hindi.

Kaya mo bang balikan ang lahat?

Hindi ko alam.

Bakit takot na takot ka?

Bubuhayin ng Diary ang lahat ng alaala.

Kaya pilit mong isinasara ang puso mo?

Kailangan kong gawin.

Bakit?

Lalaya ang katotohanan.

Ano'ng katotohanan?

............

Tanggapin mo na, na sa mundo mong puno ng pagpapanggap, iisa lang ang totoo. Ang bulong ng puso mo, Leia!

Wala na si Leia! Ako si Maria...

Aminin mong iyon ang totoo!

........

Aminin mo!

....Oo! Siya pa rin. Siya lang...



MARIIN akong pumikit kasabay nang paghigpit ng kamay ko sa pabalat ng Diary ni Meah. Halos isang oras na akong naroon sa desk ko, kaharap ang nakabukas na laptop, ang notebook at sign pen. Hawak ko ang Diary ni Meah na sa loob ng mga araw na nasa pag-iingat ko ay unang pahina pa lang ang kinaya kong basahin. Sa tabi ng notebook ko ay ang blangkong Diary—ang Diary ng Maganda. Lahat ng isusulat ko sa Diary na iyon ay base sa entry ng pangit na si Meah.

Isang malalim na hininga ang binunot ko. Kailangan kong gawin iyon.

Isahang bagsak ng alaala.

Isahang bagsak ng sakit.

Isahang pag-iyak.

Pagkatapos ay susulong na ako palayo bilang isang bagong babae—tumunog ang cell phone ko eksakto bubuklatin ko na ang Diary ni Meah.

Napadilat ako, inabot ko ang gadget at sinipat ang screen.

Si B.

Tinanggap ko ang tawag pero hindi ako umimik, sa mga ganoong pagkakataon ay mas gusto kong hindi magsalita. Kilalang kilala ako ni B na pati tunog ng boses ko, pati tono ko ay naiuugnay niya sa nararamdaman ko. Hindi ko siya gustong pumunta sa bahay ni late Lolo Jose. Hindi ko siya gustong makita ngayon. Hindi ko kaya...

"M?"

Hindi ako umimik.

"Hey, are you okay?"

Ang isa pang problema, pati kahulugan nga pala ng pananahimik ko ay alam rin niya.

"S-Sorry, may binabasa lang ako," nagawa kong sabihin. "Nakikinig ako, B. Go ahead." Alam kong may utos na naman siya.

Hindi siya umimik.

Ilang segundo ng katahimikan ang dumaan.

"Paalis ako later, M. New York."

Hindi ko rin alam iyon. Biglaan at wala siyang nabanggit. Wala rin akong nabalitaang importanteng event sa New York para puntahan niya.

Tao.

Tao ang maari niyang dalawin sa lugar—si Doc Rein.

Gumuhit sa dibdib ko ang pamilyar na pakiramdam. May bumara bigla sa lalamunan ko kaya kinailangan kong lumunok. Wala na akong dapat itanong pa. Tama lang na umalis si B. Mas malaya kong magagawa ang dapat kong gawin kung hindi ko siya makikita. Kailangan kong matiyak na matatapos ko ang Diary project bago pa man siya bumalik ng Pilipinas.

Diary ng Maganda [Leia's Diary Sequel]- PREVIEWDonde viven las historias. Descúbrelo ahora