Ang Hirap!

27 2 0
                                        

Ang hirap magpanggap na strong ka. Kahit kahit hindi naman talaga. Hay buhay!

Pangapat araw na ng pagpapanggap ko. Sumali akong cheerdance sa school para sa team ng blue pythons sa intamurals ng aming college. Kaway kaway naman dyan sa mga kagrupo ko! Wala akong pake kung di niyo mabasa 'to. Nakakalungkot lang na may mga nagquit agad. Knowing na malapit na ang competition. This coming week na nga yun, e. Pero push pa din. Ang hectic ng schedule ng mga team mates namin. Ang hirap sabayan.

Sumali din akong volleyball. Ewan ko ba feel ko lang. Feelingera nga kasi ako, hahaha. Eto nga at namamaga na ang kanang kamay ko. Diyos ko sana mawala na 'to.


Sumali na rin naman ako 'nung elementary ako sa volleyball. Kaya lang nagquit din ako. Nasasapawan kasi yung oras ko sa panonood ng cartoons. Kung maibabalik ko lang talaga. Ang saya saya maglaro ng volleyball. Di mo namamalayan yung oras. Nakakaexcite, buhay na buhay yung dugo mo. Iba sa feeling, kahit pagod na at haggard na ang Lola mo go pa din. Nageenjoy talaga ako.

Yung cheerdance sinubukan ko lang naman yun, e. Pero okay din naman, masaya. Kahit ang hirap hirap ng steps na ang sabi namin, e, basic. My gosh! Ang sakit sa katawan promise. 'Nung high school ako kahit isinasali nila ako hindi talaga ako sumasali. Busy kasi ako sa mga quiz bee, e. Pero never akong nanalo. Ewan ko din ba, ang trying hard ko masyado. Naghahanap ako ng mga bagay na mageexcel ako. Sa mga actingan naman okay din naman but never akong naging lead. 3rd year high school ako sobrang push ko ang emote, emote ko kahit di ako ang lead, e. Nagsimula na din akong magsulat ng tula, dahil nainspire ako sa English subject ko pati sa teacher ko. 4th year sinubukan ko ulit sa mga quiz bee kasi less effort ng katawan at energy ang magagamit ko. Hindi pa rin talaga, talo pa din. Second place naman ako sa declamation na sapilitan pa talaga ang Pag sali ko. Ipinilit ng adviser ko yun, teacher ko rin siya sa English. May hilahan pang naganap. At ngayon, eto ako, sumusubok na naman.

I'm trying my very best to fit in, in this track that I'm walking. Nawala na ang interest ko sa kinukuha kong kurso. Nagpapanggap na lang talaga ako. Ayoko Pero kailangan.

Random ThoughtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora