Hello~! It's me, your beshie! Hahaha, share ko lang sa inyo ang nakakalungkot na pangyayari sa'kin ngayong bakasyon (chos!)
Nung day one ko mga hapon yun sa Batangas, (di ko na babanggitin kung anong beach, hahaha) nagswimming ako kasama asawa ng pinsan ko pati pamangkin ko. Enjoy na enjoy ang ateng niyo mga bakla! Nang napagod akong magswimming nagfloating ako. Maya maya parang lumalakas ang alon. Nagulat nalang ako ng madala ako kaya itinukod ko ang paa ko sa ilalim. Mababaw lang naman siya pero mabato yung parte kung saan ako nadala ng alon.
So ayun na nga, itinukod ko. Pag tukod ko tumama sa bato yung paa ko. Nagkasugat siya sa hinlalaki tapos namaga. Badtrip talaga ako kinabukasan. Hirap kasi ako maglakad. Hindi tuloy ako nakapag-snorkeling.
Naghanap na lang ako ng mapaglilibangan. Mga beshie walang WiFi at ang hirap ng signal! Namulot na lang ako ng mga shells at nag-build ng sand castle. Nang magsawa ako nanghuli na lang ako ng crabs. Ewan ko kung anong tawag dun kasi color white siya na maliit. (See photo above)
Nilagay ko siya sa bote ng mineral water para madali ko siyang madala pauwi. Bago kami sumakay ng jeep kumain muna kami ng halo-halo. Yung isang kasama ko nagpresintang dalhin sina Roan at Tricia. Yes mga beshie! Binigyan ko sila ng pangalan. Yung medyo malaki si Roan, si Tricia naman yung mas maliit ng konti. (Nabura picture ni Roan, si Tricia po yung nasa taas.)
Nakauwi na kami nung maalala nung kasama ko na naiwan niya sa jeep sina Roan at Tricia. Haysss... Mga beshie! Miss ko na sila. 😭 Ewan ko ba, oras lang yung mga sandali na magkakasama kami pero nasaktan talaga ako ng bongga. Sobrang na-attach ako sa dalawang yun. Ang ku-cute nila huhuhu! Sobrang hirap i-let go ng mga memories namin together.
Sila yung karamay ko nung mga panahong bad trip ako sa panahon, oras at pagkakataon. Dahil pakiramdam ko ang malas malas ko.
Lesson 1: Wag ipagkatiwala ang mga bagay na mahalaga sa isang taong hindi alam kung ano yung worth ng ipinagkatiwala mo.
***
Ang tarush! May lesson na akis! Hahaha!
YOU ARE READING
Random Thoughts
RandomHindi ko sure kung makaka-relate ka, pero salamat kung nagbasa ka. hindi ito perpekto, pero ito'y totoo. Walang ibang layunin kundi ikaw'y malibang sa panahong mundo mo'y tumatabang.
