Chapter 12: Work

1.1K 48 5
                                    

Chapter 12: Work

REIN

Majestic. One word to describe the black palace. Dito ako magta-trabaho for the next 100 years or so according to 'that' person. One hundred years, one hundred freakin years? Hindi ko nga alam kung aabot ako ng sesenta, one hundred years pa kaya?

Pumasok na kami sa loob ng palasyo kung saan isang matandang babae ang naghihintay sa amin. Base na rin sa ayos nya mukhang sya ang mayordoma sa palasyong ito. May nakasunod sa kanyang ilang taga-silbi na mukhang halos ka-edad ko lang at humilera ang mga ito ng diretso sa may gilid. Sila siguro ang mga makakasama ko dito. Mukha naman silang mababait, pero sabi nga nila, looks can be deceiving kaya kailangan ko pading mag-ingat.

"Lady Scarlet" agad na bati nung matandang babae sa amin. Nanatili namang tahimik ang mga kasama nya.

"Martha, nasaan ang mahal na prinsesa?"

"Nasa kanyang silid po ang mahal na prinsesa, Lady Scarlet." magalang na sagot nito.

Ang kapatid siguro ni Jin ang tinutukoy nila.

"Ipapaalam ko po ba ang pagdating nyo?" dagdag tanong nito.

"No need Martha, hindi na rin ako magtatagal, I just came here to personally deliver this one. Makakasama nyo na sya simula ngayon kaya ikaw na ang bahala sa kanya"

"Masusunod po Lady Scarlet"

She left after that. She left without even saying goodbye, ni hindi nya na nga ako nilingon pa, para lang syang nagtapon ng basura, na pagkatapos magtapon ay walang lingon lingong aalis. Tinignan ko ang mga taong makakasama ko, kung kanina mukha silang mababait na tupa ngayon ay ang kabaliktaran na nito ang makikita mo. Mga nagpapanggap na tupa.

"Sumunod ka sa akin" mataray na sabi nung babaeng nagngangalang Martha.

Sumunod ang lahat sa kanya, kahit na gusto kong bumalik sa lugar na pinanggalingan ko, hindi ko magawa dahil useless lang din naman kung gagawin ko yun. Even if I escape, how will I go home? Mabigat ang pakiramdam na sumunod ako sa kanila pero sa paglalakad lakad namin hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. This place is majestic indeed.

Karangyaan ang isinisigaw ng lugar na ito, mukhang makaluma ang mga gamit pero kahit na ganun mukha parin itong mamahalin. Nagkalat din ang mga kasangkapan na gawa sa ginto at pilak. Ano kaya kung mag-uwi ako kahit isa lang? Ilang milyon kaya yun kapag naibenta ko? Yun ay kung makakauwi pa ako.

Nakarating kami sa kusina, madami akong nakitang taga-silbi pero karamihan sa kanila ay tutok sa kanya-kanya nilang gawain. Mangilan ngilan lang ang tumigil para tignan ako. Dito na ba ako magtatrabaho?

Akala ko hihinto na kami dito pero tuloy tuloy lang silang naglakad hanggang sa makarating na naman kami sa isang pasilyo. Kung kanina ay puro karangyaan ang makikita mo ngayon ay ang kabaliktaran na nito. Ito siguro ang lugar para sa aming mga hamak na taga-silbi lamang.

Sa totoo lang nagsisimula na akong kabahan lalo na at wala akong idea kung saan ba talaga kami pupunta. Sa pagliko namin sa isa na namang pasilyo, isang hagdan pababa ang bumungad sa amin. Are we going to the dungeons? Ipapakain na ba nila ako sa alaga nilang dragon? Ikukulong dito habambuhay?

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon