Chapter 17: Black

1K 43 4
                                    

Chapter 17: Black

REIN

"When everything is engulf in darkness, learn to love that darkness" -anonymous.

Wherever we go people kept staring at us. Hindi na ako nagtataka pa sa bagay na yun dahil ang prinsipe ng mundong ito ang kasama ko. In this place, people fear  him but women adore him.

Nagpunta kami sa central square, ang sentro ng komersyo sa mundong ito. Pumasok kami sa isang boutique. Nagdalawang isip pa nga ako nung una kung tama ba ang pinasukan naming lugar dahil ang mga damit na makikita sa loob ay dalawa lang ang kulay, itim at pula. Yung totoo? Hindi ba pamilyar sa kanila ang ibang kulay?

"Mamili ka na" utos ni Gin sa akin pagkatapos ay umupo na sya sa may couch na nasa gitna ng boutique.

Nanatili akong nakatayo. Paano ko ba sisimulan ito? Pinagmasdan ko ang mga damit na naka-display, karamihan sa mga damit ay kulay itim, mangilan ngilan lang ang damit na kulay pula. Kahit na iisa ang kulay nila ay iba iba naman ang disenyo ng mga ito. May mga ball gown, cocktail dress, at iba't ibang klase ng damit na pambabae.

Aaminin ko, medyo nahihirapan akong pumili. I love black but it doesn't look appealing to me right now. Everyone is already wearing black on a daily basis, hanggang sa party ba naman kailangang black parin?

I decided to choose red, lumapit ako sa hilera ng mga pulang damit pero bago pa man ako makapili ng disenyong gusto ko pinigilan na ako ni Gin.

"Wag yan"

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

Sana hindi nya na lang ako isinama dito at sana sya na lang ang namili ng isusuot ko. Ang sabi nya sa akin kanina mamili na ako ng gusto ko, pero bakit ngayon pinipigilan nya ako sa gusto ko?

"You can't wear red, your a newbie and newbies only wear black. Grimms on the other hand can wear either black or red depending on their moods" sagot ni Gin.

"Pero bakit?" Tanong ko na naman.

Hindi ko maintindihan kung bakit masyado nilang dini-discriminate ang ibang kulay. Hindi ko din maintindihan kung bakit itim lang ang kulay na maaaring isuot ng mga newbies samantalang ang mga grimms pwedeng magsuot ng itim o pula.

Sa tingin ko medyo naiinis na si Gin sa pagtatanong ko dahil nakita kong bahagyang nagsalubong ang mga kilay nya. At medyo hindi na maganda yung mga lumalabas sa bibig nya.

"Do I have to spell everything out for you? You are dumb and you lack commonsense, good thing you survive up to this point. Kung ibang tao siguro yan baka patay na sila ngayon. Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka. Nandito ka sa lugar na kung tawagin nila ay impiyerno, ang lugar para sa mga patay. Black is the color of death, while red signifies blood which is also associated with death. Sa tingin mo ba maganda tignan na nangongolekta ka ng patay tapos naka-suot ka ng pink?"

Inirapan ko sya. Alam ko naman ang bagay na yun, meron naman akong common sense kahit na papano. Black is the color of death, I know that much. Pero hindi ko maintindihan kung bakit masyado syang highblood, simple lang naman yung tanong ko pero masyado nang komplikado yung sagot nya.

"Andami mo pang sinabi, ang tinatanong ko lang naman kung bakit hindi ako pwedeng mag-suot ng pula. Sabi mo itim lang ang pwedeng isuot ng mga newbies, samantalang yung mga grimm na katulad mo pwedeng magsuot ng itim at pula. Bakit kayo pwedeng mamili ng kulay, bakit ang mga newbies hindi?"

Chasing DeathWhere stories live. Discover now