Chapter 23: Explain

1K 47 4
                                    

Chapter 23: Explain

REIN

"Death is the wish of some, the relief of many and the end of all"

"Hindi ko alam"

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa sarili kong mundo kaya hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang katanungan nya. Kahit na ilang ulit nya pa siguro akong tanungin, ganun pa rin ang isasagot ko sa kanya.

Hindi ko alam.

"There must be an answer. Hindi pwedeng hindi mo alam" he said stubbornly.

Bakit ba ayaw nyang maniwala na hindi ko alam?

Muli kong inalala ang mga pangyayari nung araw na yun, bagay na gusto ko na sanang kalimutan. Masyado kasing mapag-laro ang tadhana, kung ano pa yung gusto mong ibaon sa limot, yun pa ang pilit nyang pinapaalala sayo.

That day, he got engaged to Scarlet. Nung mga oras na yun pakiramdam ko binibiyak ang puso ko. I was sad, I also felt pain. Pagkatapos nun ay bigla na lang akong nawalan ng malay. Pagkagising ko nasa hospital na ako, nakabalik na ako sa sarili kong mundo at dun ko lang na-realize kung bakit nasasaktan ako nung mga oras na yun.

I've already fallen for him and it hurts that the one I like is already engaged to someone else.

I was hurt emotionally pero sa tingin ko walang kinalaman yun kung paano ako nakaalis sa lugar na ito, not unless that intense emotion became the reason behind it.

If that were the case, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang bagay na yun. Hindi pa ako handang umamin sa totoo kong nararamdaman, hindi pa ako handang masaktan ulit sa maaari nyang isagot sa akin.

"Hindi ko alam, maniwala ka man o hindi pero hindi ko talaga alam kung paano ako nakaalis dito."

Kitang kita ko sa mukha nya ang disappointment. Ilang beses din syang napabuntong hininga. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip, bakit ba mukhang napakahalaga sa kanya na malaman kung paano ako nakaalis sa lugar na ito? Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong magtanong.

"Bakit ba napaka-halaga sayong malaman kung paano ako nakaalis sa lugar na ito? Dapat nga magpasalamat ka na lang dahil hindi mo na kailangang problemahin pa kung paano mo ako maibabalik sa totoo kong mundo."

"You don't understand." Tipid nyang sagot.

"Yes I don't understand. Bakit ba napaka-big deal sayo nung bigla kong pagkawala? Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang inaakto mo, ikakamatay mo ba kapag hindi mo nalaman kung paano ako nakaalis dito?" Inis na sabi ko.

"Hindi ko ikamamatay, pero ikamamatay mo kapag hindi mo sinabi sa akin kung paano ka nakaalis dito!" Naiinis nading sabi nya.

Kung ako naiinis dahil sa paulit ulit nyang pagtatanong, sya mukhang nainis na dahil hindi nya makuha ang gusto nyang sagot mula sa akin. Pero bahagya akong natigilan sa sinabi nya, ang sabi nya ikamamatay 'ko' kapag hindi ko sinabi kung paano ako nakaalis dito.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

Gusto kong makompirma kung tama ba yung narinig ko kanina pero sa kasamaang palad hindi nya ako sinagot.

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon