Part 3

8.8K 185 2
                                    


"Ang hirap umasa sa wala, pero mas mahirap umasa sa parang meron"

Alex's POV

Its been 4 months since the last time na nakita ko si Summer sa Bora, the night after namin uminom hindi ko na siya nakita ulit. Pero malinaw na malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon ang lahat ng nangyari.

Flashback

Tapos na kaming uminom at nandito kami ngayon naglalakad pabalik sa tinutuluyan naming hotel habang nagkukulitan. Same hotel and same floor lang pala kami... At Akalain mo yun, nalasing niya ko, hahaha!

Teka, napapaisip ako eh, Bakit nga ba magisa lang tong nagbabakasyon dito sa Bora? Nakakacurious lang, kasi mostly na nagpupunta dito may mga kasama, pero tong isang to, magisa lang talaga.

"Eh bakit ka nga ba magisa lang dito?"kanina ko pa siya kinukulit pero paulit ulit lang ang sagot niya.

"Soul searching nga! hahaha! Kulet mo rin eh noh! hahaha!" sabi nito.

"Sus! Soul searching! Kailan pa nawala ang kaluluwa, loko mo naman ako eh, hahaha!"

"Hahaha, eh nawawala nga eh, kaya hinahanap!" pilosopong sagot nito.

"Ah, alam ko na! Siguro may tinataguan ka noh! Baka ikaw ang hinahanap, di ikaw ang naghahanap! Hahaha!"

"Sus, sino naman tataguan ko? Dami mong alam ha! hahaha! kaw pala mataba utak eh! "

"Baka tinataguan mo boyfriend mo?"
Tama ba yung tinanong ko?Bakit ganun, parang ayokong malaman kung ano isasagot niya.

"Sus! Uso pa ba yon?Wala ako non! Hindi na uso yon noh!"

Hay, natuwa naman ako sa sinagot nya..hahaha!

"Ah, eh ano na uso ngayon, girlfriend?Hahaha!"

"Oo, diba marami ka nun?! Hahaha! Babe!!!" pangaasar nito

Tignan mo toh, akala pa babaero ako, tsk!

"Hahaha! Marami ka dyan! ikaw pala pauso eh, stick to one to no!"

"Sus, stick to one mo mukha mo!"

Di namin namalayan na nandun na pala kami sa labas ng room ko na katapat ng room niya...tadhana nga naman.

"Believe me, di ako babaero noh!"

"Alam mo, nacucurious ako eh, ano bang meron ka at yung mga babae sa bar eh nahuhumaling sayo, aside sa magandang mong boses ha! Hehe, napapaisip talaga ako! Hahaha!"

"So iniisip mo pala ako, ikaw ha!" pangaasar ko dito.

"Duh! Asa ka!" sabay irap nito.

Hinawakan ko ito sa pisngi, at iniharap ko ang kanyang mukha sa akin... "Honestly, di ko alam, basta ang alam ko masarap akong magmahal."

Nagkatitigan kami na para bang pinipilit namin basahin ang isipan ng isat isa.

Napadako ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi, dala na rin siguro ng espirito ng alak kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na halikan ito.
Hindi naman ako nito binigo dahil tinugon nito ang aking mga halik.
.mga halik na nging mapusok at mapaghanap....mga halik na naging daan sa hindi malilimutang alaala namin ng gabing yon...

End of Flashback

"Pangalan lang ang nakuha mo dude, kahit surname hindi mo alam?" si Toni, cousin at bestfriend ko, at katulad ko, babae din ang hilig, mas boyish lang talaga to kesa sa akin.

When In Bora(GXG) 🌈❤️Where stories live. Discover now