Part 5

6.5K 145 1
                                    

"Sadyang mahirap lang talagang kalimutan yung mga taong nagbibigay sayo ng magagandang alaala."

ALEX's POV

Ngayon ang opening ng bar ko dito sa BGC. At di ko inaasahan na ganito karami agad ang pupunta. Nandito pa ako sa office ng bar, nagaayos bago sumalang sa set namin.

Tok! Tok!

"Come in"

"Dude!" si Toni

"Oi, Dude!"

"Jampack Dude ah!"sabi nito

"Oo nga eh, di ko inaasahan na ganyan karami agad ang tao."

" Masanay ka na! Hahaha!, teka nga pala, bakit naman late ka ng dumating?saka si Migz nasaan?"

"Dumating kasi sa bahay yung family ng fiance ni Migz, kaya ayon anong oras na kami nakaalis, si Migz nasa labas na ah, di mo ba nakita?"

"Hindi Dude! Busy kasi ako eh, hehehe!"

Kunot noo ko naman itong tinignan.

"Busy saan Dude?"

"Naalala mo si Daina? Yung taga St. Louise?"

"Oo, yung isa sa mga chikababes mo?"

"Yup, kasama ko siya ngayon Dude, and guess what, yung kapatid niyang becky, may mga kasamang kaibigan, and yung isa dun Dude, ang ganda! You should meet her."

"Naku, umiral na naman yan pagkababaero mo, mahiya ka naman sa kasama mo oi! Hahaha!" pangaasar ko dito.

"Sira, gusto ko ngang mameet mo eh, baka sakaling pagnakita mo yun sinasabi kong girl eh kahit papano makalimutan mo si Ms. Bora."

Makalimutan?Sus, parang impossible, kasi kung kaya ko syang kalimutan, e di sana noon pa, tsk!

"Ano tol, pakilala kita mamya ha?"pangungulit nito.

"Oo na sige!" pagsang ayon ko nalang dito dahil di rin naman ito titigil.

Start na ng set namin, nakakataba lang ng pusong makita na ganito agad karami ang nagpunta, kaya naman ganado kaming tumugtog ng banda.

After ilang sets, ibang band naman ang tumugtog, inasikaso ko muna ang mga kakilala at mga tao na rin na nagpunta.

"Dude, tara pakilala kita dun sa kapatid ni Babe, and sa mga friends nila." sabay hila sa akin ni Toni.

"Hi guys! This is my cousin A! Dude sila yun sinasabi ko sayo"

"Hi A, im Dave, sisteret ni Daina, these are my friends, Apple, Liam, Vani, Kiel and Liz, sayang yung twinnie ko  sa kagandahan di mo na naabutan, hahaha!"

"Hi guys! Enjoy lang kayo ha, and thanks for coming!" sabi ko.

"Totoo pala na magaling ang A-list!" sabi nung Apple.

"Ah, eh, hindi naman masyado, but anyway thank you."nakangiti kong sabi dito.

Nagkwentuhan lang saglit at nagpaalam na ako sa kanila.

After ko icheck ang lahat at masigurado na walang magiging problema, kumuha lang ako ng drinks at pumasok na sa office ng bar.

Ano nga kaya itsura nung sinasabi ni Toni?Nacurious pa ako bigla, sayang at di ko naabutan.

"Dude! Ano, dito ka lang?magkukulong?Daming chikababes sa labas oh!"si Toni, sino pa ba?"Sayang lang di mo naabutan yung sinasabi ko"

"Ok lang Dude, wala din naman ako sa mood makipagbolahan ngayon" walang gana kong sagot dito.

"Wooowh! Not so yoh Dude!" Anyare??"

Nagkibit balikat lang ako dito.

"Tsk! Tsk! Tsk!" umiiling iling pa na sabi nito.

"Ano nanaman yan Dude!"

"The last time na nagkaganyan ka ay kay Clariz, so does it mean you're inlove....again??"

"Dami mong alam Dude! Taba ng utak mo!"

"Naku Dude! Labas na ko, mahirap na baka mahawa pa ako sayo! Hahaha!" at dali dali tong lumabas.

Siraulo talaga, ewan ko nalang kapag nainlove ka, baka mas malala ka pa sa akin....What?? Tama ba yun sinabi ko?So inlove nga ba ako...ulit?Hay, i need to figure this out, dahil masisiraan na ko ng bait kakaisip kay Summer.

Summer's POV

Kakadating ko lang sa bahay at galit na mukha ni Dad ang sumalubong sa akin.

"And where have you been young lady?" seryosong tanong nito.

"Goodevening Dad!" sabay halik sa pisngi.

"Didn't I tell you that we have dinner tonight?"

"Dad, I'm sorry ok, nagsabi din naman po ako na I can't make it tonight dahil celebration namin ng groupmates ko dahil sa natapos na namin yung thesis."

"So mas importante yon?"

Lumapit ako dito at yumakap sa kanyang braso..."Daddy, wag ka ng magalit, makakasama sayo yan, I promise, babawi ako."

"You should!" inakbayan ako nito.Sign lang na ok na ito. "Kakain ka ba? Ipapahanda ko kay Manang Flor."

"No Dad, im done, gusto ko na po matulog, its been a long day."

"Ok sige, Goodnight baby!"

"Night Dad!" at nag goodnight kiss ako bago umakyat.

Simula ng maospital si Dad dahil sa heart attack, pinilit ko nalang na sundin ang mga gusto niya, ayoko ng maulit yun, at ayokong ako ulit ang maging dahilan nun. Kaya hanggat maari ,iniiwasan ko ng magkaroon kami ng di pagkakasunduan.

Nawala na si Mommy, ayokong pati si Dad mawala rin sa akin.

Pabagsak akong nahiga sa aking kama ng maalala ko si Liz...magtetext nga pala ako.

To:Beshy
Im home safe and sound😊

Ting!

Fr: Beshy
Good Beshy! Sayang pagkaalis m, ung A-list band na ang tumugtog.. And nameet na din namin yung owner nitong bar, well, she's cute! Astig!😉

Hmmm...She?So babae pala ang may ari nung bar, and yung A-list band...teka, bakit bigla yata akong kinabahan?Possible kaya na sila Alex yun?Pero hindi, sa Bora sila naggi gig eh, ah, Erase! Erase! Lahat nalang ba iconnect kay Alex! Tsk!

To: Beshy
Really Besh?Sayang naman, maybe next time😊, Gonna sleep na! Ingat paguwe ha.😚

Ting!

Fr: Beshy
I will Beshy! Gudnyt!😚

Hay, makatulog na nga, tomorrow will be another day....another day without Alex...

Sana makita kita ulit...

@@@@@@

(

a/n: Alex's Bar pic on top)

Happy reading peeps!😊

Kheekhaikheekhs™

When In Bora(GXG) 🌈❤️Where stories live. Discover now