Part 4

7.6K 154 1
                                    

"May mga bagay na talagang mali sa simula. Pero pag na umpisahan mo ng ipaglaban, unti-unti ng nagiging tama."

Alex's POV

Nandito kami ni Toni sa airport, ngayon ang dating ni Migz, at ako ang inutusan ni Dad na sumundo. Sa dinami raming inutos sa akin, eto lang yata ang sinunod ko, hahahaha!

"Nakita mo na ba yung fiancè ni Migz?" tanong ni Toni.

"Hindi pa, once lang naman daw napunta sa bahay, nung birthday ni Mommy, kaso umalis ako nun db, nabadtrip kasi ako kay Dad, kaya hindi kami nagkita."

"Ano kaya itsura Dude? Maganda kaya?Sexy kaya?Hahaha!"

"Siraulo ka talaga! Requirement ba yun pagiging sexy?"

"Syempre naman Dude noh!"

"Sus, siguro sayo, pero knowing Migz, hindi choosy yun, hahaha! Pero siguro naman may itsura yun, d naman siguro papayag sila Mommy na malahian kami ng di kanais nais. Sayang naman gandang pamilya namin. Hahaha!"

"Wow dude ha! Ang hangin! Hahaha!"

"Sino namiss niyo!?"

Sabay kaming napatingin ni Toni sa nagsalita.

"Tol!/ 'Couz!" sabay takbo kay Migz at niyakap namin.

Noong mga bata pa kami,  kaming tatlo talaga ang close at laging magkakasama sa kalokohan. 4 years din nagstay si Migz sa US, para magmanage ng business namin doon. Ako dapat ang nandoon, pero hindi ako pumayag at walang nagawa si Dad, kaya naman hindi kami talaga close ni Dad dahil isa daw akong pasaway.
Good thing lang, tanggap ng family ko ang pagiging isa kong lesbian.

"Wow, di niyo naman ako namiss ng sobra ano, hahaha!

"Promise 'couz, namiss ka talaga namin! Pasalubong ko ha! Hahaha!"

"Hahaha, Siraulo ka talaga Dude!, pero Tol, namiss talaga kita, wala akong kakampi eh kapag nagaaway kami ni Dad, hahaha!" sabi ko dito.

"Di pa rin ba kayo ok ni Dad?"

"Not totally hindi ok, pero para pa rin kaming aso't pusa, hahaha!"

"Sus, di na magbabago yun tol!"

"Tara na, sa sasakyan na natin ituloy yan, basta 'couz yung pasalubong ko talaga ha! Hahaha!"

"Hahaha, naku 'couz hindi nagkasya babae sa maleta ko!"

At sabay sabay kaming nagtawanan.

Hindi matapos tapos ang kwentuhan at kulitan namin habang pauwi sa bahay.

"You mean 'tol after ni Clariz, wala ka ng naging girlfriend?"

"Wala" tipid na sagot ko dito.

"Pero marami syang girlflings! Hahaha!" pangaasar nitong si Toni.

Nagtawanan naman kami sa sinabi nito.

"Mana lang sayo Dude!" sabi ko dito.

"Seriously tol, you should try again" si Migz.

"Tol, kapag ready na ko, madali na yon, pero for now, negosyo muna aasikasuhin ko."

"Kapag nakita na niya si Ms.Bora." singit naman nitong si Toni.

Sus, kadaldal talaga!

"Ms. Bora?"tanong ni Migz.

"Long story tol, saka ko na ikukwento." sabi ko nalang, sabay tingin ng lagot-ka-sa-akin-mamaya look kay Toni.

When In Bora(GXG) 🌈❤️Where stories live. Discover now