Chapter 1 - Danger

42K 943 48
                                    

Unwanted Marriage
MyJaff©2017

~

HAWAK pa rin ni Trisha ang bottled water na pinag inuman ni Professor Blue Onyx sa canteen noong isang araw na sumabay ito sa kanya sa pagkain. Shitness! Remembrance niya na ito 'no?! Hahanap nga siya ng mangkukulam e, baka pwedeng ipakulam si Prof para naman mainlove sa kanya. O baka pwedweng magpagawa siya ng gayuma para maitali na sa kanya.

Niyakap niya iyon ng mahigpit at nakangiti sa kawalan. In short, nangangarap siya ng gising.

Hay! Kung ang pangarap lang talaga ay si Blue Onyx Chui, willing siyang gawin ang lahat para maabot lang ang pangarap na iyon.

“Trish, may lakad kami mamaya ni C.A.”

Nawala siya sa happy day dreaming niya nang marinig na naman ang pangalan ng boy best friend ng best friend niya.

Sumimangot siya. “Pwede ba Fia! Nasisira ang araw ko kapag naririnig ko ang pangalan ng best friend mong walang bayag!” Inis na sabi niya. “Huwag ngayon na masaya ako.”

“Nung isang araw pa yang bottled water na yan, Trisha. Wala ka bang balak na itapon?”

“Of course...” Tinapunan niya ito ng tingin. “...wala!” Kay Blue Onyx kaya ito! Sa future husband niya! Kaya balak niya itong idisplay sa silid niya gaya ng iba pa niyang mag abubot 'don na puro pag aari naman ni Blue. Bakit kasi ang gwapo niya??

Hindi na siya pinansin ni Sofia dahil nagsimula na rin naman na ang klase nila. Buong araw na nakatitig si Trisha sa bottled water na iyon, gosh! Ganitong ganito siya magmula nang mahawakan niya ang bote na 'to.

Still, she can't imagine what happened yesterday. Goodness! Nakasabay niyang kumain sa canteen si Blue, ngayon ay favorite spot na niya ang upoan na iyon. Dapat doon na siya laging kakain. Hindi niya alam kung bakit naroon si Prof Blue kahapon pero may mga nagsasabing sa University canteen daw talaga kumakain ang binata.

Kapag pinalabas siya ulit ni Mrs. Damaso sa klase nito, sa canteen ulit ang bagsak niya para mahagilap ang Oppa ng buhay niya.

“Huy, Trish? Di ka pa uuwi? May lakad kami ni C.A ngayon e.”

Nakasimangot na binalingan niya ang matalik na kaibigan. “Putahamnida, Sofi-yah! Sabi nang huwag mong simulan ang sentence mo na may C.A na kasama. I hate that boy fuckbuddy of yours.” She hissed.

Natawa naman si Sofia sa sinabi niya. “Kailan mo ba siya naging gusto?!”

“Never in my life time Sofie!” Asik niya. “Wala kaya siyang balls! Balita ko ganoon daw ang mga Heluxus, walang balls parang si Azil Heluxus lang!” Hagikgik niya. “Buti pa si Oppa ko Blue, papi na nga mukhang dako pa.” Kinikilig na saad niya.

“Ewan ko sayo Trisha, kung ano anong pinagsasabi mo dyan.”

Ahh! Hindi talaga siya maiintindihan ni Sofia, kasi never nitong naranasang mapagpantasyahan ang isang lalaki ng ganito. Palibhasa pakboy si C.A e, petmalu ang gagong iyon! Pinagsasamantalahan ang nararamdaman ni Fia. Tss. Makarma sana. Iyong tipong tubuan ng kulugo iyong bayag ni C.A? Hahaha!

Nanlaki ang mga mata ni Trisha ng mapagtanto kung anong oras na. Gosh! Oras na para tumambay siya sa labas para makita niya si Prof Blue! My Gulay! Dali daling tumakbo si Trisha at pumwesto na favorite spot niya at hindi naman sa nabigo, mula sa third floor ay natanaw niya ang nakakasilaw na kagwapohan ng binata at halos mapatili siya sa kilig ng bahagya itong lumingon sa gawi niya kaya dali dali siyang nag flying kiss pero sa kasamaang palad, parang sa cartoons lang na natapakan nito iyong flying kiss niya.

“Ayy ano ba yan!” Napapadyak siya. “Sayang iyong kiss ko, lupa lang ang nakinabang. Argh!”

“Hindi ka naman mapapansin ni Prof e, kahit maglupasay ka pa dyan.” Biglang sulpot sa kanyang likoran ni Beta. Sa likod nito ay ang mga alipores nito. “Pero may alam ako kung paano ka mapapansin ni Prof.”

Unwanted Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon