Chapter 3

240 22 22
                                    



Unknown's POV

Bumaba ako ng taxi sa harap ng building ng HIA. In my bag is the gold chip. Sa pagkakaalam ko ay limang micro chip ang kakailanganin para sa isang nuclear launch. Hindi ito authorized na possession of a nuclear missile. The fact that nation leaders lang dapat ang may access sa ganito para sa kakailanganin sa darating na panahon. But these people are members of the black market. They are filthy rich na nakapagpagawa sila ng ganito.

Limang tao, limang gold micro chips, isa ang patay, ano na ang susunod na mangyayari? War? I dunno.

Pumasok ako ng building at dumiretso sa top floor.

"The champion has returned." Nag igting ang panga ko sa narinig ko.

Liningon ko ang taong nagsabi nun. A man with a well-chiseled body. Good looking, smart, full of tricks, katunggali ko sa lahat ng bagay dito sa agency kahit noon pa mang training, at gago. The one and only Juan Miguel Alejandro.

"Magaling. Magaling." He said as he clapped his hands twice. "Di na pala kailangan ang back up." He said and opened his arms like mocking the situation.

"Alejandro, nakita mo ba kung paano ko ginawa ang lahat ng iyon?" I asked him crossing my arms.

"I did and what's with the get up? Undercover? Hahaha!"  Pangungutya niya at umaktong parang natatawa.

"Alam mo ba." Lumapit ako sa direksyon niya at nang maabot ko ang kinaroroonan niya, hinaplos ko ang panga at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

Wala siyang kibo. He is just standing still.

"Palagi tayong magkapantay Alejandro pero hindi pa nangyayaring natalo mo ako. Tandaan mo yan. Just mind your own business." I said tagos sa kaluluwa niya and patted his right face with my left hand.

I stepped back and he just smirked without a word.

Tinalikuran ko siya and I just gave a wave.

Dumiretso ako sa opisina ni Chief.

Nakita ko ang matandang lalaki na nakaupo sa isang swivel chair. He is at his early 60s at maputi na ang buhok nito. The owner of HIA, Adam Bolt.

"Good morning Sir." Bati ko nang makapasok na ako sa glass door ng opisina niya.

He checked his watch at tumango.

"Always impressive, Agent Ortega." Ngumiti siya at tinukod ng dalawang kamay niya ang kanyang baba.

"Kamusta ang mission. Ano ang nalaman mo?" He asked me with a beaming smile on his face.

"Sir, the chip is in this belt." I started off taking out the plastic from my bag.

"Unauthorized organization were in the crime scene. A great possibility that they are behind this sudden attack to Minerva."

Tumango tango siya.

"Hinala ko po baka kakilala din ito ni Minerva. Sir, hindi po kaya kasamahan niya ito sa organization nila. Yung Cinco Flores Mortales?" Pagdugtong ko pa.

Tumingin sa akin si Chief Bolt na may pagtatakang mukha. "Paano mo nalaman ang tungkol sa CFM?"

"May nabasa lang po akong file noon tungkol sa CFM. Water hemlock is part of the CFM. Ricardo Minerva is the water hemlock Sir. Sino pa po ba ang maaaring magka interes sa gold chips kundi sila lang naman diba? CFM is part of the black market at isa ang grupo nila sa pinakamalakas na organisasyon. Pero maaari ring may ibang grupo na interesado sa possession nila."

My Enemy in TandemWhere stories live. Discover now