Chapter 5

239 22 6
                                    


Unknown's POV

Pumasok ako sa opisina sa sumunod na araw. Kailangan kong makakalap ng impormasyon tungkol sa mission na ito and I know the perfect person to ask, Phillip Gustavo. He is a computer expert. Lahat nalulusutan niya at nahaharapan niya ng paraan. Gadgets, arms, information system hacks, he can handle all. He can even access the the IS of any agency may be government or non government. Tell him you need him, he'll help you.

He is one of my trusted friends here in HIA. Whenever I need data or information, I have him. Well, aside sa mga impormasyong nakalap ko by my self. Matalino siyang tao and it is very evident. He is that guy that wears checkered polo and heavy-graded eye glasses plus Converse shoes niya na di niya magive up ever since. In short, he is one of the nerds or geeks na tinatawag ng karamihan which I don't care. Kung maayos ang pakikitungo ng tao sa akin at hindi ito pasikat, maayos ang trato ko sa kanya. I appreciate Phillip na kahit binubilly siya ng ibang agents dito ay pinapakitunguhan niya pa rin ito ng maayos.

"Good morning Phil." Bati ko sa kanya. Ang aga nakaharap na siya sa computer.

"Here." Nakatalikod siya galing sa gawi ko at sabay abot ng folder sa akin na hindi tumitingin. Pero ano tong folder na to?

"This is for?" I asked him at nag antay ng sagot.

"Yan yung nga kinakailangan mo para sa mission mo." Sagot niya sabay ikot ng swivel chair kung saan siya umuupo at humarap sa akin. He smiled at me at humarap ulit sa computer niya. Loko talaga, ikot ng ikot trip niya sa buhay ngayon.

"How did I know? Kilala na kita at alam kong sa akin ka pupunta." Pagpapatuloy niya pa na hindi na tumitingin sa akin.

Tumayo ako sa likod niya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at nabigla siya doon.

"Salamat. I owe you big time." Bulong ko sa kanya at di siya gumalaw. I patted his right shoulder and left towards my table.

Binuksan ko ang folder na ibinigay ni Phillip at binasa ang nakapaloob doon. Nakasaad na ang magkapatid ay nakabase ngayon sa ibang bansa and they are in the US as of the moment. The microchips are not in their possession. Instead, it is hidden underground in a safe. Walang nakalagay kung saan ang underground safe na iyon, kung saang parte man ng mundo ito. Wala ring nakalagay kung pag-aari ba talaga nila ang safe na iyon. Hmmmm. If that's the case, then maybe the microchips are in the hands of their constituents.

"Sandali lang. Ano 'to?" I saw a symbol na parang surf board at may nakalagay na isang hayop sa loob nito. This looks like a camel drawn in an oblong shape pero matulis ang dulo ng kabilang side nito. It's more like of a surfboard?

"Surfboard. Camel. Surfboard. Camel."




Lorie's POV

Patuloy sa pag iisip si Ortega habang pinapaikot ang hawak niyang ballpen sa kanyang kamay gamit ang kanyang mga daliri. Napatitig siya sa screen ng kanyang computer at malalim na nag isip.

"Dubai?" She said it out loud. Tumayo siya at bumalik sa desk ni Phillip.

"Phil? Do you know this symbol?" Tanong nito kay Phillip na busy pa rin sa harap ng computer niya.

"Let me see." He said at ibinigay din agad ni Ortega ang folder sa kanya.

"What do you have in mind with this symbol?" Tanong nito kay Ortega habang nagtatype siya sa keyboard.

"Dubai? That shape looks like a surfboard and I thought of Burj Al Arab and the camels are in the desert. Mahahanap mo ang dalawang yan sa iisang lugar lang which is sa Dubai." Pahayag pa nito while leaning against Phillip's desk.

My Enemy in TandemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon