Kabanata 1

170K 4K 171
                                    

Kabanata 1: Confused

Alexa’s Point Of View

Hindi mapigilan ang pagwawala ng puso ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang igalaw ang katawan ko dahilan upang hindi ko magawang maitulak si Clark palayo sa akin.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganitong posisyon. Hindi ko alam kung segundo pa lang ba ang lumilipas o nasa minuto na?

“Clark? Gising na ba si Alexa?”

Dahil sa narinig kong tinig ay tila bumalik ako sa sarili ko. Bigla akong nabalik sa reaalidad. Dali-dali akong kumawala mula sa braso ni Clark at malakas itong itinulak pababa ng kama, dahil doon ay nalaglag siya at napadaing sa sakit.

“OH SHIT!” bulalas niya sa pagkakalaglag.

Kaagad na bumukas ang pintuan ng kwartong ito at saka iniluwa nun si Ninang Ellaine. Bakas na bakas sa kanyang pagmumukha ang labis na pag-aalala at pagtataka.

“Anong nangyayari dito?” tanong niya at napatingin kay Clark na nasa sahig pa rin at iniinda pa rin ang sakit ng pagkakabagsak niya.

Biglang nanuyot ang lalamunan ko. Bahagya rin nanlaki ang mga mata ko. Nakaupo na ako ngayon dito sa ibabaw ng kama.

Anong sasabihin ko? Hindi ko naman puwedeng sabihin ang ginawa sa akin ni Clark at baka kung ano ang isipin nila tungkol doon.

“Um…” Tila hindi ko mahanap ang aking sasabihin. “G-ganito po k-kasi ‘yon…” Paano ko ba ‘to malulusutan? “N-naghaharutan po k-kasi kami ni C-clark kaya n-nahulog siya—tama! ‘Yon nga p-po. N-naghaharutan lang k-kami.”

Pigil ko ang hininga ko habang nakatingin sa akin si Ninang Ellaine. Tila pinag-aaralan niya ba kung nagsasabi ba ako ng totoo. Ilang saglit pa ay bigla siyang napangiti na nagpaluwag naman ng paghinga ko.

“Ang tatanda nyo na, naghaharutan pa kayo. Kayong dalawa talaga, hanggang ngayon ay isip bata pa rin kayo.” Sambit niya at bahagyang tumawa pa.

Napipilitang tumawa rin ako, para hindi niya mahalata na nagsisinungaling lang ako.

Napatigil naman kami sa pagtawa nang mapansin naming tumayo na si Clark mula sa pagkakahiga niya sa sahig. Natigilan ako nang pukulin niya ako ng isang masamang tingin. Ilang segundo niya rin akong pinukol ng masamang tingin bago siya maglakad palabas ng kwartong ito ng walang paalam man lang.

Nabalik ang atensiyon ko kay Ninang Ellaine nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. “Magpahinga ka na lang muna. Aalis na rin ako.”

Napalunok ako at tumango. Binigyan muna niya ako ng isang ngiti bago maglakad palabas ng kwarto, siya na rin mismo ang nagsara ng pintuan.

Hinintay ko munang makalayo ang mga yabag ni Ninang Ellaine bago ako napabuga ng hangin. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama saka inilagay ko ang isa kong kamay sa tapat ng aking puso.

What’s wrong with me?

KINATANGHALIAN ay napagpasyahan ko nang lumabas sa aking kwarto at nagtungo sa unang palapag ng bahay. Dito ay naabutan ko si Ninang Ellaine na nanonood ng T.V.

“O, Alexa,” sambit niya nang mapansin niya ako.

Naglakad ako palapit sa lanya at nagmano, saka naupo sa kaharap niyang couch.

“How are you, Alexa? Ang tagal na rin nang huli tayong magkita. Huling kita natin noon ay noong grumaduate ka ng highschool. We missed you.”

Nahihiyang ngumiti ako. “Okay lang naman po ako, Ninang Ellaine. Naging masyadong busy lang po kasi ako noong nasa ibang bansa ako dahil sa pag-aaral ko, kaya po hindi ako nakakadalaw rito. At saka po, na-miss ko rin po kayo nila Ninong Tony—” bigla akong napatigil. “—Where’s Ninong Tony?”

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon