Wakas [1/2]

69.6K 1.4K 386
                                    

Wakas - I'm His Property

Alexa's Point of View

I can’t stopped myself from smiling. Mukha akong tangang nakangiti ng mag-isa habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin na nasa harapan ko.

I look beautiful.

Finally, today is our wedding day. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pagsubok na dinaanan namin ni Clark ay kami pa rin hanggang sa huli. Sa isa’t isa pa rin ang huling destinasyon naming dalawa ni Clark.

Sa dami ng manliligaw at naging crush ko noon, hindi ko aakalaing si Clark ang lalaking mamahalin ko. Ni hindi nga pumasok sa isipan ko ang magkagusto kay Clark noon.

But look at me now, mahal na mahal ang lalaking nagngangalang Clark Alcantara. Dati-rati ay kinakainisan ko lang ang lalaking iyon at kulang na lang ay sumpain dahil sa pakikitungo niya sa akin.

Now, I realized that love is unpredictable. Yes, unpredictable. That what love is. You’ll never know who will it be and when will it strikes, and the only sure is when you found out yourself falling to that person.

Just like what happened to me.

Nawala ang ngiti ko sa labi nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Mabilis akong umupo sa upuan at ipinikit ang mga mata at ikinakalma ang sarili.

Mabilis ko naman inayos ang sarili ko nang marinig kong magbukas ang pinto. Umakto akong normal nang harapin ko si mama na siyang pumasok dito sa kwarto.

“Ma... bakit po?” medyo nahihirapan kong sabi, pero pilit kong ‘di pinapahalata.

Ayaw kong ipaalam sa kanila na naninikip na naman ang dibdib ko at baka biglang ipatigil nila ang kasal dahil sa kalagayan ko. Ayaw kong mangyari ‘yon.

Ayaw kong masira ang araw na ito. Parehong napakahalaga ng araw na ‘to sa amin ni Clark. Ang gusto ko ay kahit isang araw man lang ay makalimutan nilang may sakit ako at nang makapagsaya kami.

“You look stunning, anak.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit habang naiiyak na. “Ang baby ko, ikakasal na.”

Mahina akong natawa. “Bakit po kayo naiiyak?”

“Maybe tears of joy?” natawa siya. “Masaya lang ako para sayo, anak. Alam kong napakahalaga ang araw na ito sayo, pati na rin kay Clark. Pag-iisahin na kayo ng Diyos.”

“Where’s papa po?” kapagkuwan ay tanong ko nang mapansing siya lang ang pumasok dito.

Muli siyang natawa na para bang may naalalang nakakatawa. “Ayon, ayaw ka munang kausapin dahil naiiyak. Hindi siya makapaniwalang ikakasal na ang prinsesa niya.

“Alexa, hindi magiging madali ang mga susunod na mangyayari pagkatapos ng kasal nyo ni Clark. Ilang araw na lang din ay operasyon mo na. Mas susubukin pa ang relasyon nyo at marami pang dadaan na mga problema sa inyo. Sana ay hindi maapektuhan niyon ang nararamdaman nyo sa isa’t isa. Sana kung gaano kayo katibay at kung gaano nyo kamahal ang isa’t isa ngayon ay manatili ‘yong ganoon sa pagharap nyo sa mga pagsubok.”

Naiiyak na tumango ako. “Opo, ma, palagi ko pong tatandaan ‘yan.”

Muli ay naiiyak siyang niyakap ako. “Masaya ako at si Clark ang magiging kasama mo habangbuhay. I know he’ll take care of you and love you for the rest of his life.”

Tumango ako bilang pagsang-ayon. “Yes, ma. I’m the luckiest girl because I have a man like him.”

That’s why I’m going to keep him. Wala na akong balak na pakawalan pa siya. He’s my property and I’m his property.

Nagkadramahan pa kami ni mama sa kwarto bago kami umalis. Todo ang alalay sa akin ni mama habang naglalakad kami palabas ng bahay, nang makita ko naman si papa ay nagdrama kaming mag-ama at nagkaiyakan.

Sinabi ko sa kanilang dalawa ni mama kung gaano ko sila kamahal. Matapos niyon ay inihatid na nila ako sa kotse bago sila humiwalay sa akin ni papa.

Habang bumabyahe ay hindi ako mapakali. Palakas nang palakas ang kalabog sa dibdib ko habang papalapit kami nang papalapit sa simbahan.

May namumuo na rin na malamig na pawis sa noo ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Mas lalo pang kumalabog ang dibdib ko nang huminto na ang sinasakyan ko sa harapan ng simbahan. Mula dito sa loob ng kotse ay nakikita kong nakasarado pa ang dalawang malaking pintuan ng simbahan.

Bumaba na ang driver ko at saka pinagbuksan ako ng pinto. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago bumaba ng kotse.

Nang makababa ay muling bumalik ang tingin ko sa simbahan at ipinikit ang mga mata at nag-alay muna ng dasal. Nang idinilat ko ang mga mata ko ay ngumiti ako at malakas na nagbuga ng hininga.

This is it! Ilang sandali na lang ay magiging Mrs. Alcantara na ako.

May lumapit sa aking babae at inasikaso ako. Inayos niya rin ang laylayan ng wedding gown ko at iginiya na ako sa harapan ng pintuan ng simbahan.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. I’m nervous and excited at the same time.

Sinabihan ako ng babae na humanda na dahil papasok na ako sa simbahan. Kaya naman malalim akong humugot ng hininga at nilagyan ng matamis na ngiti ang labi. At nang bumukas na ang dalawang malaking pintuan ng simbahan, ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Inilibot ko muna ang tingin sa loob ng simbahan. Hindi gaano marami ang dumalo sa kasal namin dahil pili lang ang inimbita namin ni Clark. Mga malalapit lang na kaibigan o kamag-anak.

Nakita ko naman sila mama at papa, pati na rin sila ninang Ellaine at ninong Tony banda sa unahan. Parehong naiiyak sa tuwa si mama at si ninang Ellaine.

Finally, after looking at them, I found the strength to step on the aisle. And Glaiza started to sing A Thousand Years by: Christina Perri.

I walked on the aisle, wearing this simple white garment with a beautiful flower in my hands.

Nang tumingin ako sa harapan ay napako na ang mga mata ko sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng nilalakaran ko, ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko ng habangbuhay. Clark.

Nangilid ang luha sa mga mata ko nang magtama ang tingin namin. Bahagya pa akong natawa nang makita kong lumuluha na siya, si Lance naman na siyang nakatayo sa gilid niya ay malawak ang ngiti habang nakatingin din sa akin.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko when he mouthed ‘I love you’.

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya. Ang araw na ito ang isa sa mga pinakasamayang araw sa buhay ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan at dadalhin hanggang sa kabilang buhay.

Lord, thank you for giving Clark to me. I’m lucky to have him in my life. And I promise to love him as long as you let me.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon