Part 3

16.3K 418 3
                                    



"LINDSAY," usal ni Jett nang damputin ang cellphone mula sa side table ng kama. Inilapat niya sa mga labi ang daliri upang pigilin sa pagsasalita ang babaeng kasalukuyang nasa ilalim niya.

He was currently making out with the model Mara Crisande, for Pete's sake! Napakaganda ng timing ng nobya sa pagtawag.

"What took you so long?" nagdududang tanong ng nasa kabilang linya.

Ibinalik muna niya sa normal ang paghinga bago muling nagsalita. "Sweetie, I'm in the middle of a practice game."

"At this hour?"

Napasulyap siya sa alarm clock sa side table. It was ten o'clock in the evening. Napangiwi siya. "Yes, Coach insisted. We're on the final period of the elimination, Sweet." Inilayo niya ang celphone sa tainga at sa ibang tinig ay sinabi, "Pare, tawag ka ni Coach. Mamaya na 'yan!"

"Sige, Pare. Susunod na," aniya sa normal na boses.

He heard Lindsay sigh. Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jett.

"Honey, don't tire yourself too much, all right? 'Bye. I miss you so much. I love you!"

"Likewise, Sweetie. 'Bye." Pinatay na niya ang cellphone at inihagis iyon sa kung saan. Ibinalik niya ang mga labi sa leeg ng modelo. "Now, back to the court!"

"You are such a bad guy, Jetthro... so bad..." ungol ng babae habang dinadama ang mga halik niya. "But a great lover..."

He just laughed with his face buried in the hollow of her neck.

Wala siyang hindi nalulusutan. Jetthro Alcaraz—tall, rich, handsome, at tulad ng sinabi ni Mara, a great lover. He had been womanizing since college. Kaya alam na alam na niya ang pasikot-sikot sa kalokohang iyon.

Lindsay Daniels was his childhood sweetheart. Sila ang itinakda ng kani-kanilang mga magulang na magkatuluyan. Ipinanganak siya sa Pilipinas ngunit lumaki sa States. At the age of nineteen ay nagkahiwalay sila ni Lindsay dahil napagpasyahan ng pamilya Alcaraz na bumalik at permanente nang manirahan sa Pilipinas pagkamatay ng kanyang abuelo. Hindi nila gustong pabayaang nag-iisa sa Pilipinas ang kanyang lola bukod sa mga negosyong naiwan ng kanyang lolo na ipinasa sa kanyang papa.

For a while he believed na hindi na matutuloy ang pagrereto ng kanyang mga magulang sa dalaga. Nagulat na lamang siya isang araw nang malamang sinundan siya ni Lindsay. Ngunit mabilis din itong umuwi nang hindi natagalan ang klima sa Pilipinas. Binibisita na lamang niya ito dalawang beses sa isang taon tulad ng utos ng mga magulang.

Mawawalan siya ng mana oras na tumanggi siyang makatuluyan si Lindsay. Inisip na lamang niyang maaari pang magbago ang damdamin nito sa paglipas ng mga taon. Baka rin matutuhan niyang mahalin ang dalaga. At sakaling matuloy ang kasal, may diborsyo naman. Magsasawa si Lindsay sa pambababae niya, ito mismo ang hihingi niyon.

Sa susunod na taon sila nakatakdang pakasal. Habang pinaplano ng partido nito sa States ang kasalan nila, iniisip naman niya kung paano mawawala ang pagtingin nito sa kanya sa paraang hindi siya kagagalitan ng mga magulang.


Undercover Maid [COMPLETED]Where stories live. Discover now