Part 14

13K 349 3
                                    


Nakasilip si Lailani sa lanai habang ini-interview ni Weena si Jett sa poolside. Kumukulo ang dugo niya sa pang-aakit nito sa binata.

"So, Jett, what's your type of woman?" ani Weena, hawak ang maliit na recorder.

Jett was smiling all throughout the interview. Parang bale-wala na rito ang eskandalo. "Well, I'm a sucker for mestizas..."

Napangiti lalo si Weena. Maputi ito. Napairap siya. "And?"

"Tall girls... nice butt."

Umugong sa utak niya ang tinig nito noon sa kusina matapos pagpiyestahan ng mga mata ang likuran niya. Nice butt... nice butt... nice Butt... Lalo tuloy nag-init ang ulo niya.

"I see. So, qualified pala ako," sabi ni Weena.

Jett grinned. "You are actually overqualified."

Manyakis talaga! Kailangan na niyang putulin ang eksena bago pa ito mapunta sa kung saan. Hindi si Weena ang sisira sa plano niya. Isa pa, may boyfriend ito ngayon. Mawawalan yata siya ng respeto rito.

"Really?" maharot na bulalas nito. Noon siya umentra.

"Ma'am, gusto n'yo pa po ba ng choco frost?" Nakangiti siya ngunit matigas ang panga. "Kayo, Sir?" baling niya kay Jett na nangunot ang noo sa kanyang biglang pagsulpot.

"Leigh, tatawagin na lang kita pag may kailangan kami." At ibinalik na nito ang tingin sa kausap.

She gave Weena a warning smile. Miss Ed simply grinned at her. Then it hit her. Hindi kaya sinasadya nito ang ginagawa para tiryahin siya? Umpisa pa lang ay hindi na ito ayon sa proposal niya bukod sa lagi pa siyang kinukumbinsing tumigil na. Bahagyang naibsan ang kaba niya sa dibdib para sa superior.

Kung tama ang kutob niya ay hindi nito papatulan si Jett sa paraang iniisip niya. Ayaw lang niya itong masaktan tulad ng mga babaeng pinaglalaruan ni Jett. Naaawa siya kina Arrienne at Ynnez na tumatawag pa rin at nagmamakaawang makausap ang binata.

"Narinig mo baako, Leigh?" untag sa kanya ni Jett. Saka pa lang siya lumayo sa mga ito.    

Undercover Maid [COMPLETED]Where stories live. Discover now