Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 3 • Grocery

30.5K 645 24
                                    

KAGAT-KAGAT ni Gypsy ang ibabang labi habang hinihintay ang reaksyon nina Sugar at Spice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAGAT-KAGAT ni Gypsy ang ibabang labi habang hinihintay ang reaksyon nina Sugar at Spice. Kinuwento niya sa mga kaibigan ang encounter niya kay Reiford, but of course, she omitted a few parts. Hindi na niya ibinahagi 'yong usapan nila ni Sasha, pati 'yong kamuntikan nang may mangyari sa kanila ni Reiford sa library. Wala naman talaga siyang balak sabihin sa mga ito noong una, pero hindi niya kayang sarilinin ang lahat. Nababaliw na siya kaiisip!

     "That's weird," ani Spice. Maririnig ang malalakas na hampas ng alon sa linya nito. Nasa Puerto Galera kasi ito, inaasikaso 'yong lupang kabibili lang nito para gawing bar. "I mean, mahigpit ang patakaran ko sa Guilty Touch. You both know that. Secured ang privacy ng bawat masseuse . . . unless, of course, sila mismo magdi-disclose ng information nila."

     Mula sa pagkakahiga ay tumayo si Gypsy at naglakad-lakad sa palibot ng kaniyang kuwarto. "I-I swear, hindi ko alam kung paano niya ako natunton. I didn't give him anything!"

     Narinig niya ang pagpalatak ni Sugar sa kabilang linya. Kung tama ang pagkakaalala niya, nasa Baguio naman ito. "Ina-understimate mo si Reiford, Spice. May I remind you that he is a Grecco. He got tons of ways to locate Gigi. E, baka talaga namang na-satisfy nang bongga sa performance ni Gigi. This sneaky little bitch. She got most women's dream guy in bed wrapped around her finger."

     Pinamulahan si Gypsy sa sinabing iyon ni Sugar. Mabuti na lang at hindi niya kasama ang dalawa ngayon, kundi paniguradong malalaman ng mga ito ang totoong nangyari noong gabing iyon.

     "But you're not gonna accept his offer, right?" ani Spice kapagkuwan.

     Bigla namang nagsalita si Sugar. "If I were you, Gigi, accept his offer. Saglit lang naman, e. What could happen, 'di ba?"

     Ibubuka na sana ni Gypsy ang bibig nang muling magsalita si Spice. "Well, if you don't care about our friend's welfare, I do. Her heart is gonna end up broken! Ngayon pa nga lang, tingnan mo, mukhang bumabalik na ang feelings niyang—wait, how long has it been? Pagka-graduate noong college, one, two, three, four . . . five, six, see—six freakin' years! Yet marupok pa rin siya kay Reiford!"

     "Hey, you don't need to shout," maarteng sita ni Sugar sa kakambal. Kahit hindi niya ito nakikita, nai-imagine niya itong pinatitirik ang mga mata habang pinipilantik sa ere ang kulay fuchsia pink na mga kuko. "Gets naman, e, but matanda na si Gigi, 'no. Deserve niya naman lumandi. E, iyon na nga, first love na niya 'yong lumalapit sa kaniya—si Reiford pa! The sex god! Kung ako 'yon, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Rawr, rawr!"

INFINITE - The Playboy's BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon