Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 6 • Weak

26.4K 621 46
                                    

GYPSY’s lips thinned into a straight line, giving Reiford a hard glance. She wanted to tell him the truth, but doing so would only complicate things. Isa pa, kasalanan niya naman kung bakit ganoon ang iniisip ng binata. He found her at a pleasure spa made for hungry and wild men. She brought that upon herself.
 
     Pinuno niya ng hangin ang dibdib. “I can’t blame you kung ganiyan ang tingin mo sa akin. Yes, sa Guilty Touch mo ako nakilala, pero wala kang karapatang sabihan ako nang ganiyan.”
 
     “Why? Hindi ba’t gan’on naman talaga ang patakaran sa mga gan’on?” he jeered, his voice turning into a derisive drawl. Nang-uuyam ding pinaraanan nito ng tingin ang kaniyang office. “You seem rich, you’re an architect, pero nandoon ka. Bakit? Ah, I understand now, because girls like you are ambitious. So okay lang kung kani-kanino kayo magpakama, right? As long as the price is right—”
 
     Isang nakabibinging sampal ang muling dumapo sa pisngi ni Reiford. This time, talagang bumakat na ang mga daliri niya sa balat nito. Maski nga siya ay nasaktan sa ginawa, ngunit mas nanaig ang pagtatagis ng bagang niya.
 
     “Not another word from you, Mr. Grecco. May I remind you, I was a virgin when you had me, asshole. A virgin,” she retorted, her breath catching in her chest, rushing, as her temper flared.
 
     Sapo-sapo ang nasaktang bahagi ng mukha, nag-angat ito ng tingin sa kaniya. For a moment, she had a glimpse of the tornado wrecking havoc inside his eyes. Reiford’s intense stare would’ve made Gypsy nervous if only he hadn’t said those words.
 
     Ikinuyom ng dalaga ang dalawang palad bago pa niya biyayaan ulit ng sampal ang lalaki. “You think you know me, but you don’t. May sarili akong dahilan kung bakit ko ‘yon ginawa. Maaring nabili mo ako ng isang gabi, but it doesn’t mean na nabili mo na rin ang pagkatao ko para husgahan ako.”
 
     Sa katunayan, ni singkong duling ay wala siyang kinuha sa ibinayad ni Reiford sa Guilty Touch. Spice, after learning what Gypsy did that night, immediately withdrew his payment and just donated all of it to one of their charities.
 
     Sa isang banda, paano kung totoong sa Guilty Touch nga siya nagtatrabaho? Papaano kung totoong masseuse siya roon? Ganoon ba talaga kababa ang tingin ng mga lalaki sa mga kabaro niyang sumusugal sa ganoong industriya. Hindi niya maatim.
 
     “Also,” jaw still tight, Gypsy added, in behalf of all the women working in the adult industry, “wala ka ring karapatan husgahan lahat ng mga babaeng may ganoong klaseng trabaho. Not everyone is born with a silver spoon in their mouths like you. Hindi madali ang gan’ong hanapbuhay, pero tinitiis nila para maka-survive sila at ang pamilya nila. Hindi laruan ang mga babae.”
 
     Sa tuwing pupunta kasi si Gypsy sa Guilty Touch, may mga nakakakuwentuhan siyang mga masseuse at dancer. Iba-iba ang dahilan ng mga ito kung bakit naroon sila, pero iisa lang ang common denominator ng lahat—easy money. Na hindi naman niya masisisi pagkatapos malaman ang buhay ng mga ito. Even si Sasha, dati itong stripper na sinalba ni Spice sa isang exploiting club. Doon namulat ang mga mata ni Gypsy sa kung gaano kalala ang mga nangyayari sa mga nagtatrabaho sa ganoong lugar.
 
     Spice cared for her employees a lot. Nasa kontrata ng mga ito na hindi maaring makipagtalik o magpahipo ang mga ito sa mga kliyente. Ganoon din ang mga kliyente kapag magpapa-schedule, they were not allowed to lay their hands on GT’s women. They were required to sign a contract, too. Maliban na lamang kung sariling kagustuhan na ng mga masseuse. Sa bandang iyon ay may nilabag si Reiford, pero duda siya kung binasa ba ng binata ang kontrata o basta na lang nagtapon ng pera sa ngalan ng init ng katawan, even so, she still allowed that happen, so siya pa rin ang may kasalanan.
 
     “Leave,” naniningkit ang mga matang utos niya rito. “Kung sa tingin mo, mapapapayag mo pa ako sa gusto mong mangyari, hindi na.” Kinuha niya ang bulaklak at malakas na sinalya sa dibdib nito. “And take your flowers with you dahil wala namang silbi ang sorry mo. Bitbitin mo na rin ‘yang vase.”
 
     Pinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib at hinintay na umalis si Reiford, ngunit hindi ito natinag. Hindi rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nanunuot sa kaniyang kaibuturan ang mga mata nito. The audacity of this guy! Bakit ito pa ang may ganang makipagsukatan ng tingin sa kaniya?
 
     “I said,” nilampasan niya ang binata at saka tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon at iminuwestra ang kamay sa maluwang na pagitan, “leave.”
 
     Reiford stomped his feet and stormed out of the room, slamming the door shut. Napapikit si Gypsy sa lakas ng impact niyon. Nayanig yata ang buong opisina niya sa ginawa ng binata.
 
     Nakapamaywang na bumuga ng hangin si Gypsy. “Unbelievable, kinausap ko lang ang pinsan niya, para namang may ginawa na akong napakalaking kasalanan. Nahusgahan pa ang pagkatao ko. If that jerk only knew.”
 
     The door creaked open once more. Napahawak si Gypsy sa dibdib dala ng gulat. Ang akala niya, bumalik si Reiford, pero si Kierra lang pala. Sinipat-sipat nito ang pinto.
 
     “Gumagana pa, gumagana pa. Akala ko, kailangan na nating palitan ‘tong pinto mo. Sa Netherlands mo pa ‘to binili, ‘di ba?” Kierra bit out after checking if the door was still working. “Pero mukhang kaya naman niyang bayaran—”
 
     “Ba’t bitbit mo ‘yan?” sansala niya rito na ang tinutukoy ay ang yakap-yakap nitong vase.
 
     “E, sa iyo ‘to, e, so kinuha ko sa kaniya. Nagtataka pa nga ako kung bakit niya dinala—” Kierra abruptly spun on her heels. “Unless . . .” Napatutop ito sa bibig at nilipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa mga bulaklak. “Siya ba si R?!”
 
     “May narinig ka ba sa usapan namin?” pakli niya imbes na sagutin ang tanong nito. 
 
     “May I remind you na soundproof ‘tong office mo. Kung gumawa man kayo ng milagro, rest assured na wala akong narinig. But I doubt kung may action scene ngang naganap, galit, e! Ano ba kasi nangyari?”
 
     “Nothing.” Gypsy flung herself on the plum sofa. Parang biglang sumakit ang ulo at dibdib niya sa naging pag-uusap nila ni Reiford.
 
     “Nothing ka riyan. E, parehas silang galit nang magsilabas. Ano nga nangyari?” pamimilit pa nito. “Si R nga ‘yong huli?”
 
     Gypsy was tempted to utter a scathing remark about Reiford, but instead, she said, “I want some piece and quiet, Kierra.”
 
     Ibinalik nito sa dating puwesto ang vase. Sa tabi ng bintana. “Hindi mo dine-deny, so siya nga!” Pumitik ito sa ere. “Grabe, ang guwapo! Kung ako ‘yon, hindi na ako mag-iinarte, wala ka namang jowa, e. Bite mo na! Pero magkamukha sila n’ong client, are they related?” Pinaraan nito ang hintuturo sa baba. “Pinag-aagawan ka ba nila?”

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Margaux Dy, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Margaux Dy
@TheMargauxDy
COMPLETED ✔️ Despite being one of the most coveted architects in the...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 35 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @TheMargauxDy.
INFINITE - The Playboy's BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon