The Black in All Whites

53 3 0
                                    

MERELLA'S POV

"Sa girls naman tayo."- sabi ni Kiesha pagkatapos magpakilala ni Carter.

Umupo ako ng matanos habang hinahanda na ang mga sasabihin ko kapag ako na ang magpapakilala.

"Oh Roselle, ikaw na ang sunod!"- sabi ni Kiesha kay Roselle na nakaupo sa unahan.

Tumayo si Roselle at inayos ang kumikintab niyang buhok. "Good Morning sa inyong lahat. I am Roselle Alcantara, 15 years old. I am proud to say that I am part of the LGBT Community."- panimula niya.

Naparoll eyes ako nang sabihin niya iyon. Yeah right. Napakaproud niya talaga. Sa sobrang proud niya, ang lakas-lakas ng loob niyang sabihing gusto niya akong ligawan like what the hell, hindi ba siya nahiya? Akala ba niya papatol ang ganda kong ito sa isang tomboy na katulad niya? Hell no. Hell no.

"Madami akong paborito kaya mas mabuting wag ko na yun ishare sa inyo. Wala din akong talent. Talagang itong kagwapuhan ko lang ang pinakaespesyal sa akin."- sabi pa niya habang nakangiti.

Oh my God! Sana naman kinilabutan siya pagkasabi niya nun. Kasi ako nga halos duwalan ko na ang mukha ni Lynn nang sabihin niya yun eh. Haha.

Madami ang nagreact sa sinabi niya. Ngiting-ngiti naman siya habang umuupo.

"Okay, salamat sa joke Roselle ah. Sunod na si Anonuevo, Shane."- sabi ni Kiesha.

Tumayo si Shane habang nakangiti. "My name is Shane Anonuevo, 16 years old. Hilig ko rin ang kumanta at isa akong fan ni Taylor Swift. Hobby ko rin ang kumain kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganito kasexy ang katawan ko. Haha."- pagpapakilala niya.

Wala siyang disiplina sa sarili. Wala siyang kontrol sa pagkain kaya ganyan na lang ang itsura niya. Bakit di niya kami gayahin nina Kiesha at Lynn? Ako, specifically. Maganda naman siya but ang figure niya ang problema. Ako ang nabibigatan kapag tinitingnan ko siya.

"Oh sexy daw si Shane ah. Wag na kayong kumontra."- natatawang sabi ni Kiesha. "Balasta, Faye. Ikaw na ang sunod!"- tawag niya kay Faye.

Tumayo si Faye at grabe, nakakasilaw ang puti niya. Mas pumuti siya ngayon compare from the last time I saw her.

"Hi. I am Faye Balasta, 15 years old. Hilig ko din ang pagkanta. Kung si Shane maka-Taylor, ako naman adik na adik kay Rihanna. Favorite hobby ko ang pagbabike. Nagbabike ako tuwing gabi lang kasi ayaw kong mabawasan ang kaputian ko."- panimula ni Faye.

Wow. Tinetreasure ang kaputian. Kung sabagay, yun lang naman kasi ang nakikita kong asset niya, wala ng iba. Haha.

"Isa pa sa mga sikreto ko is kinukuskos ko ng steel wool ang buo kong katawan para pumuti."- pagpapatuloy niya na ikinatawa ng lahat. Maging ako ay bahagya ding natawa. "Pero siyempre joke lang yun. Haha. That's all. Salamat sa pakikinig sa mga echos ko."- nakangiti niyang sabi at umupo na.

Handa na ako sa mga sasabihin ko. Gusto ko ng magsalita in front of them. Excited na akong matawag. Excited na din ako sa mga mangyayari ngayong school year cause alam ko na magiging puno ito ng kasiyahan para sa akin. Haha.

PHOEMELA'S POV

"Castro, Angie."- tawag ni Kiesha sa susunod na magpapakilala. Tumayo si Angie mula sa kinauupuan niya.

"My name is Angie Castro. 16 years old. Love na love ko ang horror movies dahil sa kaastigan nila. Ang favorite kong horror movie is Mirrors. Astig ng mga horrifying scenes nung movie na yun pati na rin yung story kaya gustong-gusto ko siya."- sabi ni Angie.

Nung magsalita si Angie sa unahan ay parang hindi katiwa-tiwala. Parang lahat ng mga sinabi niya ay hindi kapani-paniwala. Ngayon pa lang ay masasabi kong ayaw ko na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon