Killing Spree

28 2 0
                                    

KAYCEE'S POV

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko kaya hindi ko naiwasang maglakad ng pabalik-balik. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Yung mensahe ng misteryosong tao sa amin kanina, maaaring hudyat na iyon na sawa na siyang makipaglaro sa amin.

"Pwede bang umupo ka na lang Kaycee? Akong nahihilo sa ginagawa mo eh."- kunot-noong sabi sa akin ni Angie.

"Wag mo na lang akong tingnan. Hindi mo ako masisisi na kinakabahan ako sa mga nangyayari at sa mga pwede pang mangyari!"- sagot ko sa kanya.

Umiling na lang si Angie at hinayaan ako.

"Sa tingin mo ba talaga ngayon na tayo papataying lahat ng misteryong tao?"- takot na tanong sa akin ni Pauline.

"Wala na akong ibang maisip na ibang kahulugan ng message niya sa atin kanina."- sagot ko na lang kay Pauline.

"Hindi pa rin ba sinasagot ni Phoemela?"- tanong ni Angie kay Kenneth na hawak ang cellphone ni Pauline. Pilit nitong tinatawagan si Phoemela.

"Hindi eh."- inis na sagot ni Kenneth.

"Baka kasama na siya nina May. Tawagan mo nga sina May at kumpirmahin mo."- sabi sa akin ni Pauline.

Gagawin ko na sana ang sinasabi ni Pauline pero nagsitunugan ang mga cellphone namin. Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib ko.

Dalawang message ang natanggap namin mula sa misteryosong tao. Isang text message at isang picture message.

Nang mabasa ko iyon ay nakipagtinginan ako sa kanilang tatlo. Katulad ko ay alam kong sa mga oras ding ito ay napakatindi na rin ng nararamdaman nilang takot.

Napaigtad ako samantalang napatayo naman ang tatlo sa kinauupuan nila nang bigla at malakas na bumukas ang main door. Napatingin kami sa taong nagbukas ng pinto at unti-unting nanlaki ang aking mga mata.

Ang taong yun ay nakasuot ng isang maskarang demonyo at mahabang tela. Biglang kumintab ang kutsilyong hawak-hawak nito.

Para akong tinubuan ng ugat sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong bumuhos ang mga luha sa mga mata ko nang dahil sa sobrang takot.

Biglang binato ng taong nakamaskara ang kanyang kutsilyo papunta sa amin at automatic akong napatili kasabay nina Angie at Pauline.

Humarap si Kenneth sa aming tatlo at nakita kong nakabaon na ang kutsilyo sa kanyang kanang mata. "What the..."- nasambit niya bago siya bumulagta sa sahig.

Mas lalo akong pinanlakihan ng mga mata. Nagtititili din ako kasabay nina Pauline at Angie. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang gagawin ko?

__

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi makapaniwala sina Pauline, Angie at Kaycee na patay na si Kenneth na nakabulagta na sa harapan nila.

Tumakbo si Angie palayo sa taong nakamaskara.

"AAHH!"- tili ni Pauline sabay hila kay Kaycee upang tumakbo na rin palayo.

Dahil nakaharang ang taong nakamaskara sa may pintuan, walang nagawa ang tatlo kundi ang tumakbo sa mas pasok pang parte ng bahay.

Tumakbo rin ang taong nakamaskara upang habulin ang tatlo.

Nang makarating ang tatlo malapit sa hagdan ay humiwalay si Angie kina Kaycee at Pauline.

Tumakbo paakyat ng hagdan sina Kaycee at Pauline samantalang tumakbo naman si Angie papuntang kusina kung saan ang bukana nito ay nakapwesto lang sa gilid ng hagdanan.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon