Right Surmise of the Pattern

42 2 0
                                    

MAY'S POV

Sama-sama kaming naglalakad nina Kaycee at Dave palabas ng school. Tumigil na ako sa pag-iyak dahil walang humpay nila akong inalo kanina.

"Dapat talaga hindi mo ako pinigilan kanina Dave. Nanggigigil ako sa babaeng yun."- kunot-noong sabi ni Kaycee.

"Hindi ko kayo pwedeng hayaang magrambulan na lang doon."- sabi naman ni Dave at napangiti.

"Inagrabyado niya si May. Ni hindi nga siya pinatulan. At saka alam naman nating hindi totoo ang mga binibintang ng hipon na yun kay May!"- umuusok na sabi ni Kaycee.

"Kays, tigil na. Okay na ako. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin."- sabi ko sa kanya at nginitian.

"Wala yun , talagang ipagtatanggol kita. Ano pa ang silbi ng label nating BFF kung hahayaan kitang maging kawawa sa kamay ng babaeng yun!"- sabi niya at inakbayan ako.

"Alam niyo, kung hindi ko lang kayo kilala, aakalain kong magsyota kayong dalawa."- natatawang sabi ni Dave.

"Ay teka? Di ko pa ba nasasabi sa iyo na kami na ni May?"- tanong ni Kaycee habang nangingiti. Napangiti naman ako dahil dun.

"Haha. Nakakatawa."- sarkastikong sambit ni Dave at nagpakawala ng pekeng tawa.

"Nakakatawa? Dapat nga magluksa ka kasi kami na ni May."- mapang-asar na sabi ni Kaycee. "Break na tayo Dave. Ba-bye!!"- sabi niya at hinila ako at sabay kaming nagtatatakbo palayo kay Dave.

Hindi ko na napigilan pa ang matawa dahil sa kabaliwan ni Kaycee. Hinahabol naman kami ni Dave. Ang saya-saya namin habang tumatakbo na para bang wala kaming problema. Bigla namang nawala sa labi ko ang aking ngiti nang maalala ko ang napakalaki naming problema.

Tiningnan ko ang masayang mukha ni Kaycee habang tumatakbo kami at hinahabol kami ni Dave. Sana ganito na lang kami palagi. Yung parating masaya. Sana hindi na lang nangyari sa amin ang mga naranasan namin sa room nang dahil sa misteryosong tao. Sana matapos na talaga at masolusyunan na namin ang problema namin.

__

Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong nagpalit ng damit at naghanda sa pagpunta sa bahay nina Merella. Habang naglalagay ako ng pulbos sa aking mukha ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Daddy na medyo kunot ang noo.

"Bakit Dad?"- tanong ko sa kanya.

"Nandun sa labas yung kaklase mong lalaki na kasama niyo kahapon."- seryosong sabi ni Daddy.

"Po?"- tanong ko at naglakad ako palapit sa bintana ng kwarto ko at sumilip. Nakita ko mula doon si Jack na nakatayo sa gitna ng gate at kotse niya. Bakit siya andito?

"Boyfriend mo ba yun?"- seryosong tanong ni Daddy kaya agad akong napalingon sa kanya dahil sa pagkabigla.

"Po? Hindi Daddy. Ano ka ba?"- sabi ko sa kanya at tumawa. "Pupunta kasi ulit kami sa bahay ng kaklase ko kasi hindi pa po tapos yung project namin. Buti na lang talaga at pumunta siya dito."- sabi ko pa at nginitian si Daddy. Nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kanya. Pero ginagawa ko rin naman ito para sa aming dalawa.

Kinabahan ako nang tingnan ako ni Daddy na para bang inuusisa akong mabuti. Bahagya naman akong napalunok.

__

Pagpasok ko sa loob ng kotse ni Jack ay kaagad niya na itong pinaandar paalis ng bahay.

"Nag-abala ka pa talagang sunduin ako dito. Nakakahiya tuloy sa iyo."- sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon