019

332 9 2
                                    

Keisha Kims.



"Sha," sabi ni Jeno nang makita niya akong nakapila. Bumili muna ako ng breakfast naming dalawa habang hinihintay siya. Siguro bilang pasasalamat na rin kasi kahit nasa studio na siya, pumunta siya rito para sa akin.



"Tara na?" yaya ko sa kaniya nang mabayaran ko na yung mga pinamili ko. "Nagbreakfast ka na ba? Gusto mo ba kumain muna dito o sa studio na lang tayo kumain?"

"Sa studio na lang. Walang aso dun." sabi niya sabay tawa. Nang-aasar 'tong isang 'to eh, pasalamat siya...



Nang makarating kami ni Jeno sa studio, kumain muna kami tas nagpractice. Maya-maya, biglang dumating sila Jaemin at iba pang dreamies. Si Mark at Renjun lang ang wala.

"Hinatak nila Jaehyun-hyung na pumunta sa mall." sabi ni Jisung nang itanong ko kung nasaan yung dalawa. Tumango ako.

Nagstay sila saglit habang pinag-uusapan namin ni Jeno kung anong gagawin namin para sa talent show. Sa unang part, sasayaw kami ng Taki Taki at sa pangalawa naman, maggigitara siya at kakanta ako... pero hindi ko pa alam kung anong kakantahin ko.



"This Is Me ni Demi Lovato yung sayo tas kakanta ako ng Gotta Find You ng Jonas Brothers. Okay lang ba?" suggest niya.

"Parehas na lang natin kantahin yung Gotta Find You. Hatiin na lang natin yung parts." suggest ko naman at umagree siya.

Hinati muna namin yung parts at nagsimula nang tumugtog si Jeno gamit ang gitara niya. Aaralin niya raw muna yung parts niya kaya tumabi muna ako kay Jisung.



"Anong plano niyo ni Yui sa talent show?"

"Sasayaw lang." sagot niya at tumango ako. Well, expected naman yun dahil parehas silang mahilig at magaling sumayaw. Ilang oras pa kami nag-usap ni Jisung at 'di ko namalayan na hapon na pala.



"Keisha, next week na ulit tayo magpractice after class." sabi ni Jeno. "Sige."

"Tara na?"



"Huh?"



"Hatid na kita sa inyo."



Napatigil ako. Nang bumalik ako sa katinuan ay tumayo ako at tumango kay Jeno. "Sige, tara na."

voice message | jenoWhere stories live. Discover now