054

190 5 3
                                    

Lee Jenos.



Sinadya ko talagang maaga pumasok para abangan si Keisha sa may gate. Oo, hihintayin ko siya. Para 'pag pasok namin sa mismong school, ayos na kami... kung papatawarin niya ako.



Maya-maya ay natanaw ko si Keisha na naglalakad papunta dito at... kasama niya si Gongchan. Kahit pa sinabi na sa akin ni Gongchan na magbestfriend lang sila ni Keisha, hindi ko pa rin maiwasang magselos.



Ang close nilang dalawa. At parang kilalang kilala talaga ni Gongchan si Keisha. Sana all. Sana ako rin.





"Keisha," tawag ko sa kaniya nang malapit na sila sa may pwesto ko. Mukha namang alam na ni Gongchan ang gagawin ko kaya nagsalita siya, "Sige na, Sha. Mag-usap muna kayo ni Jeno. Una na ako."

"H-hoy, teka lang, Chan!" sigaw naman ni Keisha at hinabol si Gongchan pero dahan-dahan siyang tinulak ni Gongchan papunta sa akin. Umalis na si Gongchan agad.



"Keisha, pansinin mo naman ako," sabi ko sa kaniya. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya yun eh."

Saglit niya akong tinignan at ngumiti, "Sige na nga. Pinapatawad na kita. Tsaka 'di ako galit, inis lang siguro."

"Tara na, malalate pa tayo eh." yaya niya at pumasok na kami ng school.

"Practice mamaya ah. 3 days na lang bago yung talent show." sabi ko at tumango naman siya.

voice message | jenoWhere stories live. Discover now