044

205 6 4
                                    

Keisha Kims.



"Sha, may naghahanap sayo." tapik ng kaklase ko sa akin. Tumango lang ako at lumabas na ng room. Nandun na si Jeno.



"Hi," bati ko sa kaniya at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik, "Tara na?" Tumango ako.

Pumunta na kami sa food place kung saan may sisig at si Jeno ang nag-order ng pagkain namin. Naalala ko yung sinabi sa akin ng magaling kong kuya kanina. Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako nun o totoo bang may bisita ako.



Nang makabalik na si Jeno, tinanong ko siya. "Saan tayo magpapractice?"

"Hindi pwede sa amin dahil nandun yung pinsan ni mama. Tignan natin sa studio mamaya."

Tumango ako. "Hanggang anong oras tayo magpapractice?"

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Jeno. "Ang dami mong tanong. May problema ba?"

"Ano kasi, Jeno... maaga akong pinapauwi ni kuya. Okay lang ba?"



Napaisip naman si Jeno saglit. "Okay lang. Sinabi ko naman sayo kanina, 'di ba? May tiwala ako sayo, kaya natin 'to." At ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

"Salamat, Jeno."



Maya-maya dumating na ang pagkain namin at nagkuwentuhan lang kami. Hinatid naman ako ni Jeno sa amin pagkatapos naming kumain. Nung una, tumanggi ako pero mapilit 'tong isang 'to kaya ayun.





"Chat mo ako 'pag nakauwi ka na," sabi ko sa kaniya. Teka, ba't parang girlfriend naman yata ako kung umasta...?

Natawa si Jeno ng mahina, "Opo. Chat kita mamaya."

"Salamat ulit." sabi ko bago tuluyang pumasok ng bahay.



At nagulat naman ako nang makita ko kung sino yung kausap ni kuya.



"Hoy, Chan?!"

voice message | jenoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora