CHAPTER THREE

7.4K 126 0
                                    


VALEDICTORIAN man si Jessie ng magtapos ay wala siyang makapang kasiyahan. Isang linggo matapos ang graduation niya ay wala siyang gustong gawin kundi ang magkulong sa kwartong ipinagamit sa kanya ng tiyahin ng lumipat na siya sa bahay ng mga ito. Wala siyang ginagawa maghapon kundi ang tumitig sa kawalan. Nagulat pa siya ng biglang may kumatok sa labas ng kanyang kwarto.

"Pasok."

Pumasok ang kanyang tiyahin at inilibot ang paningin sa kanyang kwarto. Mukhang nadismaya itong wala siyang ginagawa buong maghapon kundi ang humilata sa kama.

"Bakit po Tita?" tanong na lamang niya.

"Jessie, nakakuha na ako ng school para sayo. Hindi ba sabi mo mas malayo sa Manila ang gusto mo? Sa Quezon Province ka na mag-aaral, sa Saint Raphael University sa Lucena. Ok na ba yoon sayo? Napag-alaman ko kasi na doon ang province ng yaya mo dati na si Crisanta, nakausap ko na din siya at sinabi niyang pwede ka daw tumuloy sa kanila tutal iisa lang naman daw ang anak nila ng kanyang asawa." paliwanag nito.

"Okay na po yun sa akin." sang-ayon na lamang niya.

"Ano nga palang kurso ang kukunin mo?"

Napaisip siya sa tanong nito. Noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay madalas din nitong itanong sa kanya kung ano ang gusto niyang kunin sa kolehiyo. Sinasabi niya dito na gusto niyang maging katulad ng ama niya. Pero sa tuwina ay sinasabi nitong malayo pa naman iyon kaya pag-iisipan pa niya. Inilibot niya ang paningin at ng mapatuon ang kanyang mga mata sa mga librong nakasalansan sa kanyang lamesa ay naagaw ng kanyang pansin ang mga libro niya sa Mathematics.

"BS Mathematics po." wala sa sariling sagot niya.

"Ah, sige. Anong ilalagay ko sa second and third choice mo?"

"Bahala na po kayo, lagyan nyo na lang po ng kahit na ano." balewalang sabi niya. Nagtaka siya ng sa halip na lumabas na ito ng kanyang kwarto ay matagal pa siya nitong tinitigan.

"May sasabihin pa po ba kayo?"

Bumuntong- hininga muna ito bago nagsalita.

"Ahm, oo. I want to have a deal with you, Jessie."

"A deal?" nagtatakang tanong niya at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Alam kong nahihirapan ka sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon. Ang deal na inasabi ko ay, bibigyan kita ng kahit na anong negosyong nais mong simulan. Pero may mga kundisyon ako na dapat mong gawin." seryosong pahayag nito at tinitigan siyang mabuti kung ano ang magiging reaksyon niya.

She's curious but she managed to remained poker faced.

"What are those conditions?" kunwari ay walang kalatoy- latoy niyang tanong. She finds the deal intruiging that she wanted to know the bits of the details.

"Ang unang kondisyon ay tatapusin mo ang kurso mo loob ng anim na taon." huminto ito at wari'y tinatantya ang magiging reaksyon niya.

Tiingnan niya ito na parang sinasabing ituloy nito ang mga susunod na kundisyones.

"Dapat ay isang kundisyon lamang ang ibibigay ko, pero ng malaman ni Milo kung saan ka mag-aaral ng kolehiyo ay nagpilit siyang doon din daw niya gustong mag-aral. So the second condition will be, no one should know that you and Milo are related to each other."

She gave her an incredulous look. "Alam nyo naman po na kaya kong tapusin sa mas maikling panahon ang pag-aaral ko. Maaari ko agad kayong mabayaran kung maibibigay nyo agad sa akin ang negosyong sinasabi niyo. Bakit kailangang anim na taon kong tatapusin ang pag-aaral ko? At bakit ayaw ninyong malaman ng iba na magpinsan kami ni Milo? You know that I can get a scholarship in any school I wanted, mabilis pa akong makakatapos, but here you are trying to lure me about giving me a business. Give me good reasons why would I take your bait, Tita" naguguluhang tanong niya dito.

Love And Lies (Published Under PHR)Where stories live. Discover now