CHAPTER SEVEN

6.3K 111 0
                                    


HINDI malaman ni Nathan kung ano ang dapat niyang gawin. Kaarawan niya sa susunod na linggo at ipaghahanda siya ng mga magulang. Pero ang bukod tanging babaeng nais niyang imbitahan ay hindi niya maaaring isama sa listahan ng imbitado. Hindi man niya totoong girlfriend si Jessie ay siguradong kakaliskisan na ito ng kanyang ina tulad ng mga nagdaan nilang relasyon ni Cindy. Ayaw niyang mangyari kay Jessie ang pinagdaan ng mga nauna niyang girlfriend lalo pa at nag-iisip na siyang magtapat ng totoong nararamdaman dito. Baka wala pa siyang sinasabi ay mabasted na agad siya nito.

Katatapos lamang ng gig nina Jessie at kasalukuyang kasama niya ang dalaga sa loob ng kanyang sasakyan. Dalawang linggo ng siya ang naghahatid at sumusundo rito tuwing tutugtog ang bangda nito sa Milo's Bar. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon si Milo na mapalapit kay Jessie.

"Stop the car." biglang utos nito sa kanya.

Mabuti na lamang at pareho silang naka seatbelt kung hindi ay masasaktan sila sa pabiglang pagpepreno niya.

"Why? Anong problema?" tanong niya dito ng maitabi niya ng maayos ang sasakyan.

"Nothing, it's just that you're preoccupied with something. Baka lalo tayong madisgrasya." katwiran nito.

"Wow! Napansin mo pa iyon?"

"Maybe because I'm beginning–"

"To like me?" hopeful niyang putol sa sinasabi nito.

Kumunot ang noo nito. "I'm beginning to get used to your reactions." pagtatama nito.

Para siyang lobong biglang tinusok ng karayom. Pero hindi niya rito ipinahalata ang pagkadismayang nararamdaman.

"Aminin mo na kasi, na sa dalawang linggo na pagsasama–" he instantly stopped when he thought about the last word he said. Parang hindi iyon magandang pakinggan. "What I mean is, sa two weeks na naging parang "tayo", siyempre nakabuo na tayo ng frienship and care for each other. 'Di ba?"

"Meron ba? Ang alam ko kasi, puro pang-aabala ang ginagawa mo sa akin. Teka nga, last day of the week ngayon ah, nasaan na ang bayad mo sa akin?" nakangising tanong nito sa kanya sabay lahad ng palad sa kanya.

"Naalala mo pa iyon? Mukha ka talagang pera." kunwari ay nagtatampong wika niya.

Hindi siya talaga nagrereklamo dito tungkol sa usaping pera. Kahit pa nga padagdagan pa nito sa kanya ang ibinabayad niya ay hindi siya aangal. Noong nakaraang linggo kasi ay isinama siya nito upang ibigay sa isang bahay ampunan ang perang ibinayad niya. Isinuhestiyon pa niya na kalahati lamang ng halagang ibinayad niya ang ibigay nito ngunit matigas ang pasya nitong ibigay lahat iyon dahil mas kailangan daw iyon ng mga bata sa ampunan. Parang napahiya pa siya dito kaya naman dinoble na niya ang halagang ibinigay nila.

Nang iniaabot na niya rito ang sobreng may lamang pera na kinuha niya sa dashboard ng sasakyan ay tumanggi ito.

"Huwag na muna, gawin na lamang nating buwanan ang bayadan." sabi pa nito.

"Pero–"

"Sige na, itago mo na muna iyan." utos pa nito.

Walang nagawang itinago niya muli ang sobre.

"Jessie, can I ask you something personal?

"Fire away."

"Ahm, anong mangyayari sayo pagka graduate mo? I mean, what are your plans after college? nanantiyang tanong niya dito.

Natigilan ito na para bang may naalala. Ilang minuto ang lumipas ng nakangiting nagsalita ito.

"Thank you for that question. Alam ko na kung ano ang plano ko. Tara na, umuwi na tayo." pagtatapos nito at ipinikit na ang mga mata.

Love And Lies (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon