CHAPTER FOUR

6.9K 112 3
                                    


NAGLALAKAD si Nathan sa loob ng campus ng maisip niyang dumaan muna sa building ng Arts and Sciences. Balak na niyang isauli sa may ari ang cellphone na nasa kanya. Dalawang araw siyang nag abang sa library ngunit bigo siyang makita si Jessie at kahapon nga ay hindi siya nakapasok dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Inuna niyang puntahan ang mga kubong nakapalibot sa naturang building sa pagbabakasakaling makikita niya doon ang dalaga. Ganoon na lang ang tuwa niya ng makitang nakaupo ito sa isa sa mga benches na nasa kubo. Nag-iisa lamang ito habang nagsusulat ng kung ano sa papel. Tumigil siya sa mismong harapan nito. Tumikhim siya para maagaw ang atensyon nito pero hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa kanya.

Kung hindi ba naman talagang suplada! Kinatok niya ang lamesa at saka lamang ito nag-angat ng paningin.

Tiningnan siya nito na para bang isa siyang malaking istorbo sa kung ano mang ginagawa nito.

"Ahm, may gusto lang sana akong ibigay sayo." nakangiting sabi niya dito at akmang ilalabas niya ang cellphone nito mula sa bag niyang dala ng magsalita ito.

"Kung bulaklak yan, wag mo ng tangkain pang ibigay. I'm telling you now that it will be put to trash." walang emosyon na sabi nito.

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Feeling naman ng babaeng ito! Napikon man siya ay pilit pa din siyang nagpakahinahon. Nang sa wakas ay makuha niya ang cellphone nito ay mabilis niya iyong iniabot sa dalaga.

"Sorry to disappoint you, hindi bulaklak ang ibibigay ko sayo. Naiwan mo ito sa libarary three days ago at ngayon lang kita natiyempuhang makita kaya ngayon ko lang naibigay."

"Salamat." simpleng sagot nito ng makuha sa kanya ang cellphone at ibinalik ng muli ang atensiyon sa ginagawa.

Hindi niya nagawang umalis agad mula sa kinatatayuan. Naiirita siya sa ikinilos nito kahit pa sabihing nagpasalamat naman ito sa kanya. Napansin yata nitong hindi pa siya umaalis sa harapan nito kaya nag-angat ito muli ng tingin.

"May kailangan ka pa ba?"

"Actually wala na dapat, nagpasalamat ka na eh. Ang kaso para kasing hindi ka sincere."

"Anong gusto mo, magpaparty pa ako para sayo?" sarkastikong tanong nito.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Umupo na siya sa harapan nito kahit na hindi siya inimbitahang umupo roon.

"Look Miss, three days na nasa pangangalaga ko ang cellphone mo. For the fact na hindi ko pinag interesan man lang yan eh maano ba namang alamin mo ang pangalan ng isang taong tulad ko na piniling hanapin ang taong burarang nakaiwan ng cellphone niya." aniya.

"Why would I want to know your name?"

"Ahh! Ewan ko sayo. Sa tingin mo naman ibibigay ko nga sayo ang pangalan ko? Huwag kang mag-alala, hinding-hindi na kita lalapitan kahit kalian!" namumula ang mukhang sabi niya dito at tumayo na bago pa niya mapilipit ang leeg ng magandang babaeng kaharap niya.

"You want me to ask your name that you don't want to give me in the first place. I think you're crazy. Lumayo ka ng tahimik at huwag ng babalik pa sa kubong ito kung mahal mo pa ang buhay mo." utos at banta nito sa kanya na parang ayaw nitong may makakitang iba na kasama siya.

"Hah! As if pupuntahan pa kita, ungrateful bitch." bulong niya at lumakad na palayo sa kubo.

LITERAL na namilog hindi lang ang mga mata ni Cindy kundi pati na din ang sa dalawang kaibigan niyang sina Megan at Yani. Kauupo pa lamang nilang magkakaibigan sa isa sa mga benches sa kubong nakalaan para sa mga estudyante ay napansin na nilang may kausap na lalake ang isa sa mga babaeng sikat sa kanilang building, si Jessie Adams. Hindi iyon ang unang beses na may lalaking umupo sa harapan nito kapag hindi nito kasama ang mga kabanda nito. Pero ang nakakuha ng atensiyon nila ay ng mapansing kinakausap ito ng dalaga. Madalas na hindi nito pinapansin ang mga lalaking nagpapansin dito at bagkus ay iniiwan na lang nito basta. Hindi nila makita ang mukha ng lalake dahil nakatalikod ito sa parte nila kaya naman laking gulat niya ng tumayo na ito at naglakad palayo sa kubo.

Love And Lies (Published Under PHR)Where stories live. Discover now