KABANATA 2

1.7K 60 3
                                    

" Mandy? Thank God nagising ka na rin! Akala ko ay iiwanan mo na kami ng tuluyan! " mangiyak ngiyak na sabi ng kakaibang binibini na ngayon ay nakabalik na mula sa paglisan niya ng panandalian kanina.

" How are you? May masakit pa ba sayo?" nag aalala nya pang tanong sa akin. Makalipas lamang ang ilang sandali ay biglang may pumasok na babae. Medyo matanda na sya at nakapurong puti na kasuotan habang may nakasabit na gamit pangmedisina sa kanyang leeg. Marahil ay isa siyang manggagamot dahil sa kanyang itsura.

" Doc! Mandy's already awake!" Masayang sabi ng kakaibang binibini.

" I'll just check her vital signs to make sure that there aren't any complications with her." Pagkatapos ay hinawakan ng manggagamot ang aking kamay, tila sinusuri niya ang aking pulso. Tapos ay inilapat niya ang daladala niyang kagamitang mangmedisina sa aking dibdib. At ang huling ginawa niya ay itinutok niya sa aking mga mata ang isang maliit na pahabang bagay na may napakaliwanag na dulong bahagi.

" I'm really glad na gising na talaga si Mandy. No one here expected na magigising pa siya pagkatapos niyang ma comatose for almost six months already. Miracles do really happen. I guess you should call her dad to inform him na gising na si Mandy." Nakangiting sabi ng manggagamot habang nakatitig sa akin.

" Thank you po Doctor Reyes, thank you po dahil hindi kayo nag give up kay Mandy. Salamat po ulit." pagkasabi ng kakaibang babae niyan ay niyakap niya ang manggagamot na tinawag niya sa pangalang doktor Reyes kanina.

" You're welcome Lorena, I think kaya nagising si Mandy ay dahil din sa inyo, sa mga taong walang sawang nagmalasakit para sa kanya." Ilang saglit lamang ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto, may isang lalaking halos hindi nalalayo ang edad kay doktor Reyes ang nagmamadaling pumasok.

Napansin kong may mga namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Agad niya akong nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. Animo'y sabik na sabik siyang yakapin ako. Hindi ko man siya lubusang kilala ay ramdam ko kung gaano siya kasayang makita ako ngayon. Pakiramdam ko ay muli akong hinagkan ng aking ama, katulad ng ginagawa niya noon kapag matagal kaming hindi nagkikita sa tuwing lumuluwas siya papuntang Maynila. " Mandy! Thank God at gising ka na anak ko!" agad akong kumalas mula sa kanyang pagkakayakap dahil sa kaniyang sinabi.

"Anak ko? Tila nagkakamali po yata kayo ng akala, hindi po ako ang anak ninyo at mas lalong hindi rin po kayo ang aking ama." Pagtutol ko sa kanyang sinabi kanina.

" Mandy? What are you talking about? Ako ito, ang daddy mo. " Halatang nabigla siya sa kaniyang narinig.

" D-Da-di?" nauutal kong tanong.

" Oo, ako ito anak, ang daddy Ian mo." Pilit niya akong kinukumbinsi na siya daw ang aking ama. Ngunit hindi, dahil kahit na sa papaanong anggulo man ko siyang tignan ay ibang iba talaga ang kaniyang itsura sa aking amang si Don Lorenzo. Mas balingkinitan ang kaniyang katawan at di hamak na mas bata kumpara kay ama na mas matanda sa kaniya. Pareho man silang disenteng manamit ay mas prominente pa rin ang dating ng aking ama." Ngunit Lorenzo po ang pangalan ng aking ama, baka nagkakamali lamang kayo."

" Mandy? Are you alright? Ayos ka lang ba talaga? Alam mo, sa 20 years na pagiging magbestfriend natin e sigurado akong si Tito Ian ang tatay mo. Who the heck is Lorenzo?" sarkastikong iwinika ng kakaibang binibining di ko mawari kung nanggaling nga ba sa Europa.

Nakita ko namang humarap si ginoong Iyan kay doktor Reyes habang halatang naguguluhan sa nangyayari. " Doc, are you sure na ok lang ang anak ko? Bakit hindi nya ako marecognize?" tanong niya rito.

" Mr. Santiago, I've already checked your daughter's vital signs ang wala naman akong nakitang mali sa kanya. Maybe she's just experiencing hallucinations because kakagaling lamang niya sa pagkacomatose. I think naguguluhan lamang sya dahil matagal tagal rin syang unconscious at hindi alam ang mga nangyayari around her. "

With Love, LauraWhere stories live. Discover now