KABANATA 8

1K 35 0
                                    

Dumating si Ginoong Iyan galing sa kaniyang trabaho bago pa man tuluyang dumilim sa labas. Inihanda na niya ang aming magiging hapunan ngayong gabi. Sabi ko sa kaniya ay hayaan niyang ako na lamang ang mag-asikaso ngunit hindi niya ako pinayagan dahil kailangan ko pa raw magpahingga sa ngayon. Ipina-alam ko na rin sa kaniya ang balak ni Binibining Bes na makitulog dito ngayong gabi. Pumayag naman agad si Ginoong Iyan.

" Talaga? Oo naman, ayos lang sa akin na mag-overnight si Lorena dito. Matagal tagal nyo rin namang hindi nakasama ang isa't isa.Tanda ko pa nung last time kayong nag-overnight dito, ang saya sayo nyo nun. Tsaka syempre, you also need to catch up kung ano na ang nangyayari. " sabi niya habang patuloy sa paghahanda sa hapag kainan.

" Salamat po D-dad. " masaya kong tugon sa kaniya.

" You're always welcome anak. Anong oras nga daw pala dadating si Lorena? " tanong niya ulit sa akin.

" Ang sabi po niya kanina ay tatawagan nalang daw po niya ako kapag malapit na siya dito. " sagot ko sa kaniya tapos ay umupo na ako sa tapat ng mesa.

" Ah ganun ba? Ang mabuti pa siguro ay kumain na muna tayo para pagdating ni Lorena ay tuloy-tuloy na kayo sa mga gagawin ninyo. " naupo na rin siya sa tapat ng kainan at nag umpisa na kaming kumain. Nagdasal muna kami at nagpasalamat sa mga biyaya ngyong araw na ito.

Kumain na kami ng hapunan, kaldereta ang ulam na inihain ni Ginoong Iyan ngayong gabi.

Napakasarap nito at masasabi kong isa ito sa pinakamasasarap na luto ng kaldereta na aking natikman sa buong buhay ko. Pagkakain ay agad na akong umakyat sa itaas pabalik sa silid. Maya maya pa ay tumawag na si Binibining Bes at ipinaalam na malapit na siyang makarating. Sabi din niya ay may dala siyang 'pitsa' at 'siyahuwarma'. Hindi ako pamilyar sa mga bagay na iyon ngunit sinabi niyang siguradong magugustuhan ko ang mga iyon.

Lagpas alas otso na ng gabi ng dumating siya sa amin. Pinapasok siya ni Ginoong Iyan at pinaakyat na diretso sa silid ni Binibining Mandi.

" Ms. Laura! I'm back! " pasigaw niyang sabi pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

" Magandang gabi Binibining Bes, maligayang pagbabalik. " bati ko sa kaniya. Inilapag naman niya sa mesa ang mga bitbit niyang pagkain. Nakita ko na mukhang nabigla siya sa kaniyang nakita. Marahil ay napansin niyang mas malinis na ang silid kumpara sa dinatnan namin kahapon.

" Mukhang naglinis ka yata Ms. Laura ha? Sipag."

" Wala lamang akong magawa kanina kung kaya ay naisipan mong maglinis sandali. Natutuwa naman ako na nasiyahan ka sa aking ginawa. "

" Sus, pahumble ka pa hahaha. Ang mabuti pa kumain nalang tayo, gutom na ako e. " pag-aaya niya

" Mauna ka ng kumain Binibining Bes, busog pa naman ako dahil kakakain ko lamang ng hapunan. "

" Ow key, kainan na hahaha. "

Masiglang kumain si Binibining Bes at mukhang gutom na gutom talaga siya gaya ng kaniyang sinabi. Matapos ang ilang minuto ay naisipan ko na magtanong sa kaniya.

" Mawalang galang na Binibining Bes, maaari ko bang malaman kung bakit parang gutom na gutom ka? " pagtatanong ko sa kaniya. Tuloy tuloy naman siya sa pagnguya habang sinasagot ang tanong ko.

" Nagrerevise kasi kami ng thesis eh, alam mo na, thesis is layp kasi. Tsaka alam mo namang mabuting estudyante kaya ako. "

" Nakakatuwa namang malaman na pursigido ka talaga sa iyong pag-aaral Binibini, ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa. "

" Ikaw talaga Ms.Laura, masyado mo kong pinupuri haha bigyan kita ng piso dyan e. Haha ikaw naman kaya ang magkwento Ms. Laura, gusto kong malaman yung buhay mo, yung panahon dati. Nakakacurious kasi e, tsaka pati na din yung love story ninyo ni Mr. Manuel haha nakakaintriga e. "

With Love, LauraOnde histórias criam vida. Descubra agora