FIFTY THREE

4.3K 90 3
                                    

#KMMB

"WELCOME TO PHILIPPINES !"

Gusto kong lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan. Kung pwede ko lang ihambalos kay Decimo at Shawn ang maletang hawak ko , ginawa ko na. Pero pagod ako , inaantok pa.

Kaya pala hindi ko na nakita sa California ang isang 'to kasi nauna na . Sinalubong kami ni Decimo sa airport.

Kung makasigaw siya ng 'WELCOME TO PHILIPPINES' e' akala mo dayuhan ang mga sinalubong niya . Ang kaso , Pilipino kami , pare-pareho. Nagpasabog pa siya ng confetti kaya lalo lang akong nahiya sa mga taong nakakakita ng pinaggagawa nilang mag-pinsan .

Sa Makati ang tinitirhan ng mga pinsan ko , sabi kasi ni Tita na doon daw muna ako tumuloy malapit sa mga pinsan ko . Isa pa , nasabi na rin daw niya iyon sa magkakapatid at inaasahan na ako doon.

Buti nalang at sa Makati din ang condo unit na tutuluyan nila Shawn. Kaya naman ng makarating kami sa nasabing unit , ang paghiga sa kama ang una kong ginawa . Baka bukas nalang ako pumunta sa magkakapatid na Watson.

Kailangan ko rin pala dumalaw kay Zahra . Hindi ko nasabi kay Danica na nasa bansa ako ngayon . Pero baka saka nalang din , inaantok na kasi ako .

"Fuck I'm tired." naramdaman kong humiga din si Shawn sa kama . Hindi ko nalang siya pinansin . Niyakap ko ang unan at tumalikod sa kanya .

"Fuck !" sabay kaming napasigaw ni Shawn dahil sa biglaang pagdagan sa amin ni Decimo . Tawa naman siya ng tawa habang kami ni Shawn pinagtulungan siyang itulak hanggang sa mahulog siya sa kama.

"I'm tired Dec , patulugin mo muna ako." reklamo ni Shawn saka humiga at nagtalukbong ng kumot .

"I'm out of your business , let me sleep." humiga na din ako at nakitalukbong ng kumot .

Pero mukhang hyper na hyper si Decimo at trip na trip talaga kami ngayon . Hinila niya ang kumot na nakatalukbong sa amin . Sabay na naman kaming napabangon ni Shawn at tinignan siya ng masama .

"Pwedeng matulog muna?" inis na tanong ni Shawn. Umiling si Decimo.

"Pwede huwag niyo ako idamay?" kumukulo na rin ang dugo ko. Bukod sa pagod ako , antok na talaga ako! Masakit ang ulo ko .

"Alas kwatro na ng hapon , if you sleep at this early , baka magising kayo ng hating gabi , mamaya na kayo matulog mas kailangan niyo ng lakas para bukas." paliwanag niya . "Lalo ka na Shawn!" ibinato niya ang kumot kay Shawn .

"Fine !" padabog na tumayo si Shawn at lumabas ng kwarto. Alam niya siguro na hindi titigilan ni Decimo kapag nagpumilit siya matulog.

"Ikaw? Hindi ka tatayo?" nangunot ang noo ko. Bakit ba ako damay dito? Hindi naman ako involved sa gagawin nila .

"Bakit damay ako?"

"You need strength for tomorrow." nakangisi niyang sabi . Lalo naman nangunot ang noo ko . Anong mayroon bukas?

"I know , pupuntahan ko mga pinsan ko at baka doon na ako tumuloy , pero hapon naman ako pupunta Dec , huwag mo ko idamay. Matutulog ako."

"Pero kailangan mo din ako samahan bukas"

"Samahan saan?" kung sakalin ko kaya 'to? Nanakit na ulo ko , pakiramdam ko kapag tumagal na gising ako , makakapatay ako ng tao.

Lalong lumapad ang ngisi niya at umupo sa dulo ng kama . "Show me that girl." tinuro niya ang dibdib ko .

What the !? Pakiramdam ko ay may sumabog na kung ano sa ulo ko . Napakuyom ang kamao ko , gusto ko ng suntukin si Decimo . I want to wiped out his fucking grin !

Keep my mouth busy ✔Where stories live. Discover now