Special Chapter

6.3K 161 18
                                    

#KeepMyMouthBusy
#GoodbyeDyLume

Perfect time , Perfect day , Perfect night , Perfect words for a Perfect person.

Its been a month when Dylan and I started again. Halos araw-araw masaya ako dahil mula pagmulat at pagpikit ko ng aking mga mata , si Dylan ang kasama ko .

Yes , we are living now together . Dylan doesn't like this idea , but I do. I insisted . Sa tagal ng panahon na nangulila ako sa kanya? Ayoko ng magsayang ng oras na makasama siya.

I sold my condo and together , we bought his old house . Nalaman kong ibinenta niya ang bahay niya ng panahon na umalis siya. Thankfully , after years , naisipan din ibenta ng nakabili ang bahay niya . Nag-migrate na daw kasi ang pamilya nito sa ibang bansa . Gladly , nauna kami sa pagbili.

Pinaayos lang namin iyon . Mas pinalaki ng kaunti . Ang gusto sana ni Dylan , ibang bahay ang bilhin namin . Pero syempre , nagpumilit ulit ako. Ito ang gusto kong tirhan , dahil dito sa bahay na 'to , marami akong masayang alaala kasama siya.

Sa bawat araw din na lumipas , mas marami pa akong nalaman sa kanya . Nalaman kong minana na niya lahat ng ari-arian ng mga magulang niya . Kahit ang kumpanyang pinapatakbo ng Tito niya (Daddy ni Ian) ay sa kanya din . But business was not his thing 'daw' , so he let his uncle to handle it. At sa ngayon , si Ian ang magmamana ng posisyon nito sa kumpanya .

He's too rich . Hindi lang halata sa kanya dahil mahilig siya sa simple lang. Hindi rin niya gusto ang makakuha ng maraming atensyon kaya naman mas pinili niyang mamuhay ng tahimik .

And in the other hand , mas nagiging malapit ako sa mga taong naging malapit sa kanya . Especially to her daughter.

Kung dati puro kaibigan ko ang nakakasama niya , ngayon , halos puro kaibigan niya ang kasama ko .

Thrice a week ko din nakakasama si Zahra dahilan kung bakit mas napalapit pa ako sa kanya. She even said that she's accepting me as her second Mom. Nakakatuwa lang isipin na napakaganda ng relasyon namin nila Danica. Kung kinamuhian ko siya dati , ngayon ayokong humiwalay sa kanya. Lalo na't parang siya ang pinaglilihian ko .

Yes , buntis ako. Almost three months na. Kung hindi pa nga dahil kay Dylan , hindi pa ako nagpa-check up para makumpirma na buntis ako. Nakakahiya pero mas naunang napansin ng mga taong nakapaligid sa akin na nagu-umpisa na akong maglihi kaysa sa akin ! Sa sarili ko.

Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit gusto kong kasama si Danica. She's always teaching and giving me an advice that I should know. Minsan , to the rescue rin si Carly . One time din , umuwi pa ng Pilipinas si Hailey at Ian para lang i-congratulate ako . Na-excite daw si Hailey na makita ako , lalo na at parehas kaming nagbubuntis sa unang anak namin. Kabuwan na niya ngayon .

Everyone is happy . From my friends , workmates and my family. Lahat sila masaya . Tuwang-tuwa lalo na sila Mama at Papa dahil daw sa tagal ng panahon , sa wakas ay magkaka-apo na sila.

Pero kung tutuusin , pwede na sana silang magkaapo pero pinigilan nila sina Aira at Dio na nauna ng nakasal kaysa sa akin .

"Nauna na silang nagpakasal , dapat ay huwag ka na nilang unahan na magkaanak." katwiran ni Mama ng tanungin ko kung bakit niya pinigilan si Dio at Aira sa paga-anak.

Kaya naman pala excited si Dio na magkabalikan kami kay Dylan , matagal na raw nito planong buntisin si Aira , kaso ay hindi niya magawa .

And now , he's very ecstatic when he found out that I'm already pregnant. Halos araw-araw pa siyang nagdadala ng prutas sa bahay para daw masiguradong healthy ang Baby ko . As if naman na Baby ko lang talaga ang inaalala niya . Malamang may hidden agenda niya dahil siguradong kapag naipanganak ko na ang Baby ko , gagawa na agad siya ng kanya . Tsk . Galawang Garpidio Deux Coronel !

Keep my mouth busy ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora