"Bilisan mo Sahania!! Dali!!!" halos pasigaw na sabi ni Marykay sa kanya.
Hingal na hingal si Sahania sa pag-akyat ng napakaraming hagdan papunta sa gymnasium ng Unibersidad.
Bakit ba kasi kahit saan ka tumingin sa Baguio ay hindi maiwasan ang napakaraming hagdan?
Idagdag pa ang mga matatarik na daraanan kapag naglakad ka lang sa kalsada.
Kailangan nilang habulin ang laro ni Jadiel dahil may basketball tournament ang varsity ng eskwelahan nila at ang University of the Cordillerans.
Linggo ng araw na iyon at kinailangan pa munang magsimba ng dalaga at magserve ng alas diyes dahil Glee Club ang kumanta sa misa ng parish nila.
Sakto namang nagsimba rin ng ganoong oras si Marykay dahil katulad niya ay hindi pupwedeng hindi sila makapagsimba kapag linggo.
Nauna na ang ibang mga kaklase nila sa gymn.
Hindi magkamayaw si Sahania dahil sa sobrang paghingal na ginagawa niya.
Pagod na pagod na siya at pinagpapawisan.
Tinignan niya ang hawak hawak na bimpo at tubig.
Parang gusto niyang uminom at ipamunas ang bimpo sa pawis niya ngunit pinigilan niya ang sarili.
Umaasa kasi siya na makalapit sa grupo nila Jadiel at maiabot niya ang mga ito sa binata.
"S-sahaglit lang tohl.." nag-uunahang paghinga ang ginawa ng dalaga ng iupo niya saglit sa isa sa mga hagdan.
"Tol! Si Jadiel to! Kailangan nating makaupo malapit sa grupo nila! Kailangan mong ipakita yung suporta mo! Malay mo baka mapansin ka na niya ngayon! Sige ka maunahan ka na naman ng bruhitang ex-bff mo!" nagmamaktol na sabi ni Marykay.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Sahania.
"Okay. Let's move! Aja!" malakas na sabi niya at muling tinahak ang hagdan paakyat sa gymnasium.
Masakit man sa kanya ang mga nangyari pagkatapos ng musical play nila ngunit kahit anong mangyari ay hindi kayang magalit ni Sahania kay Jadiel.
Napagisipan niya nalang na siguro nga ay hinding hindi talaga siya mapapansin ni Jadiel at kailangan niyang tanggapin na hanggang tingin at pangarap na lamang siya sa binata.
Pakiramdam niya tuloy ay para siyang brokenhearted na kailangan mag move-on kahit hindi naman naging sila.
Kahit na ganoon ay nagpasya siya na suportahan parin silently ang binata kahit na hindi nito alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman dito.
Titignan at mamahalin na lamang niya ito sa malayo.
Biglang tumigil muli si Sahania sa pagakyat ng hagdan para lang huminga ng malalim at paulit-ulit.
Ang hirap talaga kapag hindi ka sanay na umakyat sa mga hagdan.
Taliwas sa kanya ay sanay na sanay kasi si Marykay sa mga matatarik na lakarin at mga hagdanan dahil tubong Baguio ito.
Kahit na maraming bundok sa kanila at bilang isang probinsiyana ay hindi sanay maglakad sa hagdan si Sahania.
Lumakas ang loob ni Sahania pagkarinig ang hiyawan ng mga tao na nasa loob ng gymnasium.
Ito ata kasi yung parte kung saan ipapakilala isa-isa ang mga manlalaro.
Kahit hingal na hingal ay binilisan ni Sahania ang pagtakbo papasok ng gymnasium kasunod ni Marykay.
Saktong pagpasok ng dalawa sa gymnasium ay nabalutan sila ng nakakabingi na sigawan at malakas na tinig ng announcer.
"And here comes the campus heartthrob wearing jersey Number 14. The very handsome rookie of Santa Lucia University (SLU).. Jadiel Rosario!!"
Kitang kita ni Sahania ang mga nagsitayuan at nagtatalunan na mga kababaihan sa bandang upuan ng mga SLU students na hindi magkamayaw sa kakasigaw at kakatili.
Lalong lumakas ang hiyawan ng pagdating sa gitna ng court ay kumaway ang binata sa mga iyon.
Hindi mapigilan ni Sahania ang sarili na pagmasdan ang binata sa malayo.
Iniisip niya kung papaano niya kaya magagawang mahulog ang loob ng binatang ito na halos pinapangarap ng lahat samantalang siya ay parang invisible lang para dito.
'Ayan ka na naman Sahania. Umaasa ka na naman.' pinagalitan niya ang sarili na muli na namang nangarap na sana ay magustuhan parin ng binata.
Nagpasya silang iikot ang paningin.
Nakita nila ang mga kaklase na kumakaway sa bandang likuran sa may bandang bench ng mga nakasuot ng blue na jersey at mga banners ng SLU at tinuturo nina Roseanne at Mae-ann ang mga bakanteng upuan na nilagyan nila ng mga bag para maireserve sa kanila.
Nagmadali silang lumapit at umupo sa kung nasaan ang mga kaibigan.
May mga nakaupo sa banda roon na tumitingin sa kanila dahil kailangan nilang isiksik ang sarili nila sa mga nakaupo para lang makadaan.
"Grabe! Akala namin hindi niyo na masisimulan yung game!" salubong ni Roseanne sa kanilang dalawa.
"Sorry katatapos lang kasi ng misa." paliwanag ni Sahania.
Dahil sa sobrang ingay sa loob ay halos magsigawan sila upang marinig ang isa't-isa.
"Sus! Pwede ba namang hindi simulan ni Sahania tong game eh yung love of her life ang isa sa mga maglalaro!" natatawang sabi ni Bryan na siniko naman ni John sa tagiliran upang matahimik.
Nginitian lang ito ni Sahania bilang tugon sa sinabi nito.
Nagpasya siyang tumingin sa baba sa may bandang bench ng mga players at nakita niya sa bandang likuran ng ibang players at coach ng basketball team ng SLU sina Diane, Clara, Tiffany at Sophie.
Nanliit ang mga mata ni Sahania.
Kahit kailan talaga eh nakakagawa lagi ng paraan si Diane at pati sa laro ni Jadiel ay nakahanap agad ito ng malapit na spot sa tabi ng mga players.
Summer class na nila ng panahon na iyon.
Sa susunod na semester ay Third Year College na siya.
Hindi siya makapaniwala na ganun kabilis ang panahon.
Matatapos na ang pangalawang taon niya sa kolehiyo.
Masayang masaya siya dahil nung isang araw ay ibinalita ni Roseanne sa kanya na nakapasok siya sa Dean's List sa taong ito.
Si Roseanne ay naging Top 11 na ngayon at si Marykay naman ang bumaba ang rangko at naging Top 18 samantalang nakapasok naman si Sahania sa Top 20.
Malayo pa ang mararating niya ngunit masayang masaya parin si Sahania.
Mas naging masaya naman ang mga magulang niya sa nalaman.
Nagpapasalamat na din si Sahania na kahit papaano ay may magandang kahantungan ang pagka-in love niya kay Jadiel.
Nagpursige siyang ayusin ang sarili at mas pagbutihan pa ang pag-aaral.
Pinatunayan niya na hindi totoong napapabayaan ang studies oras na mainlove, imbes na maging kahinaan ay ginawa niya itong susi para umayos ang studies niya.
Dumami rin ang kanyang mga tagahanga at manliligaw.
May mga nagbibigay palagi sa kanya ng regalo at mga nag-iiwan din ng mga chocolates, flowers o kung anu-ano pa sa locker at sa upuan niya.
Kahit naman anong pagpupursige ng mga ito ay hindi parin ma-aapreciate ni Sahania.
Iba kasi ata talaga kapag meron ng nagmamay-ari sa puso mo.
Nakareserve nalang at parang hindi mo na napapansin ang iba dahil iisa lang ang pinagtutuunan mo ng pansin kahit hindi ka naman napapansin ng mahal mo.
Naiisip tuloy minsan ni Sahania kung ganoon din si Jadiel.
Hindi kaya ay may nagmamay-ari na ng puso nito kaya hindi ito namamansin ng ibang babae?
"Shoot!!!!!!"
Napabalikwas si Sahania ng marinig ang nakakabinging boses ni Marykay sa tabi niya.
Parang muling bumalik sa katotohanan ang dalaga at nag-focus sa laro.
Hindi siya mahilig sa basketbol at marami siyang hindi naiintindihan basta ang alam lang niya basta pumasok ang bola sa basket ay puntos iyon.
Sa bawat pagkakataong mahahawakan o maaagaw ni Jadiel ang bola ay bumibiis ang pagtibok ng puso ng dalaga.
Point Guard kasi si Jadiel sa varsity nila.
Hindi man alam ni Sahania kung ano yun basta alam niyang mabilis kasing mang-agaw ng bola ang binata.
Kabadong kabado siya at lagi niyang pinagdadasal na sana ay hindi mapano ang binata sa tuwing babantayan ito ng mga kalaban.
Dumating ang oras na magfi-free throw ang binata.
Kailangan nitong maipasok ang bola ng dalawang beses sa basket.
Hawak-hawak na ni Sahania ang dalawang kamay malapit sa dibdib na tila nagdadasal sa sobrang nerbiyos.
Lahat sila sa bandang upuan ay sumisigaw ng 'Shoot' sa abot ng kanilang makakaya.
Nagdribol dribol si Jadiel at akmang iso-shoot ang bola pagkatapos ay magdidribol ulit.
Hanggang sa tuluyan nitong tinira ang bola. Pasok. Palakpakan ang lahat.
Isang beses pa at muling iso-shoot ng binata ang bola.
'"Jadiel!! Shoot!!!" parang gustong mairita ni Sahania dahil sa lumilitaw na boses ni Diane.
Ayaw naman niyang magpatalo.
Nagsisigaw din siya sa abot ng kanyang makakaya.
"Go Jadiel!!!! Shoooooooottttt!!!!" halos pumiyok na ang boses ni Sahania sa pagsigaw.
Tumingin naman sa kanya ang grupo nila Diane at inirapan niya lang ang mga ito.
Tinignan siya ng masama nila Diane ngunit natawa si Sahania nang makita niya sila Mae Ann at sila Shimie na dumidila sa mga ito.
"In your face!" dinig na dinig ni Sahania ang boses ni Aisa na tila naghahamon pa ng suntukan sa mga ito.
"At itinapon ang bola.. SHOOOOTTT!!!!" malakas na sigaw ng announcer.
Biglang talunan at sigawan ang lahat sa banda nila.
Matapos ang second quarter at magpapahinga ang mga players kapag may time-out ay mas lalong nanggigigil si Sahania dahil lalapit si Diane kay Jadiel upang abutan ito ng maiinom na siyang tinanggap naman ni Jadiel.
Ang matindi pa ay titingin pa talaga sa kanya si Diane na akala mo nananadya.
Malulungkot nalang si Sahania at titignan ang dalang maliit na bimpo at tubig.
"Bwisit talaga yang babaeng yan. Nananadya pa talaga eh." naiinis na sabi ng intsik niyang kaibigan na si Roseanne na halos nakapikit na sa matinding inis at matalim na tingin kay Diane.
"Hayaan mo na." malungkot na sabi ni Sahania dito.
Mga matitindi pa munang laban at malapitang scores sa bawat grupo ang nangyari.
Sa kada panahon na lamang ang score ng kalaban ay puros dasal ang ginagawa ng dalaga.
Hanggang sa dumating ang pinakahuling quarter at malapit ng matapos ang oras ng laro.
Parehas ang score ng dalawang grupo.
Makikita mo ang matinding tensiyon dahil sa kabadong itsura ng coach nila Jadiel.
Ilang oras bago matapos ang laro ay muling naagaw ni Jadiel ang bola sa kalaban at ipinasa ito sa malayo kung saan naroon ang kakampi na agad namang nag-shoot. Pasok ang bola. Three points!
Saktong tumunog ang time. Tapos na ang laro at panalo ang grupo ng SLU.
Tuwang tuwa ang lahat at pati ang coach ay napatalon pa sa kagalakan at napasuntok sa hangin sa sobrang saya.
Nagsisialisan na ang lahat ng magsalita si Mae ann.
"Tol! Ibigay mo na yang hawak mo kay Jadiel ah, dali!!" pagbubusisa sa kanya ng kaibigan.
Agad na tumayo si Sahania at bumaba patungo sa bench ng mga players.
Hindi mahagilap ng mata niya si Jadiel dahil sa mga dumaraan na tao.
"Sahania!!" nagalak ang dalaga pagkakita kay Mara at Jedi na papalapit.
"Hello! Nanunod din kayo?" masaya niyang tanong sa mga ito.
"Oo naman. Varsity din kasi yung boyfriend ko." masayang sabi sa kanya ni Jedi at itinuro ang lalaking nakasuot ng jersey katulad din ng uniporme nila Jadiel.
Kumaway naman ito pagkakita sa kanila.
"Boyfriend ko pala yun, si Jerry. Mas matanda lang ng isang taon sa atin." muling sabi ni Jedi.
"Subukan mong sumama samin manuod tayo ng practice nila Kuya Jerry minsan!" masayang sabi sa kanya ni Mara.
Tumango nalang si Sahania bilang tugon at muli niyang iniikot ang paningin upang hanapin si Jadiel.
"Hi!" nagulat si Sahania sa ginawang iyon ni Rio pagkalapit ng mga kaklase sa kanya.
Kadalasan kasi ay nagsasalita lang ito kapag may pang-aalaska na lalabas sa bibig nito.
Lumapit ang mga kaklase niya sa kanilang tatlo.
Kitang kita ni Sahania ang malagkit na tingin ni Rio kay Mara na parang gusto niyang asarin ito ng makaganti man lang sana.
"Jedi!" malakas na tawag sa kanila ng pinakilalang boyfriend daw ni Jedi at agad naman silang lumingon.
"Sige Sahania. Mauna na kami at kakain daw kami sa labas." paumanhin ni Jedi sa kanya.
"Sorry. Sasama kasi ako sa dalawa. As usual, third wheel." kibit-balikat namang sabi ni Mara at saka sila umalis.
"Sinong mga yun?" tanong ni John pagkaalis ng dalawa.
"Mga kasama ko sa choir." sagot naman ni Sahania.
"Grabe, di mo man lang kami pinakilala." tipong nagtatampo na sabi ni Rio.
"Sorry ipapakilala ko naman sana kayo kaso nagmamadali sila eh.At ikaw Rio, kitang kita ko pano ka tumingin ke Mara ah!" sabi ni Sahania dito at tinapik ang balikat.
"Grabe tol! Na-love at first sight ako!" sabi naman nito na hawak pa ang dibdib.
"Sus! Andami mong alam Rio!" sabi ni Marykay na natatawa.
"Tol? Nahanap mo na siya?" biglang tanong ni Mae Ann at saka muling inilibot ni Sahania ang mga mata.
Nang mahagilap na niya ang binata ay nanlumo lang siya ng makitang katabi na nito si Diane at pinupunasan ang pawis nito.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib.
Lagi nalang siyang one step late.
Lagi nalang siyang nauunahan ni Diane.
Malungkot niyang tinitigan kung paano punasan ni Diane ang pawis ni Jadiel at naglagay pa ng bimpo sa likod ng binata.
Sa tingin ni Sahania ay mukhang masaya naman ang binata.
Para silang masayang magkasintahan habang siya naman ay nakatanaw lang sa mga ito na sobrang nasasaktan.
"Tara na tol." naramdaman niya ang paghawak ni Marykay sa balikat niya na tila naawa sa itsura ni Sahania pagkakita sa dalawa.
Kahit mabigat sa loob ay nagpasya siyang iwan nalang sa bench sa harapan niya ang maliit na puting bimpo at tubig na hawak hawak niya.

YOU ARE READING
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...