"Standby lang muna. Tayo na ang susunod!!"
Narinig ni Sahania na sigaw ni Mr. Bautista.
Kasalukuyan silang nag-aantay na umakyat ng stage.
Naunang ipalabas ang quartet.
Apat na lalaki ang sasali.
Magaling ang quartet nila at mga dating sumasali na sa mga solo contests kaya kampante silang makukuha nila iyon.
Sumunod ang Duet na sinalihan ni Jedi at ng partner nito.
Kinabahan ng kaunti si Jedi kaya may namali siyang note at pinagdadasal nalang nila na sana ay hindi iyon napansin ng judges.
Lahat ng kanta ay kanya-kanya maliban sa solo na may background chorus sa likod.
"Ayos ka lang, Sahania..? Wag kang kabahan ah..? Hit the notes.." mariing sabi sa kanya ni Mr. Bautista.
"Y-yes, Sir." sagot niya dito.
Biglang may bumunggo sa kanya.
Lumingon siya at nakita ang nakangiting si Daniel.
Gwapong-gwapo ito sa suot na formal attire.
"Wag kang masyadong mag-isip at mas lalo ka lang kakabahan. Ako na ang nagsasabi sayo, they will love your voice." sabi nito sa kanya.
Ngiti lang ang sinagot niya sa binata.
Ilang taon ng kumakanta si Sahania at kadalasan ay puro solo ang kinakanta niya kaya masasabi mong beterano na siya sa mga ganitong performances pero hindi.
Kahit ilang beses na siyang nagperform ng solo ay lagi parin siyang kinakabahan.
Hindi parin nawawala ang kaba niya lalo na kapag alam niyang maraming tao ang manunuod.
Nakailang solo na din siya sa mga concerts ng Glee Club kaso hindi niya talaga matanggal ang kaba kapag nasa harap na siya ng stage.
Apat na ang schools na nagpeperform sa pagkakataong iyon at lahat sila ay magagaling lalong lalo na ang Baguio University.
Antaas ng boses ng babae at kulang nalang ay standing ovation ang mangyayare.
"Next, we have Santa Lucia University!! Please give them a big hand!!!"
"Goodluck." bulong sa kanya ni Daniel.
Huminga ng malalim si Sahania bago siya tumungo sa stage.
Dahan-dahan siyang umakyat.
Ilang malalalim na paghinga din ang ginawa niya hanggang sa makarating siya sa gitna ng stage.
Bigla siyang napangiti.
Judges lang ang mga nakikita niya dahil sa lakas ng ilaw na naka focus sa kanya.
Dahil hindi niya nakikita ang mga taong nanunuod ay nabawasan ang kaba niya.
Lumingon siya sa likod at naayos na ng mga kasama niya ang formation nila.
Ngumiti at tumango sa kanya si Mr. Bautista na magka conduct sa choir.
Nagsimulang tumugtog ang orchestra.
Ipinikit ni Sahania ang mga mata pagkarinig niya ng "ooing" ng mga kagrupo niya.
Huminga siya ng malalim, itinaas ang mikropono at saka kumanta.
Habang kumakanta si Sahania ay napapapikit-pikit siya at dinadama ang melody ng kanta.
Tahimik lang ang mga judges na nakikinig.
May mga taong naroon na magbubulungan at humanga sa boses ng dalaga.
May iba naman na napapangiti at napapapikit ang mga mata habang dinadama ang mensahe ng kanta.
Pagkatapos niyang kumanta ay palakpakan ang lahat at makikita mong may mga nagsitayuan habang naghihiyawan naman ang mga masasabi mong mga estudyante ng SLU na andun para suportahan sila.
Pagkababa nila ng stage ay niyakap siya ng mga kasama niya sa Glee Club.
"Good job." sabi ni Mr. Bautista sa kanya na may kasama pang pagtapik ng balikat.
Napangiti nalang si Sahania kahit hindi niya sigurado kung naging maayos ba ang pagkanta niya.
"See? Sabi ko naman sayo eh." pakindat kindat namang sabi ni Daniel.
"Ang galing mo girl!" halos sabay namang sabi nila Mara at Jedi.
Natapos ang dalawa pang schools para sa solo.
Nag-aantay nalang sila para sa mismong competition ng choir.
"Sahania!!"
Napalingon si Sahania sa mga tumitili at nakita niya ang mga kaklase.
Naka-thumb's up ang mga ito na tila sinasabi na ayos na.
Ngumiti siya at kumaway sa mga ito.
Inikot-ikot niya ang paningin dahil kanina niya pa hinahanap ang mga magulang.
Hanggang sa nakita niya nga ang mga ito na nakatayo sa bandang gilid.
Lumapit siya kay Mr. Bautista para magpaalam.
"Sir, puwede po bang lapitan ko muna parents ko saglit lang?" tanong niya dito.
"Sahania, pang lima tayo sa magpeperform di ka dapat lumayo." paalala nito sa kanya.
Tinuro ni Sahania ang mga magulang at tumango naman ang trainer niya pagkatapos.
"Rita! Ma! Pa!" tawag niya sa mga ito.
"Bakit kayo nakatayo dito sa gilid? Wala ba kayong upuan?" nagtatakang tanong niya sa mga magulang at pinsan.
"Naku, kanina ko pa nga inaantay sila Tita. May nireserve nako kanina na upuan kaso nag-alala ako ta antagal naman nila. So, hinanap ko sila eh pagbalik namin may nakaupo na doon." parang maiiyak na sabi ni Rita.
Hinawakan ng mama niya ang kamay niya.
"Ayos lang kami dito anak. Napanuod naman namin yung solo mo eh. Ang galing galing mo talaga anak."
Nakangiti nitong sabi sa kanya.
"Oo nga! Mana talaga sakin ang anak ko!" proud naman na sabi sa kanya ng papa niya.
"Maghanap po tayo ng uupuan niyo. Medyo matagal pa po ito at may awardings pa." nag-aalalang sabi niya sa mga ito.
"Ayos nga lang kami anak. Magpunta ka na doon at baka hanapin ka ng trainer niyo." pagtataboy naman sa kanya ng kanyang ina.
"Ako nang bahala." nakangiting sabi sa kanya ng pinsan.
Bumalik siya ng stage na titingin-tingin sa mga magulang.
Ilang minuto pa ay tinawag na ang pangalan ng school nila para sa mismong Chorale competition.
Maayos silang umakyat ng hagdan.
Pumuwesto sa gitna si Mr. Bautista bilang choir master na may hawak na stick para mag conduct.
Una nilang kakantahin ang piyesa na binigay sa kanila at saka nila isusunod ang piyesang sila mismo ang namili.
Nang magsimulang tumugtog ang orchestra ay sabay sabay pumasok ang iba-ibang voices.
Nakatutok ang lahat sa pakikinig ng kanta nila.
Nang malapit ng matapos ay biglang pumalakpak ang mga tao at naghiyawan sa mataas na descant na ginawa ni Sahania.
Tayuan ang mga tao at malalakas na palakpakan ang narinig nila pagkatapos.
Malalaking ngiti ang nakapinta sa mga mukha nila pagkababa ng stage.
Napalingon si Sahania sa dating pwesto ng magulang at pinsan pero wala na sila doon.
Dalawang schools pa muna ang kakanta bago i-announce ang mga nanalo pero pinayagan na sila na mamasyal saglit basta magkikita ang lahat sa gilid ng stage kapag na-announce ang awards.
Nilibot ni Sahania ang paningin para hanapin ang pamilya.
"Psst!! Sahania!! San ka pupunta? Game na!" tawag sa kanya ni Jedi.
"Okay na lahat." patango-tango namang sabi sa kanya ni Mara.
Bigla niyang naalala ang plano nilang magkakaibigan.
Ngayong araw na ito ipagtatapat ni Sahania ang nararamdaman niya kay Jadiel.
Pinagplanuhan niya, ni Mara at ni Jedi kasama na din ang mga kaklase niya.
Dahil ginanap ang chorale competition sa isang stadium ay nagplano silang isasara ang practice room na nakalaan sa grupo nila upang doon sila magusap ng binata tutal nasa stadium ang grupo para mag-antay sa awarding.
Napapayag ni Jedi ang boyfriend na si Jerry upang kumbinsihin si Jadiel na pumunta ng araw na iyon.
Mas madali kasing ito ang kumausap sa binata dahil parehas silang varsity ng basketball sa school nila.
Inisip ni Sahania ay mamaya na siguro niya kakausapin ang pamilya dahil sayang naman ang plinano nila ngayon.
"Ano? Ready ka na?" kinikilig na tanong sa kanya ni Mara.
Tumango siya na halos abot tenga ang ngiti.
"Nagtext na si Jerry. Andun na daw sila." sabi naman sa kanya ni Jedi habang masayang hawak ang cellphone.
Lumingon si Sahania at nakita niya ang nakakunot-noo na si Daniel.
Nagmadali siyang umalis bago pa siya mahabol ng binata.
Bago lumiko ay nakita niyang pinara ito nila Mara.
"What's going on?" nagtatakang tanong ni Daniel sa dalawa.
"Ah eh.. Dito ka muna Daniel please..?" kinakabahang sabi ni Mara habang hinaharang ang daraanan ni Daniel.
"Dalian mo!" maingat na sabi ni Jedi kay Sahania bago nawala ang dalaga sa paningin nila.
Nagmadaling pumunta si Sahania sa mga silid sa likod ng stadium upang tumungo sa practice room nila.
Sa isip ng dalaga ay nakokonsensiya siya dahil walang kaalam-alam si Daniel sa nangyayari.
Pinagdarasal nalang niya na sana ay maging maayos ang lahat.
Nadaanan niya si Jerry na nakangiti.
"Andun na siya. Goodluck." maikli nitong sabi.
Nagsabi lang siya ng maikling 'thank you kuya' saka nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang buntong-hininga din ang pinakawalan niya.
Nagsilapitan ang mga kaklase niya sa kanya.
"Tol!!! Andun na siya!!" kinikilig na salubong sa kanya ni Marykay.
"Ready ka na?" tanong naman ni Roseanne.
"Gusto ko pa sanang manuod pero di ko na magawa dahil dito." reklamo agad sa kanya ni Bryan.
"Wag mong pansinin si Bryan, drama niya lang yan." sabi naman ng maliit na si John.
"Dapat may libre kami nito." sabi ni Rio at nagtanguan naman sina Drexelle at Vernon sa sinabi nito.
"Sorry guys. At thank you talaga ng marami." masayang sabi niya sa mga ito.
"Oist tahimik ako today ah." sabi naman sa kanya ni Aisa.
Natawa lang siya sa sinabi nito.
"Totoo yun, di siya masyadong halata ngayon." natatawa namang sabi ni Shimie.
"Kailangan presentable ka pagpasok." sabi sa kanya ni Mae-an at saka inayos ang buhok niya saka pinahiran ng pulbo ang kanyang mukha.
Nakangiti na naglabas muna ng buntong-hininga si Sahania bago buksan ang pinto.
"Wait!"
Natigilan siya sa tawag ni Roseanne na may inabot na puting bulaklak na daisy.
Suot ang ginamit nilang costume sa pagkanta ay nilagay niya sa likuran ang bulaklak saka dahan-dahang binuksan ang pinto.
Tumambad ang nakatalikod na binata na napalingon pagpasok niya.
Nakita niyang ngumiti ito pagkatapos tignan ang itsura niya.
"What's going on..?" tanong nito pagkalapit ng dalaga.
Titingin-tingin sa gilid habang nakayuko na nagsalita si Sahania.
"Jadiel..Hindi ko alam kung papano ko sisimulan to.." kinakabahang sabi niya.
"Matagal na kitang gusto.. Wala akong alam kung papaano nagsimula.. Basta alam ko hindi ka na nawala sa isip ko.. Oo alam ko, babae ako.. Nakakahiya kasi ginagawa ko to, sana hindi ka ma turn-off sakin.. Kakapalan ko na ang mukha ko ngayon para masabi lahat ng ito sayo.. Gusto ko lang malaman mo na ginawa ko lahat para mapansin moko.. Nagpaganda ako, nagpaputi ako, inayos ko yung pag-aaral ko.. Lahat.. Wala akong ibang ginusto kundi mapansin mo ako.. Hindi ko pa ito ginagawa sa tanang buhay ko.. Hindi ko din alam bakit ko ito ginagawa pero isa lang ang sigurado ako.. Mahal kita Jadiel.. Mahal na mahal kita.. Gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko para sayo.."
Pagkatapos ng mahaba niyang sinabi ay inabot niya ang hawak na puting daisy habang nakayuko at hindi parin tumitingin sa binata.
Nakangiti parin siya at kinakabahan habang inaabot ang bulaklak dito.
Natigilan siya at napawi ang kanyang ngiti ng hindi inaabot ni Jadiel ang bulaklak.
Itinaas niya ang mukha at nakita niya ang malungkot na mukha nito.
Ibinaba niya ang inaabot niyang bulaklak at hinawakan ito ng sobrang higpit.
"I-Ibig sabihin ba niyan eh h-hindi moko g-gusto..?" mahina at halos mapipiyok na tanong ng dalaga.
Hindi parin umiimik ang binata.
Walang nagawa si Sahania kundi titigan lang ang bulaklak na hawak hawak ng sobrang higpit.
"M-may mali ba sakin..? Dahil ba may iba ka ng gusto..?" sunod-sunod na tanong ni Sahania habang pinipilit pigilan ang luha na unti-unti ng tumutulo.
"N-Nia.. I-I'm sorry.." mahina at halos pahikbi na sabi ni Jadiel sa kanya.
"Nia? Wag na wag mo nakong tatawagin niyan." pagalit na sabi niya at saka tinignan ng masama ang binata.
Nagulat siya ng makitang may luha na tumulo sa mata nito.
Bakit umiiyak si Jadiel? Anong meron?
"Nia.." tawag ni Jadiel sa kanya na akmang lalapitan siya pero napaatras ang dalaga.
Naglabas ng sarkastikong tawa si Sahania.
"Antanga-tanga ko talaga. Oo nga naman. Ikaw pala si Jadiel Rosario! Sino nalang ba ako para magustuhan mo..?" Puno ng pait ang tinig sa sinabi ng dalaga saka binitawan ang bulaklak na hawak at nagmadaling tumakbo palabas ng silid na iyon.
Narinig niyang tinatawag siya ni Jadiel pero hindi na siya lumingon pa.
"Tol!"
Yun lang ang tanging nasabi ng mga kaibigan niya paglabas niya at makita nilang tumutulo ang luha ng dalaga.
Nagpasya silang sundan ito.
Umupo si Sahania sa tabi ng isa sa mga puno doon at doon nag-iiyak.
"Tol, ayos lang yan. Nandito lang kami para sayo." mahinang sabi ni Marykay at pinunasan ang luha ni Sahania.
"Sahania.. Hindi ko alam kung anong puwede naming sabihin para maging maayos ang pakiramdam mo tol basta andito lang kami para sayo.." parang naiiyak na rin na sabi ni Roseanne.
Nagpunas ng pisngi si Sahania at nagsalita sa kabila ng pagsinghot niya.
"Antanga tanga ko kasi. Umasa pa ako." sabi nito at saka tumulong muli ang luha niya.
"Aanhin mo ba si Jadiel,kay Daniel ka nalang!" sabi ni Aisa na agad sinuway ni Marykay.
"Maganda ka naman tol. Wag mo ng masyadong isipin yun." sabi ni Drexelle na halata mong naawa sa dalaga.
Nang halos tutulo na ang sipon niya ay inabot ni John ang panyo sa kanya.
"Ang sakit sakit kasi... Alam mo yun, ginawa mo na lahat para magustuhan ka ng taong mahal mo pero kulang parin! May mali ba sa akin?!" puno ng hinagpis na sabi ng dalaga saka nagpunas ng luha.
"Walang mali sayo. Nagmahal ka lang." sabi naman ni Mae-ann habang hinihimas himas ang likod niya.
"Tara na. Kailangan ko ng bumalik at hahanapin ako ni Mr. Bautista." sabi ni Sahania at saka tumayo.
"Sure ka ayos ka lang tol?" nag-aalalang tanong ni Shimie.
Tango at pilit na ngiti lamang ang tugon ni Sahania dito.
Napuno ng yakapan ang lugar na iyon.
Pagkatapos pilitin na kumalma ni Sahania ay nagtungo na sila sa loob ng stadium.
Kasalukuyang inaanunsiyo ang mga nanalo.
Panalo sila sa quartet habang pangatlo naman sila sa Duet.
Sinalubong sila nina Mara at Jedi pagkababa ng huli sa stage para kunin ang trophy.
Nang makita ng dalawa na umiyak ang dalaga ay malungkot na niyakap lang nila ito na tila alam na kung anong nangyari.
"And for the solo.. First Place goes to..." simulang sabi ng announcer.
Excited na nag-aabang ang lahat samantalang parang walang pakialam si Sahania.
"Santa Lucia University!! Congratulations!!"
Pagka-announce ng emcee ang nanalo ay nagsitalunan ang mga kagrupo nila kasama na din ang mga kaklase ni Sahania.
"Sahania.."
Parang nagising si Sahania sa tawag ni Mara.
"Ikaw yung panalo beb.." sabi nito sa masayang mukha.
Tumango lang ang dalaga at agad na nagtungo sa stage.
Sa sobrang saya ni Mr. Bautista ay hindi napansin ang malungkot na mukha ng dalaga.
Puros yakap at masasayang bati ang natanggap ni Sahania pagkababa ng stage.
Masayang lumapit si Daniel sa kanya at bigang natigilan ng mapansin ang malungkot na itsura niya na halata mong kagagaling lang umiyak.
"Hey.. Are you okay..? What happened..?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Daniel pagkakita ng namumulang mata niya sa pag-iyak.
"Tears of joy.." singit ni Aisa dito.
Makikita mong hindi matignan ng diretso sa mata ng mga kaibigan niya si Daniel.
Tumango lang ang binata.
"I see. Congratulations." nakangiting sabi nito kay Sahania,
Hindi naman umimik ang dalaga.
Wala siyang ibang nararamdaman ng mga panahong iyon kundi lungkot.
Ni hindi niya makayang ngumiti kahit hawak na niya ang trophy.
Sumunod na inanunsiyo ang para sa choir.
Nakuha nila ang song of choice at pangalawa lamang sila sa piyesa na binigay samantalang panalo ang Baguio University sa piyesa na binigay at pangalawa sila sa song of choice.
"The Overall Champion for the 2017 Baguio Chorale Competition is......." malakas na sabi ng emcee.
Naghawakan ang grupo habang nag-aantay ng resulta.
"Our defending Champion, Santa Lucia University!! Congratulations once again guys!!"
Pagkasabi niyon ay nagsitalunan halos lahat at nagyakapan sa sobrang tuwa.
Makikita mo na si Mr. Bautista ang pinakamasaya sa lahat ng naroon at si Sahania naman ang pinakamalungkot.
Pagkatapos nilang magpakuha ng litrato ay bumaba na agad ng stage si Sahania.
"Anak!!"
Nagpilit na ngumiti si Sahania pagkakita sa mga magulang.
"Congrats anak." masayang sabi ng papa niya.
Agad siyang niyakap ng mga ito.
Nakita niya ang nangungusap na mukha ni Rita habang kayakap ang mama niya.
Malungkot siyang umiling at nakita niyang malungkot din itong naglabas ng buntong-hininga.
"Ayos ka lang?"
Bulong ni Rita sa kanya matapos siyang yakapin.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa pinsan na agad tinapik-tapik ang likod niya.
"Anak, kailangan na naming mauna." paalam ng mama ni Sahania sa kanya.
"Pasensiya ka na anak, may nag-aantay kasing trabaho sa akin. Nagbalikan lang kami para mapanuod ka namin." sumunod na sabi naman ng papa niya.
Biglang nakaramdam ng mas matinding lungkot ang dalaga dahil alam niyang mas kailangan niya ang mga magulang niya ngayon pero pinigil niyang umiyak dahil baka makahalata ang mga ito at hindi na umuwi.
"Salamat Ma, Pa.. Mag-ingat po kayo pauwi.. Tumawag po kayo kaagad kapag nakauwi kayo.." malungkot na sabi niya dito.
Sabay silang tatlo na nagyakapan.
"Nga pala anak, nakita namin si Diane kanina. Nagkita na ba kayo..? Ayusin niyo na nga ang tampuhan niyo hindi na kayo mga bata." biglang singit ng mama niya.
Tinignan ni Sahania si Rita at nagkibit-balikat lang ang pinsan.
"Sige na po ma, pa.. Punta na kayo at baka po maiwan kayo ng bus. Love you po." sabi niya nalang sa mga ito.
Malungkot na pinanuod ni Sahania ang pag-alis ng mga magulang.
"Anong ginagawa ni Diane dito?" nagtatakang tanong niya sa pinsan.
"Malay ko sa bruhang 'yon. Pinagdasal siguro na matalo ka. Sorry nalang siya at nanalo ka." sabi naman ni Rita.
Inikot ni Sahania ang paningin sakaling makita si Diane pero hindi niya ito nahagilap.
"So, ano ng plano mo niyan? Sigurado ka bang ayos ka lang..?" malungkot na tanong ni Rita kay Sahania.
Hindi man nito sabihin pero halatadong naaawa ito sa pinsan niya.
Magsasalita pa sana si Sahania nang makita na papalapit si Daniel at nakasunod sa likod nito si Jadiel.
"Guys, where are you going? Do you want to join us? Balak naming kumain sa labas to celebrate. Kailangan mong sumama Sahania kasi nanalo ka sa solo." masayang sabi ni Daniel sa kanilang dalawa.
Nagtinginan silang magpinsan.
Umiwas ng tingin si Sahania kay Jadiel na kita mo paring ang lungkot ng mukha at titig na titig sa kanya.
"Hindi na siguro Daniel." sabi nalang ni Rita dito.
"Ihatid ko na kayo." sabi naman ni Daniel sa kanila.
Tatalikod na sana sila nang may babaeng lumapit.
"Jadiel! Daniel!" masayang tawag nito sa dalawang binata.
Nanliit ang mga mata ni Sahania pagkakita dito.
Isang matangkad na babae na unat ang mahaba nitong buhok.
Maputi at maganda ang katawan.
Pagkalapit nito ay agad nitong hinalikan sa pisngi si Jadiel.
Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya.
Hinalikan din nito sa pisngi si Daniel at wala lang sa kanya pero parang gusto niya itong sabunutan dahil sa paghalik nito sa pisngi ni Jadiel.
"I miss you guys so much! Akalain mo yun nandito lang tayo sa Baguio but we often see each other! Please give my regards to Hannah. Busy na kasi ako sa duty ko. Alam niyo naman na, buhay nurse." nakangiti nitong sabi.
"Daniel I can't believe you joined Glee Club! You guys are awesome! Congratulations! Jadiel, I have something to ask you." sabi nito at saka hinila ang binata palayo sa kanila.
Tumingin muna si Jadiel kay Sahania bago sila nakalayo.
Kitang-kita ni Sahania kung paano makadikit ang babae kay Jadiel.
Hindi nila naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa kundi puro masasayang tawanan lang ng mga ito.
Ilang beses din itong yumakap at humalik sa pisngi ni Jadiel na siya namang pinanggigilan ng inis ni Sahania.
Pakiramdam ni Sahania ay sasabog na ang dibdib niya sa pagtitimpi.
'Ang landi!! Ang sarap sabunutan!!' sa loob-loob niya ay para na niyang pinatay yung babae.
"Sahania?" tanong sa kanya ni Daniel na tinignan din ang kanina pa tinititigan ni Sahania na dalawang nag-uusap.
"Sino yung babaeng yon?" matigas na tanong ni Sahania kay Daniel.
Natawa ang binata sa tanong niya dahil halatado mong may bahid ng pagkairita.
"Ahh. That's Laiza. Jadiel's first love. I'm pretty sure she's the reason why Jadiel decided to study here. We've known her since we're young. Nurse na siya ngayon kaya halos di na sila masyadong nagkikita."
Parang dinurog ang puso ni Sahania pagkarinig niya ng sinabi ni Daniel.
First Love ni Jadiel?
So, ito pala ang babaeng dahilan kung bakit nag-aral ng Baguio si Jadiel.
Ang babaeng rason kaya parang hindi nag-eexist ang ibang babae para kay Jadiel.
Ang nag-iisang dahilan kung bakit hinding-hindi siya mapapansin ng taong mahal niya.
'Kaya pala. Sino ba naman ako kumpara sa kanya.' malungkot na sabi ng dalaga sa sarili.
"Best friend siya ng ate ni Jadiel. Kapitbahay kasi naman siya nung nakatira pa kami sa bahay ng lolo ko sa-"
"Gusto ko ng umuwi.".
Natigilan sa pagkukwento si Daniel sa sinabi ni Sahania.
"G-gusto ko ng umuwi.." parang wala sa sarili na inulit ni Sahania ang sinabi at saka naglakad.
"Sahania!" habol ni Rita sa pinsan.
"G-gusto ko ng umuwi Rita.. Gusto ko ng umuwi.."
Paulit-ulit nitong sinasabi iyon.
"Wait, what's going on?" nagtatakang tanong ni Daniel na humahabol din sa kanila.
Napatingin naman sina Jadiel at Laiza sa kanila at gulat na dahan-dahang lumalapit si Jadiel
"Gusto ko ng um-- Aaggghhh!!"
Hindi natapos ni Sahania ang sasabihin dahil bigla siyang natapilok sa suot na heels at namilipit ang paa niya at natumba.
"Sahania!!"
Tawag ni Daniel na papalapit pero naunahan siya ng mabilis na tumakbong si Jadiel para saklolohan ang dalaga.
"Nia.. are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jadiel na agad hinawakan ang paa ng dalaga.
Tinanggal nito ang suot na heels at hinilot bahagya ang paa niya.
Naiwan namang natigilan si Rita sa mga nangyayare.
"What's wrong? Is she okay?" tawag naman ng nag-aalalang nurse na si Laiza habang papalapit sa kanila.
"It's okay Jadiel. I got her." matigas namang sabi ni Daniel at agad inalalayan patayo ang natumbang dalaga.
Itinaas ni Jadiel ang mukha at nakita niya ang mukha ni Sahania na punong-puno ng umaagos na luha.
Makikita mo ang nanlulumo na mukha ni Jadiel pagkatapos makita ang itsura ni Sahania.
Akma niyang hahawakan ang pisngi ng dalaga para sana punasan ito nang bigla siyang pigilan ni Daniel.
"I said, I GOT HER." mahahalata na may halong pagbabanta sa tono ni Daniel nung sinabi iyon.
Walang nagawa si Jadiel kundi ang yumuko na lamang.
"Buhatin na kita." malambing na sabi ni Daniel kay Sahania pagkatayo nito.
"Kaya kong maglakad." sabi naman ni Sahania.
Nagpunta sa kaliwa ni Sahania si Rita at ipinulupot ang kamay ni Sahania sa leeg niya upang tulungan si Daniel na inaakay naman sa kanan ang kamay nito.
Walang nagawa si Jadiel kundi ang maiwan na nakaluhod at malungkot na pinanuod ang pag-alis ng tatlo.

YOU ARE READING
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...