Code Name: Agent Red

18.9K 278 25
                                    

[Rury's POV]

Tahimik akong nagbabasa ng The Hunger Games sa kwarto ko habang kumakain ng V-cut with matching Del Monte Pineapple Juice at nakikinig ng mga anime songs sa MP3 ko, nang biglang tumawag ang Papa ko sa labas ng kwarto ko.

"Anak?!" Malakas nitong tawag sa akin.

Napabalikwas ako. "Ama?!" 

"Nandito si Sean at Mae." Sabi nito.

Na[atayo ako sa kama ko at dali-dali akong tumingin sa salamin para tingnan kung maayos ba ang itsura ko.

Magulo ang buhok ko, pero nakatali naman. Ayos na to. Para akong achay sa damit pambahay ko, pero mabango naman. Ayos na to. Ang laki ng salamin ko sa mata, pero nakakakita naman ako ng maayos dahil dito. Ayos na to. Napaka dungis ko dahil sa mga kinain ko, pero busog naman ako. Ayos na to. Lalabas na ako. Hindi naman problema ang pagmumukha ko sa mga katrabaho kong sina Sean at Mae eh. Kilala na nila ako. Ayos na to.

"Oy! Bakit?" Tanong ko sa kanila nang lumabas ako ng kwarto ko.

"Ano ba yang itsura mo? Para kang hindi babae." Iritableng sabi ng lalaking nakasalamin din at palaging mukhang may galit sa mundo. Si Sean.

"Inggit ka. Gaya ka." Sagot ko.

"Rury." Tawag sa akin ng isang babaeng may salamin din (Wag kayo lahat kami dito nakasalamin sa mata.) na mukhang haponesa. si Mae. "Pwede ba tayong mag-usap sa kwarto mo?" Bulong nito sa akin.

Sa mga kinikilos nila, mukhang may bago na namang ipapagawa si Director sa amin. Ano na naman kaya yun? Hindi kaya pagpapanggapin na naman nila akong pulubi sa daan katulad ng huling misyon na pinagawa nila sa akin? Susme. Wag naman. Kahit ano, wag lang yon. Mahirap matulog ng dyaryo lang ang kumot.

"Tara, pasok kayo." Sabi ko tapos pinapasok sila sa kwarto kong.... sabihin na nating medyo malinis. Okay, madumi na. Ayan na, umamin na ako.

"Rury, pinapatawag ka ni Director Rei. May bago syang ipapagawa sayo." Mae.

Napabuntong hininga ako. "Sinasabi ko na nga ba." 

"Alam mo naman pala, edi tara na." Iritableng sabi ni Sean. 

Sila ang mga Intelligence back-ups ko. Sila Sean Felix at Patricia Mae Felix. Hindi sila magkapatid at lalong hindi mag-asawa. Sakto lang na parehas sila ng apilido, kaya silang dalawa ang magpartner sa mga back ups ko. Sila yung mga nagbibigay sa akin ng mga instructions kapag nasa mission ako. 

"Sige, tara na." Sabi ko.

"Hindi ka man lang ba magbibihis?" Mae.

"Hindi na. Sanay naman na akong nakikita ni Director na ganito." Sabi ko. "At saka kasusuot ko lag nito kanina pagkatapos kong maligo."

"S-Sige." 

Nagpaalam ako kay Papa na may pupuntahan lang kami sandali, pero ang totoo nyan, pupunta kaming Agency namin. Ang Blue Dogs Agency, kung saan palihim akong nagtratrabaho bilang secret agent. Hindi alam ng Papa ko ang tungkol sa pagiging Teenage secret agent ko dahil pag sinabi ko sa kanya, natatakot akong baka patigilin nya ako sa trabaho ko. Ako lang kasi ang nagiisang anak nya at alam nyang hindi na ako masusundan pa dahil may ibang pamilya na ang Mama ko. Ayoko namang huminto dahil dito ako kumukuha ng pambayad sa mga gamot at pangosptal ni Papa pag inaatake sya ng hika nya. Ang alam lang kasi ng papa ko, sumaside line ako bilang waitress sa isang Pastry Restaurant.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now