Chapter 12: Transferee

1.3K 69 2
                                    

(GREY WALKER☝☝)

Lexi's POV

"Kailan pa ako nagkaroon ng sakit sa puso?" Bulong ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ang kanan kong kamay.

Dumiritso ako dito sa shakey's para kalmahin ang sarili pero lalo yatang lumala.

"Ang bata-bata ko pa, wala pa nga akong boyfriend tapos----tapos may sakit na ako?"

Kinagat ko ang hawak-hawak kong pizza at uminom ng soft drinks.

"Teka---bakit ang oa ko? Pero---" pinakiramdaman ko ulit ang dibdib ko.
"Bakit bumibilis? Wag mong sabihing--------"

Napatayo ako at nanlaki ang mata.

"May sakit talaga ako sa puso!?"

Ahh hindi---hindi-----imposible. Umupo ako ulit at umiiling-iling.

Wala pa akong asawa, hindi pa ako pwedeng mamatay. At sakit sa puso? Nah im---

Napatigil ako sa kaiisip nang maramdaman kong biglang tumahimik ang paligid.
Parang naging kamatis sa pula ang mukha ko nang makita kong nakatingin sila sa akin.

Patay,

Tinakpan ko ang mukha at dahan-dahang yumuko.

Ang tanga ko.

Pabalik na ako sa eskwelahan. Alas-una pa kasi ng hapon kaya may dalawang subject pa ako.
Ayoko namang mag-cutting, baka pagalitan na talaga ako ni Maam Zheira. Saka kung mananatili pa ako doon sa Shakey's baka, mamamatay na talaga ako-------sa hiya.

Malapit na ako sa gate ng GU nang may biglang itim na SUV ang huminto sa harapan ko. Babaliwalain ko na lang sana sila nang may tatlong lalaki na nakapulang maskara ang lumabas at lumapit sa akin. Tumakbo ako pero mabilis akong hinabol ng isang lalaki.

"Bitawan mo ako! Ano ba! Bita---arghhh!" Sinuntok niya ako sa tiyan.

Binuhat niya ako at pinasok sa loob ng SUV. Sinubukan kong bumangon pero nanghihina na ang katawan ko.

"Tara na!"

Pinikit ko na lang ang mata ko at hinayaan ang sariling kainin ng karimlan.

"Hmmp,"

Napabalikwas ako nang may nagbuhos ng tubig sa mukha ko. Umani ang sunod-sunod na tawanan.

"Hahaha!"

"Matutuwa si Boss nito."

Medyo blurred pa ang paningin ko kaya hindi ko masyadong kita ang nasa paligid.

Basta ang masasabi ko lang napapaligiran ako ng anim o limang lalaki. Nakaupo ako sa semento habang nakagapos ang dalawang kamay at may duck tape ako sa bibig.

"Tiba-tiba na naman tayo nito."

Sinubukan kong tanggalin ang tali sa kamay ko pero masyado itong mahigpit.

"Itigil mo na 'yan, masasaktan ka lang." Ani ng isang lalaking blonde ang buhok na seryosong nakatingin sa akin.

May kinuha siyang panyo sa bulsa at akmang pupunasan ang mukha ko pero umiwas ako.

"Stay still."
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang tumutulong tubig.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya.

Mukha siyang mabait, hindi dahil gwapo siya. Well, matangos ang ilong niya. Red lips, makapal na kilay at may hikaw sa kaliwang tainga na itim.

Ang ibig kong sabihin, naiiba siya sa mga lalaking nandito. Lahat sila nakasuot ng lose pants and black t-shirt. Maliban sa kanya na naka-black jeans at blue na polo na may panloob na white T-shirt. Nakafold pa ang sleeve ng polo niya hanggang sa braso.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon