Chapter 27: His reason

861 27 1
                                    

(Kier at the multimedia💞)

Lexi's POV

"Young lady, pinahanap ko na po 'yong lalaki. Namatay na po ito noong isang taon. Ang kapatid na lang nitong babae ang natitira."
Butler Jin

"Ang kapatid niya. Nasaan?"

"Nasa Carissa's Mental Hospital po young lady. Nabaliw po ito pagkatapos mamatay ng kapatid niya."
Bumuntong-hininga ako.

Ngayon, patay na ang lalaking pwedeng makatulong sa akin.
May kapatid nga, baliw naman.

Ilang linggo na lang magaganap na ang eclipse. Ang araw kung kailan gagawin ang ritual. Sigurado akong hinahanap na rin nila ako.
Kailangan makahanap ako ng solusyon bago dumating ang araw na 'yon.

"Ihanda mo ang sasakyan. Aalis tayo."

Pumasok ako sa isang pulang selda. Isang babae na may mahabang buhok ang nakita kong nakaupo sa sahig habang nakayuko. May binanggit siyang mga salita na hindi ko maintindihan.

"In nomine dei nostri satanas luciferi exclesi."

"Hintayin mo na lang ako sa labas."baling ko kay Butler Jin na 'agad namang sumunod sa nurse.

"Ikaw ba si Vanessa?"
Tinapik ko sa balikat ang babae nang bigla siyang humarap sa akin dahilan para mapaatras ako.

Ang putla ng mukha niya. May sugat pa siya sa pisngi. Kulay-itim din ang ngipin niya.

Hinawakan niya ang mukha ko at inaamoy-amoy.
"Ikaw nga. Dumating ka."
Inalis ko ang kamay niya at lumayo ng konti. Pinakita ko ang picture ni mama.

"Kilala mo ang babaeng 'to diba?Alam mo kung ano ang nangyari sa kanya. Pwede mo bang sabihin sa akin kung--"
Inagaw niya ito sa akin. Kita kong nagbago ang expression ng mukha niya. Tumingin siya sa akin pagkatapos sa larawan.
"Kapatid ka--"
Lumayo siya sa akin.

"Hindi mo siya ina. Isa kang demonyo. Umalis ka na. Hindi ka dapat pumunta dito. Wala ka dapat dito. Kukunin ka nila. Kukunin ka nila."
Humakbang ako palapit sa kanya pero umatras siya at sumiksik sa gilid ng kama.

"Hindi ka dapat nabuhay. Ang dilim, mababalot ng dilim ang paligid. Parating na siya. Parating na siya. Diyos ko, patawarin niyo kami sa aming mga kasalanan. Iligtas mo kami."

Inis na sinandal ko ang likod ko sa upuan.
I shouldn't have come here. Wala rin naman akong mapapala.

"Young lady, okay lang po ba kayo?"

"Get out. Hindi mo na ako kailangang ihatid. Bumalik ka na sa mansion, kapag may naghanap sa akin. Sabihin mong hindi mo alam kung nasaan ako."

Pinaandar ko ang kotse at pinaharurot paalis. Habang nasa daan biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng babae.

"Hindi ka dapat nabuhay. Ang dilim, mababalot ng dilim ang lahat. Parating na siya. Parating na siya. Diyos ko, patawarin niyo kami sa aming mga kasalanan. Iligtas mo kami."

Napangisi ako ng mapakla.
I didn't even asked to be born yet I'm here. Suffering for my sin.
Tanginang buhay 'to.

Isang itim na van ang napansin kong nakasunod sa likod. Binilisan ko ang pagpapatakbo. Lumiko ako sa kaliwa pero nakabuntot pa rin ito.

"They're fast than I expected."

"Shit!" Mabilis kong tinapakan ang preno nang makita ko ang dalawang kotse na nakaharang sa harapan.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ