Chapter 20: Deadly Revelation

1K 43 3
                                    

Lexi's POV

"What do you think you're doing?"

Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang napakapamilyar na boses.
Napairap ako nang makita ko kung sino ito.
Ano namang kailangan ng bampira na 'to.

"What do you think? Tsk."

Humakhang na ako paalis nang hinawakan niya ako sa braso.
"Stop it. Stop whatever you---" malakas kong winaksi ang kamay nya.

"Bakit? May masama ba sa ginagawa ko? Nililinis ko lang ang mga basura sa mundo."
Diin kong sagot sabay tingin sa apat na lalaking nakahilata sa sahig.

"You could die, stupid! Hindi mo ba alam 'yon?"
Sigaw niya.

Napatawa ako.
"Die? Matagal na akong patay, Vaghn. Matagal na."

Sumakay na ako sa motor. Pagdating ko sa bahay agad akong dumiritso sa banyo. Ini-on ko ang shower at nagsimulang umiyak.

"You could die, stupid! Hindi mo ba alam 'yon?"

"Tanga mo talaga, Lex. Sobrang tanga mo."

Yes, I love him. I fucking love him.
That night, I know it's him. He's my Monster Knight.

Nakakatawa nga eh. Ang taong nagligtas sa akin ay siya ring taong sumira sa buhay ko.

Pinatay ko ang shower at pinunasan ang luha ko. I promised not to cry anymore, pero heto na naman ako. Tsk.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko kay Sabina nang maabutan ko siyang nakaupo sa kama.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"balik niyang tanong.

"Lumabas ka na."
Kinuha ko ang itim na roba at sinuot.

"Nag-aalala lang ako sayo. Nagkalat sa paligid ang kalaban natin, paano kung may mangyaring masama sayo? Hi--"

"Lumabas ka na, Sabina. Bago ko pa makalimutang kapatid kita."

Padabog na lumabas siya ng kwarto. Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan talaga.

Humiga na ako sa kama nang mapansin ko ang pulang envelope sa study table.

Ano 'to?

"One life will be buried."
'Yan ang nakalagay.

Sinong naglagay na 'to dito?

"Butler Jin!"

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa baba.
"Bakit young lady?"

"Pumasok ka ba sa kwarto ko?"

"Hindi, young lady. Bakit po, may nawala po ba sa mga gamit niyo?"

Kung ganoon, kanino 'to galing? Teka, si Sabina.

"Where's Sabina?"

"Kakaalis lang po. May pupuntahan daw siya."

Fuck.

"Saan?"

Sinuot ko ang jacket na nasa sofa at dali-daling pumunta sa garahe. Tin-track ko ang cp niya, good thing naka-on ang GPS nito.

"Young lady, mag-iingat po kayo."

Sana hindi ko na lang siya pinaalis. Bwesit!

Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo. Ilang minuto lang tanaw ko na ang isang abandonadong building.
Kung hindi ako nagkakamali ito 'yong pinagdalhan sa akin ni Jill.
Bakit siya nandito?

Pinatay ko ang makina. Sinuot ko ang hood at maingat na naglakad papasok. Madilim na kaya medyo hindi ko kita ang daan.

"Shit!"
Biglang lumundag sa harapan ko ang itim na pusa. Napahawak ako sa dibdib. Bwesit.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora