Chapter Two

8.2K 98 3
                                    

CHAPTER TWO

WHEN I arrived at the house, agad-agad akong kumain. Nagugutom na kasi talaga ako. But then, habang kumakain ako, isa lang ang umiikot sa isip ko; si Tyron. Si Tyron pati na rin ang mga rumors na kumakalat sa campus.

What if totoo nga lahat ng ‘yun? What if naaagaw na talaga ni Nestly sa akin si Tyron? Ugh!

Kinuha ko ang cellphone ko and I dialled Tyron’s phone number.

“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try again later.”

Ugh! Hindi niya sinasagot. Unattended ang phone niya! Bakit kaya? Ano kaya ang ginagawa niya? Siguro kasama niya ‘yung malanding Nestly na ‘yun! Psh! Wala talagang alam ‘yung babaeng ‘yun kundi ang manlandi at manira ng mga relasyon! Nakakakulo ng dugo!

After almost ten minutes of eating, natapos din ako sa wakas. Pumunta ako sa kwarto ko at humiga na muna. Hay. Life really sucks. Sa ngayon, gulong-gulo na ang utak ko. Nakaka-stress, grabe!

Ano ba ang dapat kong gawin? Hahayaan ko na lang ba si Nestly na landiin at agawin ‘yung boyfriend ko? Of course not. Hindi ko dapat hayaang mangyari ‘yun! I thought.

Bumangon ako and I grabbed my phone and dialled Patch’s number.

After three rings, sinagot niya rin.

“Hello?”

“Hello. Finally, sinagot mo rin,” sabi ko.

“May ginagawa kasi ako eh. O, kamusta ka naman?” tanong niya.

I heaved out a sigh. “‘Eto pinipilit maging okay. Hay, gulong-gulo na ang pag-iisip ko, Patch.”

Narinig ko siyang bumuntong hininga. I know how much she was affected because of me. Bestfriend ko kasi siya eh. “Hay nako, kung may magagawa lang ako para mapatalsik na ‘yung kirengkeng na Nestly na ‘yun dito sa school, matagal ko nang ginawa. Kainis eh, ‘no? Lahat na lang nilandi. Alam mo ba’ng nakita ko sila ni Tyron kanina sa cafeteria? Magkasama silang kumakain.”

What?!

“Ano?!” I almost shouted.

“Aray! Ang lakas ng boses mo, ‘teh! Ang sakit sa tenga!” reklamo niya.

“Did I heard it right? Magkasama na naman sila?” tanong ko. Grabe, ang landi talaga ni Nestly. Malandi to the point na pati ang boyfriend ng iba ay inaagaw niya. The nerve!

“Oo, Deity. Uber na talaga sa kalandian ‘yung si Nestly. Hindi ko alam kung saang makating bagay siya pinaglihi.”

Unti-unti, tumulo na naman ang luha ko. Ugh! Ang iyakin ko na. Wala naman akong magagawa eh. Ang sakit kasi talaga. Tuwing malalaman kong kasama ni Tyron ‘yung babaeng ‘yun, feeling ko hinihiwa ‘yung puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit sa dibdib na nalalamang nilalandi ng iba ang boyfriend mo.

I think I should make a decision now. A decision that will make everything okay, a decision that will end up the pain I am suffering.

***

KINABUKASAN, maaga akong gumising. I did all my usual morning rituals: maghilamos, kumain, etc. After the breakfast, lumapit ako kay Mommy. I think I should tell her what I want to happen.

“Mommy, may sasabihin po ako,” I started.

“What is it all about, hija? Come on, tell me,” she said, smiling.

I took a deep breath and gathered all the strength and courage. “I wanna get married.”

Mommy looks taken aback with what I said to the point that her jaw dropped, literally. “W-what are you talking about, hija? Is this some kind of a joke?”

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now