Chapter Seventeen

159 8 3
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Deity’s POV

“WAKE UP, you sleepyhead!”

Napilitan kong imulat ang mga mata ko dahil sa gumigising sa akin. Oh crap, alam naman na natutulog ang tao tapos gigisingin pa? Tss.

“Bangon na diyan. Bilis, may pupuntahan tayo!” sabi ni Phytos habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

I yawned. “Saan ba tayo pupunta? Hapon na ah.” Napatingin ako sa wall clock. 5:20 PM.

“Food trip. Bilis na, bumangon ka na!”

Food trip?! Seriously? What the effin’ hell? Antok na antok na ako, please lang.

Running out of options, I get up from my bed and fixed myself. Nagsuklay ako sa harap ng salamin habang si Phytos naman ay nasa likuran ko lang at pinapanood ako.

“Ready?” And he smiled.

“Gotta go!”

We went out of my room and we left the house. Sabi ni Phytos, maglalakad lang daw kami. Kaya naman heto nga at naglalakad lang kami. Ewan ko nga ba. Nawiwirduhan ako sa kanya. Huminto kami sa park na malapit sa bahay, isang park na kadalasang tambayan ng mga high schoolers. Marami kasi ritong tinitindang mga street foods at marami ding mga bench na pupuwedeng tambayan.

Paglingon ko sa tabi ko, wala na pala si Phytos. Kainis lang o! Iwanan daw ba ako?

“Uy!”

Narinig ko ang boses niya at nakita kong nasa tapat siya ng isang cart at bumibili ng kwek-kwek. Ito ‘yung quail eggs na nakabalot sa harina at isinasawsaw sa sweet and sour sauce. Paboritong-paborito ko ‘yan way back nong high school ako. At hanggang ngayon pa rin.

Lumapit ako sa kanya at inabutan niya naman ako ng stick at plastic cup na may laman na limang pirasong kwek-kwek. Ang sauce? Sweet and sour as always!

Yum yum yum! I munched, munched and munched. In just few minutes, naubos ko agad iyon. Naubos na rin ni Phytos ‘yung sa kanya kaya lumipat naman kami sa cart na may tinitindang ihaw-ihaw.

“Ate, dito nga po sa barbecue at sa isaw,” sabi niya sa babaeng tindera.

Inihaw na ni ateng tindera ‘yung barbecue at isaw at habang hinihintay namin iyon, nakakita ko ng tinitindang Banana Cue malapit sa amin. “Phytos, tingnan mo o!”

“Banana Cue? Bakit? Gusto mo ba?”

I nodded. “Oo.”

“Okay, ibibili kita. Pero dito ka lang ha? Hintayin mo ‘yang barbecue at isaw natin.” At pinuntahan niya ‘yung nagtitinda ng Banana Cue para bilhan ako.

Grabe, nakaka-miss ‘yung ganito. Para kaming bata at street foods talaga ang trip namin. Feeling ko tuloy high schoolers pa kami. Ito pala ‘yung gusto ni Phytos…  ‘yung parang bumalik kami sa dati.

Before I even knew it, nasa harapan ko na pala siya at inaabot ang tatlong sticks ng Banana Cue. “Here.”

I smiled at him. “Thank you ha?”

Ngumiti lang din siya. “Seems like okay na rin ‘yung barbecue at isaw, tara kunin na natin.”

Pumunta kami sa isang bench at doon pumwesto para kainin ‘yung mga binili naming pagkain. Bigla kong na-realize ang isang bagay… ganito kami dati ni Phytos noong kami pa. Laging masaya… Laging nagpu-food trip…

Hmm… parang gusto kong ibalik ‘yung nakaraan.

Ubos na namin ‘yung mga pagkain nang mamalayan kong gabi na pala at naka-sindi na ‘yung mga ilaw dito sa park. “Gabi na rin pala,” pabulong na sabi ko.

“Oo nga. Ano? Tara na ba?” Akmang tatayo na siya.

“Sandali. Dito muna tayo,” sagot ko sa kanya.

“Okay, sabi mo, eh. Ahm, gusto mo ba’ng mag-Tagaytay next week?”

Tagaytay? Sounds fun!

I nodded at him. “Sige. Punta tayong Tagaytay next week.”

He grinned. “Sure na ‘yan, ha? Wala nang bawian. Pinky promise?” Inilapit niya ang kanyang hinliliit na daliri sa akin.

Haaay, para kaming pre-schoolers. “Pinky promise. Pupunta tayong Tagaytay at wala nang bawian.” And we made a pinky swear.

Ngumiti siya. “Okay. So, tara? Uuwi na ba tayo?”

“Tara,” sabi ko at sabay kaming tumayo mula sa bench. Hahawak na sana ako sa kanyang kamay pero…

“H’wag. Ako na lang ang hahawak,” sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Hashtag “HHWW.”

I frowned. “May difference ba ‘yun? Kapag ikaw pa ang hahawak?”

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Tinitigan niya ako sa mga mata ko at itinaas ang mga kamay naming magka-hawak. “Kapag kasi ikaw ang humawak, may possibility na bumitaw ka. Pero kapag ako? I will never let you go.”

With that, I felt my heart skipped a beat and I felt butterflies in my tummy. Feeling ko pulang-pula na rin ang mga pisngi ko. Damn being poetic but heck, what is this feeling?

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. While we are walking, napatingin ako sa mukha ni Phytos. And then a sudden realization hits me — I’m falling in love with him… again.

And that ends the day.

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now