Malabong Ugnayan (MU)

2.5K 21 0
                                    

Hawak ang litrato mong gusot na,
Sa likod nito ako nagsimulang mag-hena,
Sinimulan ko ang pag hulma ng pyesang ewan ko ba kung may kwenta,
"Ang paglimot sayo ay di ko ata kaya,"
Sa 'yong mga paglapit ako'y nadadala,

"Wag ka na kasing magparamdam ng di na ko tuluyang umasa"

"Lumayo ka na!" sigaw mo habang lumalapit,
"Lubayan mo na ko!" pero ikaw tong kapit ng kapit?
Ikaw na nga tong kumakalas ikaw pa tong galit?
Itigil mo na to, sobra na ang sakit.

Gusto ko ng kumawala,
Sa nararamdaman kong kukupas pa kaya?
Sa silakbo ng pusong hindi na ata huhupa,
Sa mga liham na kahit silaban ko pa'y nabubuo bigla,

Pero bakit? Akala ko ba gusto mo kong lumayo?
Gusto mo kong mawala at tuluyang maglaho,
Gusto mo kong umalis na't gusto mo kong magtago,
Ngunit ba't ikaw din tong nagbibigay ng mga senyales na malabo pa sa malabo?

Gusto mo kong kamuhian ka,
Gusto mo kong lisanin ang tagpuan nating dalawa,
Gusto mo kong ayawan ang mga pagsuyong natitira,

Gusto mo ko..

Pwede bang wag ng dugtungan pa yan?
Pwede bang samahan mo ko't gripo ay sabay nating buksan?
Pwede bang sabihin mo sakin ang mga sekretong nakadagan?
Pwede bang i-klaro natin tong malabo nating ugnayan?
Pwede ba?.. kaibigan?

Spoken Word Poetry (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora