Chapter 28

642 13 5
                                    

Chapter 28

Naupo ako ng maayos ng malapit na kami sa Concepcion hindi ko akalaing uunlad itong lugar maayos na ang daan sementado na ito at di aakalaing matalahib pa ang bawat gilid ng daan, ngayon dinadayo na ito para makapunta sa lumang simbahan.

Maraming nagaakala na nagmimilagro itong santo kaya lahat ng turista man o may sakit ay dinadayo itong lugar.

Dumaan rin kami sa maliit na parke kung saan natatandaan ko pa paano ako hanapin ni Frank ang dungis niya noon samantalang ako umiiyak dahil wala na si Nanay. Nakakamiss ang masigla niyang biro at mga pasaring walang napala. Nakakatawa lang isipin ang bilis ng panahon. Kamusta na kaya siya sana maalala niya pa ko. Sana lang makilala niya pa ko. At sana lang hindi siya nagbago.

   "Why are you smiling?" Biglang tanong ni Avon nilingon ko lang siya at umiling.

   "Malapit na tayo it seems na tama pa rin sana ang bigay mo na addres nila para di tayo mahirapan. It would be a long day at masama sayo ang mapagod." She carefuly said. Sabay taas ng kilay nakuu lang Avon.

   "Tama yan magtiwala tayo sa alaala ko hehe at Avon ano ka ba para dalawang oras lang tayong bumiyahe." Mahinang hampas ko sa braso niya sabay ngisi.

Di nagtagal ay pumarada siya sa isang malawak na bakuran at tanaw mula sa gate ang isang matandang babaeng nagwawalis sa bakod. Bumaba ako matapos patayin ni Avon ang makina ng kotse niya.

   "TIYA CORA!" Tawag ko sinuot nito ang salamin at lumapit pa.

   "ABAY HEAVNLY?!" tumango ako sa kaniya at mabilis naman niya kaming pinagbuksan ng gate nila.

   "JUSKOONG BATA KA!" yumapos agad siya sa akin at tila naluluha pa. "HALIKA HALIKA PASOK KAYO." aya niya papasok sa bahay.

   "Hindi talaga ako makapaniwalang gagawin iyon ni Bea Heavnly at si Kuya mo naman nakakulong na ito dahil sa dami ng patong patong na kasong kinasangkutan jusko hindi ko na alam ang mga nangyayari sa inyong magkakapatid matapos pumanaw ni Helen." Nasa kanya pa rin ang pagiging masungit sa tono pero wala na iyon sa akin ang mahalaga ay hindi nila napabayaan ang puntod ng dalawa kong pamilya.

Simple lang ang bahay ni Tiya Cora hindi magarbo hindi pang mahirap dahil ang mga pinsan ko ay nagsipagangat na sa buhay.

   "Binenta ko na ang paupahan ko sa mayor ng siyudad dahil di ko na kayang alagaan pa ang bahay na iyon masyado na kong matanda ayoko na ring magkikilos sumasakit na ang mga kasu kasuan ko Heavnly." Sabi niya habang nilalapag ang meryenda sa maliit na mesa saming harapan.

   "Siya nga pala ano ng ginagawa mo ngayon sa buhay? Aba eh huling balita ko sayo na sangkot daw kayo sa krimen noon ni Bea." Dagdag na tanong niya pa.

   "Ah wala sa ngayon Tiya Cora magkakababy na kasi ako yung tungkol naman po sa nakaraan kinalimutan ko na po iyon." Nagulat man ay bumawi ng ngiti itong si Tiya bago napatingin sa maliit na bumbok sa tyan ko.

   "Nako abat mahirap ang buhay ngayon nasaan ba ang asawa mo at hindi mo kasama?" Lumingon si Avon sa akin at binalik lang rin ang mata sa matanda alam kong binibigay niya sa akin ang desisyon kung sasabihin ko ba ang totoo o gagawa na lang ng kwento gaya ng ginagawa ko kung may nagtatanong.

   "Dalagang ina ako Tiya Cora."

Inabangan ko ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko ngunit hindi na lang ito umimik marahil naramdaman niya na ayaw kong magusapan ito.

   "Kahit anong nakaraan natin, kahit ano pa ang mga nasabi ko noon hindi ko maiwasang may isang pamangkin ako na isang tulad mo. Wag kang magatubiling magsabi sa akin ng problema mo Heavnly hindi ka iba sa akin masungit man ako noon sayo pero alam kong pinatawad mo na ko diba? Hahaha." Tama siya ayoko ng alalahanin ang mga nakaraan sa amin at matagal ko na siyang pinatawad.

She's A Nun?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora