Chapter 32

395 10 0
                                    

Chapter 32

Heavnly

Dahil sa layo ng munisipyo ay napagod ako sa kakalakad bat di ko ba naisip na magtrisikel na lang pero ano bang sasabihin ko kay Frank kung nagkita na kami? Di ba siya magagalit? Magpapakilala pa ba ako sa kaniya?

Hays!

Sa sobrang pagkabusy ko kakaisip kanina ay di na lang ako tumuloy sa munisipyo baka bukas na lang magpapasama ako kay Avon ayoko naman sana kaso lang baka mawalan ako ng lakas ng loob at baka di ako kilalanin ni Frank.

Sana naman Lord bukas ay di ako mabigo at makilala ako ni Frank agad hays nakakamiss ang kakulitan pa naman noon.

Nasa park ako ngaun kung saan ako nakita noon ni Frank huling gabi ko na pala yun dito sa Concepcion nakakamiss maglaro dito at naalaa ko pa sumisigaw ako na kunin na lang ako at isama kila kuya Harlem.

May halaga pa pala ako sa mundong ibabaw ang ipanganak ka baby, ngumiti ako habang nakaupo sa bench dito tanaw ang papalubog na araw ang gandang pagmasdan. Ano kaya ang buhay ko noon kung bumalik lang ako dito kasama ko pa kaya ang mga kaibigan ko? Asan na kaya si Lily namimiss ko siya buti na lang anjan si Sister Riza nakoo kamusta na kaya yon?

Hay makauwi na nga lang lalakarin ko na lang at malapit na rin naman ang resort.

Beeep... beeep..

Isang malakas na busina ang narinig ko kaya napalingon ako sa daan at nakilala siya! Lord naman eh di po ba pwede na kahit isang araw lang ay wag muna siya papakita sakin. Inismiran ko lang siya at patuloy sa paglalakad.

Kinakabahan ako iba kasi eh o baka iba na tong nararamdaman ko sa kaniya mas malakas tumibok ang puso ko jussko. Di naman ako tumatakbo.

Pagmamahal na ba ang tawag don?

Di nagtagal ay sumasabay na siya sa paglalakad sakin. Ayokong magsalita at kung ano pang isipin niya pero di ko kayang tagalan ang presensiya niya.

   "Bakit ka ba sumasabay?" Himinto ako at nagtanong

   "I want... I want... I want you." Nabigla ako sa sinabi niya juskoo Lord iba na tama nitong gwapong nilalang na to jussskoo!!!

   "BASTOS!" Lumakad ako na mas mabilis pa sa pagong dahil namumula ako sa kilig at hindi sa galit, bakit ba ko nagkakaganito?

   "Good evening Mam buti po anjan na kayo kanina pa po nagaalala si Mam Avon sa inyo." Sinalubong ako ng guard sa gate ng resort ng makita niya agad ako.

   "Hala! Nako salamat po." Yun na lang ang nasabi ko at agad na kong pumunta sa cottage ko jusssko Heavnly lagot ka talaga nito.

   "Avon!" Sigaw ko ng makita ko silang lahat na nasa sala ng cottage

   "My gosh!" Agad akong niyakap ni Andrea at Lea maging si Agot at Kris

   "Where the fuck did you go!?" Mura naman ang inabot ko kay Avon. Ang tabil talaga ng dila putulin ko kaya psh

   "Ahmm pumunta sa park." Sagot ko na lang para wala ng maraming tanong.

   "Alam mo kung hindi ka lang buntis sinabunutan kana namin." Pagbibiro ni Lea

   "Bakit naman?" Innosenteng tanong ko sabay kamot sa ulo.

   "Pinagaalala mo kaming babae ka ang gala gala mong juntis ka tang ina kala ko susugod na naman si Avon sa boss niyang hottie para manawagan na eh hahahaha." Pangaasar ni Agot kay Avon inismiran lang siya ng huli

   "Ay hehe sorry ha di ako nakapagpaalam may nakita kasi akong puto kanina kaya naisipan kong bumili. Pasensiya na Avon sorry." Hingi ko ng tawad sa kanila

She's A Nun?Where stories live. Discover now